**Storytelling out of kilig. Please bear with me

Malapit na ko maiyak sa inis kanina habang pauwi after ng shift namin. Nagtext kasi ako kaninang umaga. Sabi ko sabay kaming umuwi. Walang reply, pero nag-assume ako kasi nga assumera ako. Okay, go! Naghintay ako ng uwian. Ang bagal na ng lakad namin ni Shelby. Sobrang bagal na nasa San Miguel pa rin kami ng mga 8:20PM. Grabe. Hindi talaga nagtext man lang.

Hiniling ko agad sa Diyos na sana naman may magpakitang oppa na magpapasaya sa gabi ko habang palakad kami papunta somewhere para magpa-print ng resume. Kamote. Hello hello sa KPOP crush ko na nasa Fax Parcel and Print din. Grabe naman talaga. Ang bilis ng hiniling ko. Pero sobrang na-beast mode ako lalo sa mga staff dun. Grabe naman talaga ‘yung pagkakupad. Juice colored. Medyo may poise pa rin kasi nga andun si crushie. Nako naman talaga.

Sa sobrang pagkadismaya ko, nagrant agad ako sa Facebook. Dami kong sinabi. Sabi ko pa na ibigay lang sa akin ‘yung dream job ko at makapasa lang sa interview bukas e kakalimutan ko na lahat. Keber na kung walang lovelife next year basta ba makuha lang ang dream job. Tapos ayun, nagreply si bakla. Full support pa sa dream job ko. More drama kasi ako sa kanya kanina kasi nga hindi s’ya sumabay sa pag-uwi. Tapos ayun, magkita daw kami bukas. Kamote. LUNCH DATE MGA BES! Tagal kong hinintay ‘to! Tinrabaho ko talaga ng ilang buwan! 6 months in the making ‘to!! Jusko lang talaga magpapasagasa ako bukas kapag hindi ‘to natuloy sinasabi ko sa inyo. Haha! Grabe! Sabi ba naman e ayaw daw nya ng distraction sa office. Gusto nya focus lang sa work. Hello! Ayoko naman na maging kami ng nasa office pa ako kasi nga, hello, ayoko maging laman ng chismis. Shet lang. GUSTO KO SYANG YAKAPIN SA SAYA! Grabe, from zero to langit ang saya!!!!!

Pero guys, kailangan ko ng prayer n’yo. Hindi para sa lovelife ko, pero para sa dream job ko. Maiintindihan naman ako nitong awra ko kasi full support naman s’ya sa pangarap ko e. Kaya guys, ipagdasal n’yo na sana matanggap ako bukas. Isang malaking award talaga ‘yun!

GOODNIGHT!!!! 9AM PA INTERVIEW MAMAYA!!!!

Advertisements