Hello

Sabi ko nung November 2018 na itutuloy ko na ‘to. Pero nakalimutan ko password.

*excuses excuses

Ano na nga ba ang bago? Marami! Sobrang damiiiii! Hindi na ko gumagamit ng laptop pra magblog. Sa smartphone na lang lahat! Pero mas maganda pa rin para sa akin ‘yung nagta-type sa keyboard. Iba pa rin syempre ‘yung gumagana lahat ng daliri mo. Hindi ‘yung dalawang hinlalaki lang. Haha!

Maayos na ngipin ko! Nagpabraces ako nung July last year. Ayoko sana, kaso after ng surgery ko, kinailangan para hindi nakakatakot ‘yung ngipin ko. Hahaha! Sa suunod ko na lang ipopost mga pictures ng before and after. Sa next blog na lang! Basta ngayon, confident na ko magsmile! Hihihihihi

Bagong salamin! Wasak wasak na kasi ‘yung pinagawa ko nung January. Epal kasi ‘yung pinagawan ko noon. Alam n’yo ‘yung pumupunta sa office tapos installment ‘yung bayad. Ganern. Syempre naenganyo ako. Go push! Pero pangit pala ng quality ng frame. Ughhh! So ayun na nga, sa Owndays na ko nagpagawa last month. Syempre shookt ako sa service nila! Pang next blog na ‘yun syempre! Hahahaha!

Marami pang bago sa buhay ko at sa susunod ko na lang isshare. Alam n’yo kung anong hindi nagbago? ‘Yung feelings ko para kay N. Achuchuchu!! Hahaha! Mag 3 years na kami next year omgggg! Akalain n’yo ‘yun! Jusko! ‘Yung hirap na pinagdaanan ko nung inaawrahan ko s’ya! Hahaha worth it lahat dahil pang forever na talaga mga beshywapsz! Kahit na clingy ako, keri lang sa kanya! Hahaha bakit kaya ganun? Halos araw-araw na kaming magkasama sa office, pero namimiss ko pa rin s’ya? Self, paki explain!

Minsan, nagda-drama pa ko sa kanya kahit isang araw pa lang ang nakalipas na hindi ko s’ya nakikita. Weirddd! Siguro nasanay na ako na lagi kaming magkasama? Sabi ko nga, papakasalan ko na s’ya talaga pag di ako nakapagpigil! Hahahahaha cheret! Syempre sa kanya ko na ibibigay ang pagpopropose! Ako na nga nanligaw e! Hahaha!

Nakakatuwa talaga. Sa dinami dami ng pagbabago sa buhay ko, akala ko wala ng magtatagal. Winner talaga ako sa pag-ibig after ko maheartbroken ng dahil sa oppa. Natapos na din ang pagfa-fangirl ko sa mga KPOP idols! Jusko talaga! Hahaha!

To N,

Thank you talaga sa pagreciprocate ng pagmamahal, love! Hahahahaha! Alam kong mababasa mo ‘to soon kaya may paganito pa. 사랑해!

P.S.

Ang gulo ko na ata magblog! Daming naipon na feels! Jusko! Aayusin ko na next time pag may time na magblog sa office! Syempre busy tayo! Hahaha