Holy kamotes! First time kong gumamit ng ganyang title kaya isang malaking sorry kung mali. Hahahaha! Sobrang haba ng post na ‘to, so kailangan n’yo ng maraming pasensya. Hahaha!

January 14, Saturday

Nakalimutan ko na ‘yung oras, pero tangina, kasalukuyan akong nagka-klase nun. Oo, intense agad kasi intense nga naman kasi talaga ‘yung nangyari. Hahaha! So ayun nga, nagka-klase ako. Matatapos na ‘yung class nun, tapos biglang, SHET!!!!!!

“Hello!” HOLY KAMOTES!!!! Dinalaw ako ni Shark!!!! So more hi-touch ako dito kay student tapos tumingin ako sa kanya, wala akong sinabi kasi nga, hello, nagka-klase. Hahaha!!
“Sorry Lica, wala akong load..”
TANGINA!!! Dumalaw sa station ko para lang magsabi na walang load!!!! HAHAHAHAHAHA Nag-good morning galore lang naman ako kanina sa text. Ano ba naman ito!!! Sabi n’ya as much as possible ay iwasan ang interaction sa office, pero tangina, s’ya pa ‘tong dumalaw. Hahahaha!! Di natiis, kamote!!! HAHAHAHAHA So nag-panic ako ng slight! Medyo ung energy ko tumaas hahahaha!!! After nun dumalaw sa ibang teachers na friends n’ya, tapos shet, bumalik sa station ko. TANGINA!!! BUMALIK PARA HAWAKAN ‘YUNG KAMAY KO OR GUSTO ATA NG FIST BUMP!!!!! HINDI KO MAINTINDIHAN, MGA BES!!!!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

Okay, fast forward sa uwian. Tangina! Ayoko na muna s’yang makasabay pauwi kasi feeling ko nauumay na ko. CHAROT! UMAY TALAGA! Hahahahaha! I mean, automatic na kasi e. Hindi tulad noon. Dati kasi, tangina, ako pa talaga humahabol para lang may “chance” na magkasabay kami. Ngayon, hinihintay talaga ako tumingin para humingi ng approval e. HAHAHAHA CHAROT!!! APPROVAL TALAGA!!!! HAHAHAHAHA So ayun na nga, sa elevator na. Actually, sana sabay kami e. Kaso ito namang mga katrabaho namin na nauna na sa elevator, lalo na ‘yung mga may alam na may something sa amin e todo pang-aasar!!!!!!!! So ayun! Tangina! Nauna na si Shark! Go push! Nagba-bye ako! AYAN! TANGINA! Sobrang inis ko sa sarili ko kasi pabebe ako masyado. Namiss pala agad! HAHAHAHAHAHAHA! Edi kasabay ko si Shelby tapos namili kami ng ikakataba n’ya na mga pagkain. Hahahaha! Charot! Love you, Shelby! So ayun na nga, tinext ko na lang si Shark. Sabi ko na lang
“Bumili pa kami ng chicken ni Shelby”
Tapos tangina! Nagreply ng mga ilang minuto, nagpaload pa ata agad. Hahahaha! Sabi na lang n’ya “Okay. Ingat sa pag-uwi. See you tomorrow”
NAKO NAMAN! EDI KINILIG NA NAMAN AKO! Kinginang yan!!!! Hahahahahaha!!! Tapos nakauwi na nga ako, tapos more text kami ni Shark. Tapos ayun, sabi ko ilang beses ko na s’ya napapanaginipan. Ang reply ba naman “Wag mo na kasi akong iisipin masyado. Nakakasama mo naman ako. San tayo bukas?” JUICE COLORED!!!! MAY DATE NGA PALA KAMI KINABUKASAN OMAYGAD MY HEART MGA BES SAVE ME TALAGANG WALANG COMMA SORRY HAHAHAHAHA!!!
*End* CHAROT! Talagang end! HAHAHAHA Natulog na kasi kami. HAHAHAHAHAHA!!!

