Mga kataga

, , ,

Hindi kami nagpansinan ni Shark sa office buong araw. As in buong araaaaaw!
Sinubukan ko man s’yang maabutan tuwing lalabas s’ya or gagala, wala talaga. Hindi nagtagpo ang mga landas namin ngayon sa office. Keber! Napag-usapan naman na namin ‘yun nung lumabas kami nung Monday, January 9. Oo. Second date namin ‘yun. Hindi ko pa nga lang ma-post kasi ang daming nangyari. Basta ang importante, mas comfortable na kami sa presence ng isa’t-isa. Clingy, in short. Hahaha! Well, hindi naman as in “clingy” na parang magjowa na. Sakto lang. Pa-tweetums, ganun. Ang importante lang ay hindi na ito one-sided kemeber tulad noon. AWARD!

UWIAN! 8:00 nag-out na agad ako sa bio. Nasa likod ko lang s’ya. Good job sa kanya dahil mabilis din kumilos. Good job din naman ang mga ever so loving friends ko na todo suporta sa amin. Nagparinig na kesyo ganito daw, na naghihintayan pa sila ng iba naming friends, ganern ganern. Kaloka! So narinig naman ni Shark kaya siguro push na talaga!

Tatlo lang kami sa elevator. Ako, si Shark, saka si common friend namin na officemate. Kalerks! Wala naman s’yang alam tungkol sa amin kasi keber naman s’ya diba. Work work lang naman s’ya. Tapos more chikka kami ni common friend, tapos si Shark e tahimik lang. Ngiti ngiti. Elevator operator lang ang peg! Hahaha! So ayun na nga, ground floor na. More chikka pa rin kami hanggang sa paglabas ng building. Nagpaalam na si officemate sa amin ni Shark. After nun, push agad! Kami na nag-usap. Hahaha! Grabe para kaming hindi talaga nagkita ng mga isang buwan. Ganun katindi! Hahaha!!!

Umuulan! Muntik na sana akong maging best actress sa pag-arte na nakalimutan ko ‘yung payong ko, pero ayoko naman muna makishare kasi nga malapit pa rin kami sa building saka baka may makakita sa office. Iwas issue na din, diba! Mabuti na ‘yung nag-iingat. Haha! So ayun, more lakad kami, more chikka, hanggang sa nakarating na kami ng Megamall. Pumapasok lang naman talaga kami dun para lang mas madaling makarating sa bus terminal. Haha! Walang masakyan, mga bes! Well, meron naman, kaso puro halos pa-UE Letre or pa-Malanday. Hindi naman pwede kasi nga pa-SM Fairview dapat ang bus. So more chikka pa kami habang naghihintay. Tangama, ang hangin hangin tapos ang lamig lamig!
“Gusto ko mag-ice cream, kaso ang lamig na”
“Okay lang ‘yun, Lica” Shingina, patola din e.
“Ayoko. Malamig na masyado para mag-ice cream.”
“Dapat pala mainit ‘no? Sabaw?”
“Oo.. SINIGANGGGGG!!” Hahahahaha natawa ako sa sarili ko kasi talagang sinabi ko with feelings ‘yan.

