Mga kataga

, ,

February 17, Friday

Happy monthsary, mahal ko! Isang buwan na mula noong naging tayo. Ang saya saya ko! Dati, crush lang kita tapos hindi pa tayo nag-uusap.. Pero tignan mo naman tayo ngayon! Naka-isang buwan na! Haha! Salamat sa date natin. Masaya ako dahil nadala na kita sa favorite Japanese resto ko sa Megamall. Try naman natin ‘yung soba at ramen nila next time. Alam kong isa lang talaga inoorder ko dun, pero wiling to try naman ako ng ibang nasa menu basta ikaw ang kasama. Haha! Salamat din sa ice cream at sa pagsabi na “Magayunon ka” nung sinabi kong magsalita ka gamit ang dialect ng Naga. Ngayon ko lang narinig ‘yun, mahal ko. Maraming salamat! Haha! Salamat din at nagenjoy tayo pareho sa Timezone. Feeling ko gumagaling na ako magshoot. Next time, talo na talaga kita. Tiyaga lang, mahal. Hahahaha! Salamat din at hindi ka nahiya nung hiniling kong kantahan mo ako. Sa susunod mahal, wag na natin kantahin ‘yung “Love is an open door” dahil hindi mo man sabihin, alam kong nahirapan tayo sa duet na ‘yun. Hahaha! Salamat sa hindi mo pagtingin masyado sa akin nung kumakanta ako kasi talagang nahihiya ako. HAHA! Salamat din sa pagpatol mo sa kahilingan kong magpicture ulit sa photo booth. Oh diba? Nasasanay ka na din sa cringe worthy moments natin. Hahaha!

Sana nagenjoy ka sa mini fieldtrip natin sa mall. Ngayon alam mo na na medyo takot ako sa mga isda at parehas tayong naku-cute-an sa mga ibon. Haha! Ang dami nating nakitang stuffed toys, pero ikaw lang talaga ang pinangarap kong mayakap sa pagtulog. Salamat din sa pagsuporta sa pangarap kong mabili ‘yung microphone kanina. Mabibili ko din naman ‘yun sa tamang panahon, mahal ko. Salamat talaga dahil gamit na gamit mo na ‘yung salitang “tayo”. Hindi ako umaangal. I love it! Hahaha! Maraming maraming salamat, mahal ko. Alam kong mas mamahalin kita lalo sa mga araw na paparating. Mamaya, magugulat na lang tayo, anniversary na pala natin. Sana hindi ka magsawa. Alam ko naman hindi kasi lagi namang bago ang mga nangyayari sa atin. Haha! Saranghae!!

341d7607-ef2f-42f8-988b-f96c3cfaf69c

Saya natin dyan! More mandatory photobooth photos for us, mahal!

Advertisements