January 15, Sunday

Oo! May pasok kami ng Sunday! Hahahaha! Ito na, ikkwento ko na ‘yung mga importanteng nangyari!

11:00AM

Shit. Mga ilang minuto ko na pinag-iisipan kung anong isusulat ko sa note ko para kay Shark. Bibigyan ko kasi ng Dewberry na blueberry flavor. Bumili kasi ako kanina sa Mini Stop. Why not, diba? Hahahaha! So ayun na nga, ang sinulat ko na lang is..

                                                   1/15/2017

N     ————————————

Hello! Blooming ka ngayon.
Haha! Seryoso ako! :)

           ————————————   L

Ganyan talaga ‘yun format, mga bes! Hahahahahahaha!!!! Sobrang formality award! GRABE!!! So ayun, bago kami bumaba ni Laila para kumain sa McDo, binigay ko sa kanya. Hahahahahaha tangina!!! Kumakain na s’ya ng lunch nun tapos nagbabasa ng something tapos tinapik ko s’ya sa balikat sabay lapag ng Dewberry plus ‘yung note. HAHAHAHAHAHAHA!!!!! AWARD!!!!!

After nun, siguro vacant slots namin nila Shelby, naglibot kami para manggulo ng mga dati naming ka-team, kasi nga nag-reshuffle ng members. So ayun na nga, tangina! Nagtagpo pa ‘yung landas namin ni Shark tapos grabe! Kinikilig amputa! HAHAHAHAHAHA SHINGINA TALAGA GRABE!!! FIRST TIME KO S’YANG MAKITANG GANUN NGUMITI HAHAHAHAAHAHAHAHHA SHET LANG!!!!!!!!

Fast forward sa last class ko. Saka ko lang chineck ‘yung phone ko bago ‘yung last class. Tangina. Nagtext pala si Shark!!!!! Hahahahahaha
“Ikaw nga blooming dyan eh.” Tangina!!!!!!! Hahahahaha!!!!! So more smile na ako tangina! Mukha na akong gago! E late ‘yung student ko, so nireplyan ko si bakla.
“Kakabasa mo lang ng text mo. Hahahahaha” Pabebe amputa hahahahahaha
“Oh hindi ba. Hahaha” Hala! Formality award! Hahahaha talagang buo!
“Hahahaha ewan!”
“Bakit kaya s’ya blooming?” HOLY KAMOTES!!!!! WALA NA! MORE ENERGY NA AKO SA CLASS DAHIL SA KILIG!!!! Absent pala student ni Shark kaya more reply s’ya! E shingina! Pumasok kasi student ko! Hahahahahaha!! So hindi na ko nakareply. Hihihi charot! IGAT!

Fast forward ulit sa uwian. Naintindihan na ng mga friends ko kaya hindi na sila sumabay. Hahaha! Dami naming kasabay sa elevator. Mga friends n’ya, mga medyo friends ko, tapos medyo awkward sa elevator. Kru-kru moments. Hahahaha!
Pagdating sa ground floor ng elevator, talagang hinintay lumabas lahat bago pa kami lumabas. Hahahaha! So ayun, more usap, more tawa. Tapos pagkalabas ng building, umuulan, kaya ‘ayun, shingina. Hahaha! Labas ng payong, tig-isang payong ulit kami. Sabi ko punta kami Metrowalk, pero sabi ko din pwedeng sa Sonamoo, ‘yung korean mart para kumain na lang ng kimchi saka noodles. Hahaha! Tapos ayun na nga, malapit na kami tumawid papunta doon sa Metrowalk, kaso shingina, magwiwithdraw si bakla. Balik kami dun sa malapit sa Starbucks. Withdraw si bakla, wait ako sa labas. Hahahaha! Nakita pa namin sila Laila! Hahahaha tatawagin ko sana kaso ang dami n’yang kasama e. Hot issue pa kami ni Shark kung sakali. Hahaha! So ayun, after n’ya magwithdraw, okay na. Binuksan ko ulit ‘yung payong ko kasi umaambon pa rin,  pero s’ya, omaygad!!!! Hindi na naman s’ya magpapayong! So ayun, akbay galore si bakla. Hahahaha! Tumawid na kami papuntang Metrowalk, tapos HHWW na kami. TANGINA!!!! HHWW!!!! FIRST TIME ‘TO, MGA BES!!!!!! HAHAHAHA GRABE!!! Ang gulo pa n’ya kasi ang kulit ng kamay n’ya!!! SO CLINGY!!!! Kabado pa rin ata! Hahahaha!!!!! So ayun na nga, nasa Metrowalk na kami. Tapos ayun, sa Hwaro kami. HWAROOOOOOO!