Moving on. Ayun na nga, so wala talagang bus na may mauupuan. Puro standing kasi! So sabi ko..
“Lakad tayo papunta dun!” sabay turo pa-Crossing.
“Parang dati?” Naks! Naaalala ni Shark! Hahahaha award!
“Oo, sa Crossing na tayo mag-abang.”
So push na kami pa-Crossing. E umuulan pa rin, so nagpayong ako. TAKE NOTE! AKO LANG ANG NAGBUKAS NG PAYONG! AKO NA NAMAN! HAHAHAHA SO SHARE NA KAMI SA PAYONG! KALOKA!
MAYA-MAYA UMAKBAY NA SI SHARK! TANGINA! HINDI KO ALAM GAGAWIN KO!!! HAHAHAHAHAHA
“Ang lamig , Lica.” sa isip-isip ko, LOLO MO!!! HAHAHAHAHAHA
Grabe! Sabi ko na lang “ANG CLINGY MO!” tapos more tawa ako.
Hala s’ya! Hanggang sa pagtawid, kung hindi nakahawak sa balikat ko, naka-akbay! Hala s’ya! So bet na bet na ako, ganun?! Wala ng thrill? CHAROT! Hello, syempre betsung ko din! Kaso tangama! First time ko kasi maakbayan in public! IN PUBLIC TALAGA! HAHAHAHAHAHA
After pa nun, nung nasa ilalim na kami ng footbridge, hinawakan ba naman ‘yung buhok ko!!!! SHINGINA! Sabi ba naman
“Ang ganda ng buhok mo, Lica..”
HOLY SHIT! Pinaka ayoko ‘yung nahahawakan ako sa leeg or sa batok kasi nakikiliti at kinikilabutan ako! Hahahaha! Napasigaw tuloy ako tapos sabi ko “NOOOOOOOOOOO!!”
Hahahaha! Sabi ko na lang din na nakikiliti ako. Kamoteng ‘yan! Sobrang at ease na sa isa’t-isa e. HAHA!
Tapos nadaanan pa namin ‘yun McDo malapit sa Shang.
“Hindi pwede. Hindi pwede!” sabi ko sa sarili ko.
Tapos gina-guide ba naman ako pa-McDo. Sabi ko talaga hindi pwede kasi baka magkasakit naman kami sa kaka-ice cream. Napagusapan pa namin ‘yung ice cream sa Lawson na kinain namin nun second date. Hahaha! Kalerks! So ayun na nga, patawid na kami sa Crossing. Tiniklop ko na ‘yung payong ko kasi nga hindi naman na umuulan. So push na. Sabi ko sa kanya bilisan n’ya, tapos shet. SHET NA MALUPET! HINAWAKAN N’YA ‘YUNG KAMAY KO IN AN AWKWARD WAY!!!!! MGA BES!!! ANO NA!!!! HAHAHAHAHAHAHA
Sabi ko “Hindi ka marunong!!!” HAHAAHAHAHAHAHAHAHAHA TANGINA ANG FUNNY!!!!!
After nun keber keber lang habang naglalakad para mag-abang ng bus.

SA WAKAS! NAKASAKAY NA KAMI! Walang laman ‘yung bus kaya dun kami sa dalawahan ‘yung upuan. Hahahaha! Sabi ko sa kanya after n’ya kumuha ng pera sa pitaka
“Akin na ‘yung kamay mo” HAHAHAHAHA WALA NA! NA-YENG CONSTANTINO NA!
Hahhahahahaha! Kasi naman!!!!! Feeling ko nahiya din si Shark dahil naman mali ‘yung paghawak n’ya sa kamay ko kanina. Nagpanic! Hahahaha! Isipin n’yo kasi, naglalakad kami side by side, tapos nasa kanan s’ya, nasa kaliwa ako. Tapos ‘yung kanang kamay n’ya hahawakan ‘yung kaliwang kamay ko dahil hawak ko ‘yung payong sa kanan kong kamay. WTAF! Hahahahaha! So medyo nabawi kasi nga magkahawak kamay na kami. Hahahaha! Tapos pagdating ng bus sa Megamall, sabi ko
“Ang lamig ng kamay ko ‘no?”
“Kahit noon naman ah, nung kumain tayo sa labas”
WTF!!!!!! HHAHAHAHAHAHAHAHA SABI NA E!!!! Nung binasa ko ‘yung palad n’ya without holding his hands, nagbabalak na ‘yun e! HAHAHAHA! KAMOTE!!!!
So ayun, nagholding hands na kami. Wala na. Natupad na ‘yung pangarap ko. Hahahaha! Hindi kami nag-uusap masyado. Naglalaro lang ‘yung mga daliri namin. Shingina hahahaha! Ako pa talaga naghihigpit sa hawak kasi shet! Ang awkward! Hahahaha! Buti kamo hindi ako pasmado nung mga panahon na ‘yun kasi OMG! Hindi ko hahawakan kamay n’ya. Hay buhay!!! Nagbitiw naman kami nung naningil na ‘yung konduktor. Kaloka! Tapos wala ng salita salita, nilapag ko lang ‘yung kamay ko sa tuhod n’ya, alam na agad. Hinawakan na agad kamay ko. SHET LANG ‘YUNG KILIG KO WAIT HINDI MAUBOS!!!! Sobrang mukha na siguro akong tanga kasi hindi ko mapigil mapangiti. HAHAHAHA Hindi talaga kami nag-uusap!!!! Shingina sobrang niramdam ko ‘yung moment na ‘yun!!!! So malapit na?! Steady na ba ito?! Hindi ba ako nananaginip?! SHET!!!!!!! CONGRATULATIONS, LICA! ASENSADO KA NA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

THANK YOU NG MADAMI, LORD! SOBRANG THANK YOU SA ARAW NA ‘TO!!! THANK YOU NG MADAMI!!!!!!! HAHAHAHA

 

 

Advertisements