Ako?

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong gusto ko maging ngayong graduate na ko..

Dati gusto ko lang maging painter, tapos maging writer (na naging trabaho ko sa loob ng 2mos. & 15 days bago maospital si lola), o kaya kahit maging author (na ginagawa ko ngayon..) man lang tulad ni Eliza Victoria (Hello po!! :3).

Tapos minsan gusto ko din pumayag na magnegosyo na lang (sabi ni ina).. Pero mas marami ang mga araw na gusto ko lang matulog at wag umalis ng bahay. Sinubukan ko na din maging isang freelance writer (NA KAHIT KAILAN AY HINDI AKO NAKAPAGPASA KAHIT ISANG ARTICLE HAHAHAHA) pero keri lang dahil nagsusulat naman ako ng kanta at napagkikitaan kahit papaano.

Siguro gusto ko talaga ‘yung mala-Joey Ayala ‘yung approach sa pagsusulat ng mga kanta. ‘Yung tipong malalim ‘yung mga titik tapos parang si Gary Granada lang. Pero mas feel ko sumulat ng mga english na kanta. Shet. Pinipilit ko ding makapasok sa mga songwriting contest na pumipili kadalasan ng mga sikat o kaya ‘yung mga professional songwriters. E amateur lang naman ako at wala pang magandang mic.. Kailan kaya ako magiging pro? (Eme)

Ang dami kong gustong maging ngayong graduate na ko.. sa susunod, makikilala na ko sa buong bansa pag nakapagdesisyon na ko kung ano ba talaga ang gusto ko maging.. sana tama na ang mapili ko.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

GRABE ANG LAYO NG NASULAT KO! DI KO MAN LANG NAIPAKILALA NG MAAYOS SARILI KO. HAHAHA! Pwede ba kitang maging friend? :3

 

 

-_- Ang labo

Advertisements

25 thoughts on “Ako?”

  1. musta advance happy bday kung ganun.. keep blogging

  2. salamat powshz :))

  3. HI! i sobrang “like” your blog. babasahin ko lahat ng nakasulat. ahahaha =D

  4. hey hi!

  5. Hi! :p

  6. grabe ang tagal mo na palang blogger. bow ako sayo.

  7. Ang ganda ng blog mo :) Nakakatuwa.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s