Umorder kami ng ssamgyupsal. 2 orders kasi ‘yun ‘yung minimum e. Haha! Gulat s’ya sa dami ng side dishes e! Aliw! Hahahaha! Edi kain na kami. Ginawan ko s’ya ng lettuce wrap. HAHAHAHAHAHAHAHA!!! SHET!!!! Sinubuan ko s’ya!!!! Hahahahaha nahihiya pa s’ya e, pero kebs na diba! Hahahahaha!!! Tapos more on explain ako tungkol sa mga pagkain sa Korea, tapos more usap, more kain, more tawa. Hihihihi grabe!!!! Kinikilig ako ng madami kasi shinginang ‘yan! FIRST EVER DATE NAMIN ‘TO SA KOREAN RESTAURANT! Hahahahaha! At dahil mabuti akong tao, sabi ko sa kanya sasaktan ko s’ya pag hindi kami naghati sa bayad. Hahahahaha! So ayun na nga, sobrang nabusog kami!!!!!! As in sobra!!!!!! Thank you lang talaga dahil hindi halata ‘yung taba ko. Hello! Hahahahaha sexy pa din! CHAROT!!!!!

Paglabas namin sa Hwaro, tumutugtog na ‘yung banda sa stage. Grabe!!!!! Ang daming sumasayaw!!!!!! Hahahahaha ang daming oldies! Gusto ko s’yang ayain sumayaw kaso nahihiya pa ako.. next time!!!! Hahahahaha!

Habang naglalakad kami palayo sa Metrowalk, sabi ko sa kanya kailangan naming mag-ice cream kasi nga there’s always room for dessert, saka amoy kimchi kami. Hahahaha! Edi push kami sa Sonamoo! Grabe! HHWW talaga kami ni bakla!!! ANO NA!!!!!! MGA BES!!!!!!! SOBRANG AWARD TALAGA NG MARAMI! HAHAHAHA!!! Edi nasa Sonamoo na nga kami, tapos nag Melona kami. ‘Yung original, ‘yung melon. Hahahahaha! Ang cute cute kasi first time n’ya kumain nun. Hihihi! Tapos more usap, tapos naisingit ko ‘yung soju. Tinanong ko kung nakatikim na s’ya, sabi n’ya hindi pa. HAHAHAHA! SHET! ITO NA NAMAN AKO SA MGA BALAK KO! Pero hindi ko naman pinush. Hahahahaha more usap pa kami tapos umalis na kami. GRABE! MORE HHWW TALAGA!!! Walang bitawan hanggang SM Megamall! Dun kasi kami nag-abang ng masasakyan. So ayun na nga! Nakita pa namin si Shelby!!! Well, nakita n’ya. Hahahaha tatawagin ko na dapat kasi pinigilan ako. Hahahaha ayaw pa ni Shark na makita kami na sobrang HHWW to the highest level. Hahahaha! Grabe! Biglang dami ‘yung taong nag-aabang ng bus pauwi! Sabi n’ya sa Crossing na lang kami sumakay. Edi push! HHWW galore talaga! Hahahahaha tapos nung nasa tapat na kami ng Fashion mall, sabi n’ya
“Movie naman tayo next time.”
“Okay!” Ganun kadali! Hahahahaha easy to get pala! Hahahaha pero shingina, pinaplano ko na din ‘yun e! Buti naman s’ya nauna. Hihihi!!!! So ayun, more lakad, more HHWW!!!! Tapos nakasakay na kami sa Crossing. Finally!!! Bandang Greenfield na ‘yun, actually. So ayun nga, hanggang bus magkaholding hands. Hahaha! Napag-usapan na naman namin ‘yung jogging. So push! Magjogging ulit kami bukas!!!! :) Hihihihi! Mga 11PM na ko nakauwi. Kaloka!!! Keribels lang! So happy!!!!! :)

