Medyo nag-cringe ako sa nabasa ko. Nakakatakot naman pala akong babae noon. (refer to this post: https://licangina.wordpress.com/2011/09/05/ang-tipo-kong-lalake/)

That was 5 years ago. 5 years ago, ang tigas pa ng mukha ko. Wala pang “Think Before You Click” campaign. Hahaha! Grabe. Puro bad words. Nakakahiya! Charot! Pero totoo, sinong magkakagusto sa akin 5 years ago?! Ang sama ko pala noon. Hahaha!

Nagpasya ako na iupdate ang listahan ng mga gusto ko sa isang lalake. Alam ko, nagbabago ang gusto natin kasi nga nagmamature tayo. Feeling ko mas naging simple e. Hindi ko alam. Dahil siguro pagod na ko? Napagod kakahabol at magpahabol. Single pa rin ba? Oo. :) Amazing, isn’t it? 3 years na akong single.. kaya sana mahanap na n’ya ako. Feeling ko nga nahanap ko na s’ya e, pero feeling ko hindi pa rin ako ‘yung tamang babae para sa minamahal ko. Love it! Chos!

Okay, ito na nga. Ito na ang bagong listahan ng mga gusto ko sa isang lalake.

  • Matangkad
    – Dahil nga 5’6″ ako kaya kailangan ko ng matangkad na katuwang sa buhay. Haha! Para mamana din ng mga magiging anak namin.
  • Tahimik
    – Well, hindi naman talaga as in “tahimik”. Depende pa rin siguro. Gusto ko kasi ‘yung sa akin lang s’ya magulo. I mean, ‘yung iba ‘yung treatment n’ya sa akin kumpara sa ibang tao.. ‘yung iba s’ya pag kami lang. Dapat reserved. Char! Alam ko gusto ko pa rin ‘yung mapapatawa ako, ‘yung maingay, makulit.. pero mas gusto ko ‘yung tahimik lang. ‘Yung alam kong akin lang s’ya. ‘Yung alam kong ako lang. (lol whut?!)
  • May nangungusap na mga mata
    – ‘Yan. ‘Yan ang kahinaan ko ngayon.. nakukuha ako sa tingin e. ‘Yung nagsasabing “gusto kita” na hindi kayang ipahiwatig ng mga salita.
  • Malinis
    – Maayos manamit, maayos ‘yung hair style, basta, malinis tignan. Malinis sa gamit, masinop.. mga ganyan. Kasi magulo akong tao e. Nakakabaliw naman kung pati s’ya magulo diba? :)
  • Responsable
    – Kailangan pa ba i-explain?
  • May pangarap
    – Gusto ko ‘yung may kasiguraduhan s’ya sa mga gusto n’yang marating sa buhay. Kung narating na n’ya, edi shing. Kung hindi pa, edi okay lang, andito naman ako para sumuporta. *naks, bes.
  • MAY MAGANDANG KAMAY (Nakikita ‘yung wrist bone (yun ba tawag dun hahaha) tapos ano.. basta!! fetish ko ata ‘to omg)
    – OMG. Ito ata ang hindi pwedeng mawala sa listahan. Grabe. Gustong gusto ko na hawakan ‘yung kamay ng crush ko ngayon. Sana makapagpigil pa ako. Lord, please lang, pigilan n’ya ako. Hahawakan ko na talaga kamay n’ya pag nagsabay ulit kaming umuwi. Hahaha! Char!
  • Pa-mysterious effect
    – Aba aba aba. Nakakachallenge kasi para sa akin. Ayoko ‘yung predictable. Ang corny. Feeling ko kumakain ako ng paborito kong pagkain. Alam mong mag-eenjoy ka kasi nga alam mo na ‘yung lasa, at ‘yun at ‘yun pa rin. Gusto ko naman ‘yung parang kumakain ka ng jellybeans. ‘Yung parang sa Harry Potter. ‘Yung may magkaparehas na itsura na jellybeans tapos magkaiba ng flavors. ‘Yung isa masarap, ‘yung isa weird na flavor. ‘Yung ganun ba. Gusto ko kahit mainis ako e keber lang, atleast hindi predictable diba. Mas masaya kasi pag may challenge.
  • Marunong sumayaw
    – Nagustuhan ko nga s’ya kasi napanood ko ‘yung video n’ya na sumasayaw s’ya e. Hahahahaha! OMG! Naaalala ko na naman! *kiligz
  • Magaling mangpraning
    – ‘Yung pag-iisipin ka kung bakit ka iniiwasan. ‘Yung kung bakit hindi ka n’ya pinapansin.. tapos bigla-bigla ka na lang papansinin. Again, unpredictable dapat. Char!

Hindi ko na alam ‘yung iba pa. Basta, ibinase ko na lang sa mga nakikita ko sa lalakeng gusto ko ngayon. Sa katunayan nga, hindi ko alam kung bakit ko s’ya minamahal. Hindi naman s’ya kagwapuhan.. pero grabe, hahawakan ko na talaga kamay n’ya pag may chance. Ayoko pa naman pumasok ulit sa isang relasyon. Gusto ko lang maging kaibigan ko muna s’ya.. feeling ko nga natu-turn off na ko minsan e. Gusto ko lang s’yang tulungan na lumabas sa mumunti n’yang lungga at malaman na hindi naman pala talaga nakakatakot maging katulad ng iba at makihalubilo sa mga ito. Kaya kong maghintay hangga’t walang ibang lalakeng magpapakita ng interes sa akin. Ayoko naman magtagal sa ganitong sitwasyon. Kung may bagong makikilala na mas okay, edi push! Bakit hindi diba? Pinakita ko naman na na gusto ko s’ya, kasalanan na n’ya kung bakit hindi pa n’ya ako binakuran kung magkataon man na may mahalin na akong iba.

#irrelevant #hanashtag #1AMfeels

Advertisements