April 26, Wednesday

Grabe. Nakakapagod ngayong araw. Idagdag mo pa ang matinding init ng panahon. Nakakaloka! Sumakay na talaga ako ng fx from SM Megamall to Tektite dahil para na kong uling kakababad sa araw. Mga 2:35 ata nasa office na ko. Hindi pwedeng ma-late dahil malapit na magkatapusan. Masakit mawalan ng Perfect Attendance Incentive lalo na’t may lakad kami ni Nico next month. Haha!

TL na kami parehas ni Nico next month. Nakakaloka! Medyo windang na ako ngayong ATL pa lang. Paano na pala pag TL na? Feeling ko lagi akong praning pag may sarili na akong team. Chill lang naman ako, pero mahirap kasi lalo na’t pag sabay-sabay ‘yung mga members mo na may sasabihin or concern sa kung anumang bagay. Kanina nga medyo tumbling ako kasi may problema sa evaluation ‘yung isang teacher. Emergerd ene ne. Keber lang naman, pero kamote, di ko pa kaya. Hahaha! I mean, kaya naman, pero hindi pa ako confident kung tama ba ‘yung mga pinaggagagawa ko sa office minsan. Feeling ko nga nao-overwhelm na ako sa workload, pero keber lang talaga. Masaya naman kasi pag may meeting, magkasama kami ni Nico. Hahaha! So hindi din problema ‘yung pag-uwi namin ng sabay. Minsan mas marami lang talaga akong ginagawa kasi bagong account ‘yung hinahandle ko, saka dalawa pa lang kaming TL dun. E sa account ni Nico medyo madami na sila e. Haha! Fighting! Sa simula lang siguro ganito. Sana pwedeng ifastforwarrrdddddddd.

4 months na pala kami ni Nico next month. Naks! Ang saya-saya ko! Mas nagiging comfortable na kami sa isa’t-isa. Wala ng arte. Minsan meron pa rin, pero trip lang namin ‘yun minsan. Haha! Medyo kinilig lang ako kanina sa office. Actually, ang post na ito ay para talaga sa kilig ko kanina. Hahaha! May nagtitinda kasi ng leche flan kanina sa office. Bet na bet ko bumili, kaso di naman pwede sa akin ‘yung isang buong leche flan kasi mauubos ko ‘yun. E bawal nga ako ng masyadong matamis.. so hindi ako kumuha. Sabi sa akin ng nagbebenta na kumuha daw si Nico kasi kasing sweet ko daw ‘yung leche flan. WTH. Hahahaha! So dedma ‘yun. Tapos nag-PM ako kay Nico. Sabi ko nagke-crave ako ng leche flan. Sabi naman n’ya meron daw ‘yung nagtitinda. Sabi ko di pwede sa akin ng marami. Tapos binanggit na bumili s’ya. Hahaha! Akala ko hindi babanggitin e. So ayun nga, sabi n’ya para daw sana sa kapatid n’ya ‘yun, pero kung gusto ko daw e pumunta ako sa station n’ya. Sabi ko tinatamad ako. Tapos nagsend lang ng tumatawa na emoji. Ay nako. Wala na ako sa mood nun dahil ang daming pagod sa office, tapos ang daming class, tapos hindi pa ako makakain ng leche flan dahil ang tamad ko, ang init pa sa labas.. lahat lahat na! Malapit na talaga akong maimbyerna nun! E biglang pumunta sa station ko dala ‘yung leche flan. Ayun! Pak! Kinuha ‘yung microwavable container ko tapos nilagyan ng leche flan. Ang dami pa kamo ‘yung nilagay!! I was like WTF NICO! Hahaha! So ayun. Ewan. First time n’ya ginawa ‘yun. Laging ako kasi ‘yung nag-aasikaso sa kanya e. Hahaha! Laging ako ‘yung may ibibigay. First time ni Nico magdala ng something sa station ko kaya kailangan ko lang talagang i-blog. HAHAHAHA!!!

 

WAKAS

Advertisements