January 16, Monday

Ang aga gumising ni Shark!!!!! 4:40AM nagtext na agad!! Tapos mga 5:05AM, bumabyahe na. Hahaha! Mga 6:40AM ako nakadating sa Circle. Hahahaha! Wala na palang load kaya sinundo na lang ako, naghihintay na lumitaw ako mula underpass. Hahahaha! Nagstart agad kami tumakbo kasi nga ang plano e 9AM uuwi na kami kasi nga nahirapan kami umuwi nung Friday. Well, di naman talaga kami tumakbo all the way. Puro brisk walking lang ‘yung first three laps, tapos tumakbo na kami. Jogging lang, ganyan. Shingina!!! Isang buong lap nagjog ako! Akala ko mamamatay ako! Charot!!! Hahahaha sabi pa ni Shark na naririnig n’ya daw ‘yung paghinga ko. Hahahahahaha!!! Awkward! Tangina! Sinusubukan ko nga hindi magpanic at huminga sa ilong e! Hahaha! Pero atleast diba!!! Isang lap na puro jog! Tapos brisk walking pa ng madami. Mga naka 9 na ikot ata kami? Hindi kami umiikot sa fountain! From bukohan, tapos madadaanan ‘yung playground, tapos ‘yung Circle of Fun, tapos halamanan. Ganun! Basta mas mahaba ‘yung tatahakin! Hahahaha sobrang sarap sa feeling! After nun kumain kami ng lugaw. Shingina! Busog agad ako!!!! Grabe! More usap ulit tapos lumipat kami ng tinambayan. Dun kami sa bench na may gulong. Hahahaha! May gulong talaga! Hahahaha! Grabe! Sobrang dami kong tawa at kilig sa pinagkkwentuhan namin. Usapang meme saka Chuck Norris. Syempre, habang magkahawak kamay. Hahaha! Feeling ko talaga kami na e, pero ayoko lang talaga muna icheck ‘yung label kasi baka may pressure kemeber na maidulot sa amin. Charot! Mga next month sasagutin ko na ‘yun kasi nga sobrang panliligaw na ito. Hahahahaha! Kulang na lang e may pabulaklak saka chocolates. HAHAHAHAHA ARTE!!! So ayun nga, shingina, antok na antok ako sa ginagawa n’ya sa kamay ko. More pa-massage naman ako kasi nga nakakaantok. Hahahaha! Ang presko, nahuhulog ‘yung mga dahon everywhere galing sa mga puno, mahangin, tahimik, shet, perfect! Hahaha ang saya saya ko lang kasi first time ko s’yang marinig magmura in tagalog. Sabi ba naman “Tangna ni Chuck Norris, pinigilan ‘yung chainsaw gamit ‘yung kamay!” HAHAHAHAHA DAMI KONG TINAWA!!!!!! Ang saya lang talaga. Tapos umuwi na kami. Hahahahahaha!!!! THE END! Maliligo pa ako. May pasok pa ng 3PM tapos may date pa mamaya. Charot!!!!!!!!! Sana laging ganito <3

Advertisements