Magkasama ulit kami kagabi. Ang plano lang talaga e kakain lang ng caramel sundae sa McDo. Sabi ko kasi ililibre ko s’ya kasi puno na naman schedule n’ya. Haha! Syempre technique lang ulit ‘yun para sabay na naman kami umuwi. Grabe! Halos araw-araw na kaming ganito. Haha!
Ang daming tao sa McDo kaya sabi ko gusto ko na lang mag-Lawson. So push na agad dun kasi hello! Ang sarap ng Quezo De Bola ice cream dun! Try n’yo na, mga bes!

Sumakay na kami ng bus pa-Cubao. Grabe. Iba talaga ‘yung kilig ko pag hawak na n’ya kamay ko. Shingina! Bakit kaya ganun? Hahahahaha!!! Hindi ko alam gagawin ko lagi! So ayun na nga, magkahawak kamay na naman kami. Tapos nagbago ‘yung isip ko, sabi ko sa Korean mart na lang kami para mas madaming choices pag dating sa ice cream, e kamote, sarado na naman!!! Stress! So push na talaga sa Lawson.

Grabe na naman ‘yung bonding namin dun. Hahahaha! Naglaro na naman kami ng Next Song. Nakalimutan ko na ‘yung mga unang kanta, pero kamote, nung s’ya naman ‘yung pinaisip ko kung para kanino ‘yung susunod na kanta, sabi n’ya

“Sige, ‘yung next song ay kanta ko para sa’yo..”
Tangina! ‘Yung kilig ko lang! Hahahahahahahaha! So hinintay ko..
KANTA NI BUGOY DRILON HAHAHAHAHAHA!!!! GRABE, MGA BES!!! PAKINGGAN N’YO!!! KALOKA!!!!!

Magiging Akin Ba – Bugoy Drilon

Hahahahahaha! Sabi n’ya “Okay lang ‘yan, Lica..” HAHAHAHAHAHA!!! GRABE TAWA AKO NG TAWA SA LYRICS! First time ko lang marinig ‘to, I swear! Sobrang gulat ko lang! Hahahahaha!!!
Tapos nakalimutan ko na ‘yung kanta ko para sa kanya, pero nung tumugtog ‘yung Mirrors ni Justin Timberlake, sabi ko ‘yun na lang ‘yung kanta ko para sa kanya. Hahaha!!!

So ayun, nagstay kami hanggang 10PM sa Lawson. Tapos sabi n’ya magjo-jogging daw s’ya bukas, so this Friday nga ‘yun. Tapos tinanong n’ya ulit kung malapit ako sa QC Circle. Sabi ko naman na oo, malapit nga ako. Tapos dun daw. So paulit-ulit kong tinatanong kung seryoso s’ya sa pagjogging n’ya dun. Sabi n’ya oo. Hahahaha so ayun na nga, nakasakay na ko ng bus.
Nung malapit na ko sa bahay, nagtext ba naman na matulog ako ng maaga kasi maaga kami kinabukasan. IBA S’YA, MGA BES!!! HAHAHHAHAAHAH

 

January 13, Friday (SHET FRIDAY THE 13TH PALA NGAYON PERO SOBRANG DAMI KONG SWERTE HA!!!!!!)

5AM usapan namin. Pero tangina! 6AM na ko nagising HAHAHAHAHAHA!!! Sobrang pagmamadali ko kasi nagtext na nandun na daw s’ya. E mga 5:50AM ‘yung text n’ya. So reply naman agad ako na chill lang s’ya dun. Hahahaha grabe lang! Toothbrush, hilamos, palit ng damit, suot ng sapatos, GORA!!!! Grabe lang mukha akong kumain ng sobrang daming ramen! Hahahahaha!!! Ang liit pa ng mga mata ko! Walang makeup! Pero medyo naglagay naman ako ng lip tint kasi hello! Mukha naman akong natalo sa digmaan! Hahahaha! Grabe wala ng inom inom ng tubig!

