Mga kataga

, , , , , , , , , , , , ,

Hello.. again!

Para akong EX mo na biglang nagparamdam after a few months mula ng break up natin na sobrang labo ng dahilan.

Humihingi ako ng tawad dahil tinalikuran ko ang kumupkop sa akin nung madalas akong malumbay at #single pa. Sorry dahil wala man lang akong pasabi. Wala kahit anong post. Kahit hiatus cheberlu wala. Sorry dahil mula nung magkajowa ako, ang daming kong nabitawan. Sorry din dahil wala akong nararamdamang lungkot or pagkadismaya sa mga nagawa ko. #sociopath

Okaaaay! Sooooo nagbabalik loob nga ako. Hindi ko alam kung may nagbabasa pa ba ng blog ko or what. Bahala na si batman. Dapat natutulog na ko kasi 8AM pasok ko bukas. Pero fakdatsheet kailangan kong magblog. Bugso ng damdamin.

Updates? O, eto.

  • 3 positions sa trabaho ngayong 2018. 2017 naging TL, 2018 naging trainer. May 2018 naging TL ulit. Oct 2018 napromote, naging TL na ng TLs. In short, naging coordinator blah blah. Yes. Kapagod pero okay lang. Haha! #workaholickanabeshie?
  • Malapit na kami mag 2 years ni love! Yesshhhh! Going strong! ❤❤❤
  • Nagpabraces ng July, soooo 4 months na kong may bakod. Pwede na ko magVlog kasi hello, ganda na ng ipin ko! HAHAHA CHAR LANG!
  • Ang haba na ng hair ko! Gumaling na yung sakit ko na Pagupit Lagi. Tuwing dadaan ako sa mga salon, dedma si wata!
  • May journal na din ako! Ughhh kapagod pero worth it!!! Sobrang sarap sa feeling kasi gumagaling na din ako sa calligraphy! Hello, Abbey Sy! Pahingi naman ng pens mo! #feelingcloseparasaTombow

 

Okayyyy! ‘Yan lang muna!!! Kailangan na talaga matulog. Bye! 😍