Mga kataga

, , ,

Oo. Sige na. Kami na nga. KAMI NA NI SHARK!
Mga 1 week na ang nakalipas. Oo!!! Chineck ko kasi ‘yung label! Kami na nga talaga! Promise! OFFICIAL NA, MGA BES!!!!! Nung 17!!! Ang saya saya ko! Juice colored! Simula December 29,2016 pa ako masaya dahil nga ‘yun ‘yung araw ng first official date namin. Lumala pa ‘yung kasiyahan ko ngayong kami na. Lord! Salamat dahil sobrang natupad ‘yung prayers at wishes ko! NANINIWALA NA AKO SA FOREVER! #JaDineFanHere #TeamReal

Ang sarap pala sa feeling na may ka-holding hands, na may nag-aalok ng balikat kapag inaantok ka habang pauwi at sakay ng bus, kasi hello! Pag sa balikat ng friend mo ikaw natulog, waley na, hanash na. Hahaha! Ang sarap pala sa feeling ng may araw-araw may katext. More “I love you”, more “I miss you”, at kahit sobrang clingy n’yo at ayaw mo ng ganun, keber na. Ang saya pala kasi akala mo nung una corny. Well, oo, corny pa rin naman, pero kamote, ‘yung kilig talaga ‘yung nagpanalo! Hahaha! Ang sarap sa feeling na may nag-aalala sa’yo maliban sa pamilya at friends mo. Na may ka-tawagan maliban sa “bes” na gamit n’yo ng mga friends mo. Ang saya laging pumasok kasi alam mong makikita mo s’ya. Ang saya na dati tinatanaw mo lang, ngayon katitigan mo na. Tangina, mga bes! Hindi ko na kaya dahil sobrang kinikilig na ako! HAHAHA!

Oo, maraming nagtatampo na friends. Maiintindihan naman nila ako. ‘Yung mga madalas kong kasama sa biglaang gala, mga college friends, sa mga kasabay kong umuwi, sa mga foodie friends ko. Oo, alam kong nagtatampo kayo. Naiinis kayo sa akin. Sorry na.. hirap pa rin kasi mag-adjust kasi wala pa nga kaming isang buwan. More babe time muna! Alam n’yo naman na pangarap ko talaga ‘to e. Support naman kasi natupad na. Char! Pero seryoso! 1 week pa lang kami ni Shark oh! Wag naman kayo magselos. Ipinagdadasal ko naman na magkaboyfriend na rin kayo para happy happy na! Hahaha! Wag sana ma-bitter sa kaligayahan ko. Shet lang, mga bes. Sobrang tinrabaho ko ‘tong si Shark, alam n’yo ‘yan! More shark time talaga muna kasi kailangan muna patibayin ang foundation. <3

Wala na kong maisip! Actually, may sakit pa ako nito. Nag-goodnight na din ako kay boyfriend dahil wala na daw s’yang load (nakitext s’ya HAHAHA). Tangina. Boyfriend talaga e ‘no! Ang saya saya HAHAHAHA!! Matutulog na ako kasi mabuti akong girlfriend. GIRLFRIEND TALAGA!!!! HAHAHAHAHAHAHAHA!!!

Advertisements