Mga 7AM na ko nakarating sa QC Circle. Hahaha! Nagtext na sa may bandang fountain s’ya. So tinakbo ko na ‘yung underpass from Philcoa to Circle. Kalerks! May pa-Good morning pa ‘yung mga guard pero dedma na kasi nakikinig ako ng kanta saka nagmamadali ako. Hahahaha! Walang pagwarm up! Mukha tuloy akong tanga. Hahahaha! So nagkita na kami. Hahahaha more takbo agad! Well, s’ya, oo. Ako, mga 2 laps lang ako tumakbo, tapos more on brisk walking na. Hahahaha! Isipin n’yo, mga naka-7 laps kami, tapos s’ya mga 5 ‘yung tinakbo, tapos ako 2 lang. Hahahahahaha AWARD! Tapos nagpahinga kami sa malapit sa fountain after. Daming plano! Gusto din n’ya maghiking naman kami. Tapos next week daw magjogging na naman, tapos lagi na daw s’ya sa QC Circle kasi daw maganda daw pala dun. Hahahahaha wehhhh!!!!! Sa isip-isip ko, kaya bet na n’ya dun kasi madali kong mapupuntahan. <3 HAHAHAHAHAHAHA! More usap, more kwento, ganyan. Tapos naglakad na ulit kami, tapos sabi n’ya nagugutom daw s’ya. Hala s’ya! Tropical Hut daw. Kamoteng ‘yan! Balak ko lang nga uminom ng buko juice. Hahahaha! So push na kami dun.

Umorder kami ng omelet with rice tapos may kape na kaya kang ipaglaban tapos orange juice na sobrang tamis. Inabot ko na ‘yung bayad ko sa kanya, tapos wala! Ayaw na naman magpabayad! Kaloka!!!! Okay naman na sa akin magshare since ang dami na naming labas e, kaso wala, matibay. Hahahahaha! Edi nagthank you na naman ako ng buong puso. So kumain na kami. Usap usap, ganyan. Mga bes!!!! Sobrang hulas na hulas na ako nun! As in oily na, pawis pa! Tangina! Pero keber lang talaga ni bakla! More eye contact pa rin kami! Mga 9:40 na kami natapos kumain.. tapos sabi ko lakad ulit kami papuntang playground.

Pumunta kami ng playground kaso ang daming epal na bagets. Ayaw umalis sa swing. Hahahahaha! So nabalewala, punta kami sa malawak na area. Tapos hinahanap ko ung magandang tambayan. Hala! Puro kainan na pala dun! ‘Yung malapit sa rentahan ng mga bike. Medyo nadisappoint ako pero sabi n’ya try daw namin dun kumain. Hihihihi edi go! So may plano na naman! Tapos sabi n’ya go din daw kami sa Sonamoo. Edi sige! HAHAHAHAHAHA

Tumambay kami dun sa malapit sa bilihan ng buko after namin bumili ng “puro” na buko juice. Sobrang tamis grabe!!! Naloko kami! Hahahahaha syempre ako na nagbayad kasi shingina ‘yung hiya ko lang! Charot! So ayun, more kwento ulit, more usap. Ang saya-saya kasi sobrang iba kami pagdating sa office. Hahahahaha!!! Ang saya ko dahil hindi ko inakala na dadating kami sa point na ganito. Na magkikita ng sobrang aga tapos sabay pa rin uuwi sa gabi. Ang clingy n’ya! Saka omg! Petsa de peligro na! Tapos more labas pa din kami! Hahahahahaha!!! Grabe! Hindi ko talaga inakala na magiging ganito kami. Lica, it’s all worth it!!!!!!!!! AWARD KA NG MADAMI!!!!!!! Mga 10AM na kami umuwi. Hihihi tapos ayun, na-wrong send ako sa kanya. Tangina ‘yung hiya ko!!!!! Hahahahaha tapos ‘yung reply n’ya lang
“Kwento ka pa sa kanila ha! Hahahahaha”

OMG NAKAKAHIYA NG SOBRA HAHAHAHAHAHAHAHAAHAHHA!!!! So ayun na nga, next week ulit saka this coming Sunday. <3 Hay buhay! Sana lang hindi mo ‘to mabasa kasi sobrang nakakahiya saka hello! Awkward! Hindi mo alam na alam na ng ibang tao. HAHAHAHAHAHA!!!!! Sana pala makabili na ko ng bagong phone kasi wala pa tayong selfie! CHAROT! HAHAHAAHHAAHAH

Advertisements