Tina-type ko ‘tong blog entry na ‘to matapos kong sabihin na matutulog na ako.
Wala lang. Di ko lang mapigilan dahil sobrang saya ko kahit pa nilalagnat na ako. Isang episode lang nga ng Gravity Falls napanood ko. Promise, after ko naman ma-publish ‘to e matutulog na ako.

Hindi tayo nagpansinan ngayon, pero ninais ko namang pansinin ka, naunahan lang ng hiya. Balita ko dumaan ka daw kanina sa lane namin, ‘yun nga lang wala pa ako. Mga 1:40 ata ako nakarating sa office. Tinamad kasi ako kanina bumangon tapos medyo maulan pa kaya traffic. Sayang ‘no? Kung maaga lang ako kanina, edi sana nakapagusap tayo kahit saglit lang. Haha! Kaya tinext kita bago matulog. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na isipin ka. Mukha na nga akong tanga minsan dahil bigla na lang akong mangingiti. Hindi ko makalimutan ‘yung mga ginawa mo para sa akin. Nakakaloka!

So ayun na nga, tinext kita bago matulog. Di ko naman inexpect na magreply ka or ano kasi nga baka wala kang load dahil nga Smart ka tapos Globe user naman ako. Pero infairness ha, ang bilis mo magreply. :) Kinilig naman ako dun. So nagreply din ako agad-agad. Dami kong sinabi maparating ko lang na masama ‘yung pakiramdam ko ngayon, which is siguro naman ay alam mo kasi nga kanina pa nila sinasabi at feeling ko naman naririnig mo. Hahaha! Tapos sinabi mo na tulog tulog din. Kaya ito na nga po, matutulog na. Kailangan ko lang mailabas kasi baka hindi ako lalo makatulog sa sobrang kilig. Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig. Dahil siguro hindi ka naman ganito sa iba? O baka dahil sa wakas ay ganito na tayo mag-usap? Pero baka dahil alam kong malapit na kitang mabihag. Charot! Pero promise, ang saya ko kahit ganito set up natin.

Good night na talaga, bhe. Saranghae. :)

Advertisements