Mga kataga

, , ,

December 29, 2016

5pm nasa Cubao na ako. Hindi nagrereply si N. Kamote. So medyo kinabahan ako.. baka magbackout ng last minute. Shet. Cannot be, bes.Di ko kabisado ang Cubao! At ayokong masaktan kasi asadong-asado na ako.

5:50pm – Mga ganung oras, nagkita na kami sa wakas. Bes, more lakad ako papunta sa SM Cubao! Sabi kasi n’ya sa SM, edi push dun! Balwarte n’ya e. Hahaha! Nakabili na ako ng lipstick saka pangkilay bago pa man kami magkita! Medyo nawalan na ko ng pag-asa, pero kamote, biglang nasa likod ko na pala. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig, ‘no? Kahit gaano na kasakit ang mga paa mo kakalakad, para bang ulap na bigla ‘yung sahig at parang walang paltos ‘yung mga paa mo.

Saan kakain? Tinanong n’ya ko. Sabi ko bahala na s’ya. Wendy’s daw. Okay! Push kami sa Wendy’s! E puno. Ang daming tao, bes! Lipat. Lakad ng konti. Zark’s Burger. Ay panalo. Pasok sa loob! Syempre dahil balwarte ko ang Zark’s e ako na nag-asikaso. Take note, dala na ni N ang mga bagahe n’ya kasi nga pauwi na s’ya ng probinsya. 8PM daw s’ya aalis. Hala s’ya. Konting oras lang kami magkakasama.. pero kebs! Kailangan lang talaga namin magkita kasi nga unang labas namin ‘to. After 6 months diba! Thank you naman at sa wakas e may pag-usad! So ayun na nga, sabi ko ‘yung Zark’s Ultimate Burger ‘yung lagi kong inoorder dun kaya ‘yun na lang din inorder n’ya. Tapos fries and drinks. Push! More chikka kami while waiting. Grabe! Binalita ko talaga sa kanya ‘yung interview ko kaninang umaga. Full support si bakla! Akala mo jowa e. Sobrang supportive! Hahaha! Napag-usapan din namin ‘yung mga kaganapan sa office. Too many to mention, pero masaya kaming nag-uusap. ‘Yun ang importante.

Dumating ang order. Kain! More chikka pa rin. Medyo ilang ako kumain kasi tapatan ang peg namin! Hindi kami nagtabi! Tapatan talaga ‘te!!! Jusko mga bes! Tapos ito pa, sa kalagitnaan ng pagkain namin, nagtanong ba naman..
“Gusto mo ba ako, Lica?” ata narinig ko or “Lica, gusto mo ba ako?”
Basta ganyan!!! Hala s’ya!! Medyo naisip ko na ang tigas din pala ng mukha nitong isang ‘to. Hahahaha! Syempre sinagot ko! Sabi ko “Secret!!”
Sabi n’ya (nonverbatim) “Kasi out of the blue e. Iba kasi group of friends natin. Meron ka, meron din ako, tapos biglang.. si Lica? Ganun..I’m just wondering.” HALA TALAGA S’YA!
Sabi ko na lang sa kanya “Hindi ko din alam e.. secret!”
Sabi n’ya “Sa unconscious ba ‘yan?”
Sabi ko na lang “Baka..?” tapos sabi n’ya “Hindi ko kasi maisip e.. nacu-curious ako..” HALA S’YA! Di ko lang talaga masagot kasi nahiya ako para sa kanya hahaha!
PABEBE ANG PUTEK! Nawala ‘yung poise ko dun, promise! Na tanga ako! Hahaha unexpected talaga! Tapos after nun, change topic. More tawa, more kilig, more eye contact, tapos mga nakadalawang fist bump kami sa Zark’s. Medyo humanga din ako dito e. Imbis na holding hands, fist bump na lang. Hahahaha! Amazing! <3

Nagbill out na kami kasi ang daming naghihintay na customers. Sabi ko “Bill out na tayo?” tapos sabi n’ya “Ako na, Lica. It’s my treat.” ata o “Ako na, Lica, It’s on me”? Hindi ko na maalala basta nonverbatim na lang ‘yun, bes! Dami ko talagang kilig! Daming realizations! May mga moments na natu-turn off ako, pero wala, nahuhulog ako lalo. Ang warm ng feeling. Parang nagsasabing “Lica, you’re home.” Hindi ko maintindihan kung bakit ganun. Gusto ko s’yang titigan, kaso naiilang pa rin ako ng slight. So sa tuwing magsasalita na lang s’ya para hindi ako mamatay sa kaba. Haha! Ay! Oo nga pala! Nakakatuwa kasi shingina, nagma-math sa harap ko mga bes! Hahaha grabe, syempre pati ‘yun napansin ko kasi nga nagpe-pay attention talaga ako sa kanya ‘no! Hello!

