Happy birthday.
Masaya ka naman, diba? Oo, mukha ka namang masaya. Naririnig nga kita na tumatawa habang nagka-klase ako e. Badtrip kasing last class na ‘yan. Hindi ko alam kung sinasadya ‘to ng tadhana e. Kung kailan nagmamadali ako at wala ng balak mag-extend ng klase, doon naman bubuhos ang mga technical problem. Amazing. Nasagad ‘yung oras hanggang 8PM. Kinakantahan ka na nila. Inaasar ka pa nga ‘dun sa ka-loveteam mo sa music video n’yo. Ano naman magagawa ko, diba? Ano ba ako? Di nga kita kaibigan e. Hindi mo naman kasi siguro gusto na maging kaibigan ako. Kaya ayun, dedma to the world nung uwian. Sulat sa log sheet ng team, log out sa biometrics, pasok agad sa elevator, at naglakad ng mabilis para makauwi na agad-agad at hindi ka na makita pa. Pero ano na naman ‘tong ginawa mo? Grabe. Ang bilis na namin maglakad, pero nakahabol ka pa rin? Ang galing galing mo. Grabe ka.
Tinext kita pagkauwi ko. Umutang pa ako sa Globe para lang matext ka. Hindi ako nagpakilala. Binati ulit kita. Happy birthday, blah blah blah. Tangina. Sinasabi ko sa’yo, tumambling ‘yung puso ko nung nagreply ka. Hindi na ko nagreply ulit. Bahala ka na manghula. Kung itetext mo pa ko ulit, bahala ka na. Bahala na. Sana nga matupad lahat ng dalangin mo. Sana kasama na ang paglimot ko sa’yo.. Hiniling ko na sana hindi na kita gusto..

Ngunit bumagsak ang napaka lakas na ulan. Ang lalaki ng patak. Galit na galit.
Tutol ba ang langit? Dapat ba akong magalit? :(
Sana nga kasama ako sa mga dalangin mo. Sana ipinagdarasal mo ang pag-ibig ko na malipat sa ibang tao..

Advertisements