Lumipat kami ng Mcdo. Medyo malayo ng konting-konti lang naman sa Zark’s. Syempre, nag-uusap pa rin kami. Nakakatawa nga at ang cute n’ya kasi dahil sa dala n’yang maleta. Hahaha! Grabe mga bes, ‘yung puso ko! May mga nakakahiyang parts sa pag-uusap namin, pero hindi ko na syempre ikekwento ‘yun kasi nga iniibig ko s’ya e. Haha! Saka tanggap ko naman ‘yung part n’ya na ‘yun. Saka hindi naman talaga nakakahiya, and cute nga e! Hahaha kung anu-anong pinagsasabi pero dedma na lang diba! Sakyan ko na lang. Hahaha!

Sakto pagdating namin sa Mcdo may upuan agad. Sa 2nd floor nga lang, pero keri lang. Syempre inisip ko din na may dala s’yang maleta, pero sabi n’ya okay lang. Saka naisip ko na, hello, lalake naman s’ya. Minsan kasi talaga feeling ko na ako ‘yung lalake saka ako ‘yung nanliligaw kasi nga diba, torpe. Hahahaha!
Nagcrave ako ng sundae ng very hard! Buti na lang kamo e nasa Mcdo kami. Nag-usap kami ng saglit bago ko naisipang umorder.
“Oorder na ako ng sundae. Gusto mo din?”
“Okay”
“Ano sa’yo? Chocolate? Caramel din?”
“Caramel na lang sa akin. Magkano ba ‘yun?” tapos mga bes dumudukot na ng wallet!
“Hindi, ako na!” sabi ko talaga kasi hiya ko naman mga bes! Char! I’m an independent woman!!!
“The best ka talaga, Lica” Naks naman! I know right!! HAHAHAHAHA CHAROT!!

Dala-dala ko ‘yung phone ko para lang talaga maitext sila Shelby. Kamote mga wala namang pagreply! Ay nako naman! Pero kebs lang! Haha!

After ko maka-order, talagang tumingin muna ako sa salamin sa wash area kasi hello, hindi ako makapagsalamin sa harap ni N! Buti na lang kamo medyo may lipstick pa ako (salamat sa Matte lipstick mga bes!) saka walang tinga at maayos pa ‘yung buhok ko and everything! So keri na, pretty pa din kahit papaano. Hindi pa hulas. Hahahaha!

Kumain na agad kami pagkaakyat ko. Nagthank you s’ya pero syempre iassume na lang natin na nangyari talaga ‘yun kasi limot ko na e. Pero ang alam ko nagthank you kasi nga mabait na tao itong iniibig ko. Hahaha! So ayun na nga, kumakain na kami ng sundae.
E mga bes, ang sarap ng caramel sauce nila dun sa Mcdo Cubao sa tapat ng Rustans! Ano na! So sinabi ko kay N ‘yun kasi nga halos araw-araw akong kumakain ng sundae kasi nga sobrang inlove talaga ako sa Mcdo caramel sundae!
“Ang sarap ng caramel ngayon! Grabe!”
“Oo nga ‘no?”
“Grabe, mas masarap talaga ngayon!”
“Mas masarap nga. As in as of this moment?” Mga bes nonverbatim ulit. Basta ganyan. Hahaha!
“Hahaha grabe! Oo nga kasi parang yema. Grabe ka!!”
“Oo nga, mas masarap ngayon.” Tapos sobrang tamis ng ngiti n’ya sa akin mga bes!!!
Tapos more explain ako kasi shingina, feeling n’ya siguro mas masarap kumain ng caramel sundae kasi magkasama kami. Well, medyo tama nga s’ya dun. Na-heighten lahat ng senses! Siguro ‘yung dopamine level ko e abot langit na. Mga bakla! ‘Yung puso ko talaga sinasabi ko sa inyo! Sobrang kilig! Hahaha!

Nagkwentuhan kami about sa families namin. Grabe. Ang dami kong nalaman tungkol sa kanya. More on kwento din ako tungkol sa akin. Ang sarap sa feeling na finally, hindi na puro second hand information ‘yung nalalaman ko sa kanya. Haha! Nakakatuwa pa ‘yung nagkkwento na s’ya tungkol sa mga kapatid n’ya.
“Kamukha ko ‘yung bunso kong kapatid. Lagyan mo lang ako ng wig.” nonverbatim!
Shit lang! Tinitigan ko talaga s’ya tapos sabi ko “Di ko maimagine. Hahaha!”
Sobrang aliw! Tapos ‘yung mga ginagawa nila as family tuwing uuwi s’ya sa kanila. Tapos tuwing New Year’s Day daw e sobrang saya nila. Grabe. Naisip ko na baka nga s’ya na. Sobrang family-oriented si bakla! Sabi ko talaga sa mga friends ko na papakasalan ko s’ya. Kahit hindi kami ganun kayaman, alam kong sa kanya ako sasaya. Saka ang alam ko naman na hindi s’ya madidisappoint sa akin. Char! Ang bait bait ko kaya!

Maya-maya nagtanong na naman s’ya. Out of the blue, sabi n’ya
“San ka nakatira, Lica?”
“Sa Commonwealth.”
“Sa Commonwealth? Parang ang lawak nun. Hindi ko maimagine.”
“Haha! Basta malapit sa QC Circle!”
“Sa Circle? Dun ako nagja-jogging! Jogging tayo dun!” Mga bes, ito na nga ‘yun! Nag-aaya na ng mga ganitong bagay!!
“Nagja-jogging din ako doon noon. Ngayon sa UP na e. Sige! Mga anong oras ka nagja-jogging?”
“Mga 5am. Kaninang umaga nga pinilit ko talaga ‘yung sarili ko kasi hindi ako nakapagjogging last week”
“5am? Sige sige. Jogging tayo” Bes, sobrang walang bahid na kilig ‘yung pagsabi ko nyan. Pero kamote, mamatay na talaga ako sa kilig! So more bonding para sa amin kasi nga hindi naman talaga kami nagpapansinan sa office para iwas chismis na din. Private kasi kaming tao. Charot! S’ya lang pala! Kahit pa gusto kong maging clingy sa kanya, hindi ko din magawa kasi awkward din akong tao. Saka sa susunod na lang pag kami na.Oo nga pala, naka-isang fist bump kami sa Mcdo. Hihi! KILIG!

More usap pa kami. Tapos mga 5 minutes before 8PM, umalis na kami sa Mcdo. Grabe hindi ko makalimutan ‘yung pagturo n’ya ng direction kung saan ‘yung pa-EDSA saka ‘yung terminal ng bus. Hahahaha! More hand gestures talaga. And cute, sobra!!!! Hahahaha!
So ayun na nga, more lakad kami. Tapos ayun, nasa bus terminal na. Tapos nagpaalam na ako kasi ayoko namang ihatid s’ya sa bus terminal. Ano, jowa?! Charot! Next time na. Saka na pag sabay na kaming uuwi ng probinsya since taga dun din naman s’ya malapit sa amin. HAHAHA!

Mga 1 hour bago ako nakauwi dahil omg! SOBRANG TRAFFIC!! At ito pala, napadaan ako sa mga fruit stand bago mag-EDSA. Grabe! Nagtanong lang ako kung magkano ‘yung longgan. Sabi ba naman ni ate “200php isang kilo ate. Sobrang tamis!” KINILIG AKO BIGLA! NAALALA KO AGAD SI N! HAHAHAHAHAHA

Pagdating ko sa bahay todo kwento agad ako! Grabe lang talaga mga bes! Nagkwento na ko sa iba kong friends pati na din sa family ko. Hahahaha! Sobrang di ko macontain ung feels! Syempre nagkwento lang ako sa trusted friends ko! So ito na nga, nagtext ako kay N. HALA! Buong pangalan ba naman tawag sa akin! OMG TALAGA!
Mga around 11pm something, nagtext ako.
“Gusto mo ba malaman kung anong sagot ko sa tanong mo kanina?” which is kung gusto ko ba s’ya.
“Oo…” reply ni N. Tapos nagreply din ako. Sabi ko “Oo”
TAPOS NAGREPLY NG “Ako din. I like you, Lica..” SUMABOG PUSO KO MGA BES!!!!! WALA NA!!!! GRABE!!!!!!!!!! OMAYGAD!!!!!!!!!! HANGGANG NGAYON KINIKILIG PA RIN AKO! ANO BA YAN!!!!! PAHABOL BAGO TALAGA MAG 2017!!!! GRABE TALAGA!!!!! HAHAHAHA IT’S ALL WORTH IT!!!!!

** Kailangan ko na ipost ‘to bago mag-2017. Pahabol, parang si N. Akala ko, wala ng pag-asa. OMG CAN’T CONTAIN MY FEELS! HAPPY NEW YEAR, MGA BES!!!! Sana magkalovelife na din kayo! Marami pa akong hindi nasali sa kwento, pero halos andyan naman na, so keribels na!!! <3

Advertisements