Mga kataga

“Alam mo, nakakatawang isipin na sa isang linya ng paglahad ng nararamdaman natin, pwede ng magbago ang lahat..”

“Depende..”

“Syempre hindi lang naman sa mga sasabihin. Kung ngayon mo sasabihin, baka isipin lang ng taong pagsasabihan mo na nanloloko ka lang dahil hello, sino ba maglalahad ng true feelings kung April 1 ngayon ‘di ba?”

“Kunwari, mahal kita, sabay isang malaking joke?”

“Mahal din kita, kung isasagot ko man ‘yun, baka tumawa ka lang. Haha! Anyway, nabasa mo ba ‘yung mga posts sa Facebook? Like ‘yung kay Nikko? Nakabuntis daw s’ya! Gasgas na masyado. Ewan ko lang magiging reaksyon ni tita pag nabasa n’ya ‘yun..”

“Alam mo naman si tita, cool shit ‘yun! Baka nga sakyan n’ya pa sa pagbili ng mga gamit ng baby..”

“Hahahahaha! Oo nga pala! Naalala ko ‘yung sinabi kong nakagat ako ng aso last April Fools’ tapos nagreply ba naman ng “okay lang yan, dalawin ka na lang namin ni Nikko.” tapos may dalawa pang smiley. Minsan nga feeling ko mas gusto ko pa si tita kaysa kay Nikko!”

“Oo nga pala, paano mo pala nasabi na baka isipin ng ibang tao na hindi totoo ang sasabihin o sinasabi ng isang tao ngayon? Paano kung nagkataon lang na natapat o naging matapang ang taong ‘yun?”

“Dude, taympers! Masyado mo naman atang dinidibdib ang usapang aminan ng feelings! E ‘di ba, kadalasan kasi, halos lahat ng mga tao ay gustong mag-joke o mangtroll, e syempre, ‘yung iba naiinggit kaya gagaya na lang at kung anu-ano mga gagawin o sasabihin at saka ipopost sa Facebook o kung saan mang social media sites. Kaya siguro hindi muna ako magbubukas ng mga account ko para iwas sa mga mapanlinlang na posts.”

“Paano pala pag sinabi kong naaksidente ako, tapos natapat sa araw na ‘to, walang bibisita sa akin? O mas malala, mamatay ako sa araw na ‘to, tapos parang isang matinding prank lang para sa inyo? Ganoon ba?”

“Blah blah. Drama nito! Libre mo na lang ako ng ice cream! Ang init na masyado! Mahihimatay pa ko dahil sa init at sa mga pinagsasabi mo!”

“Wala akong dalang wallet, sagot mo muna. Utang.”

“Ang hina ko naman sa’yo! Dali na kahit dun na lang kila Mang Rudy, malapit naman na tayo e. Kinse lang isa! O kaya ice candy na lang para mas makamura ka.”

“Sige na nga, kung di lang kita mahal.. Happy April Fools’ Day! Buti may singkwenta ako dito..”

“Buti na lang mahal kita kundi hindi ako lalabas! Kahit mainit dito sa labas okay lang! Sulit!”

“Trix..”

“ANO BA, GABO! TARA NA! TAWID!”

“Trix.. Maha–“

“GABO!!”

 

 

At kahit kailan ay hindi s’ya sineryoso.. at ang lahat ay sumabay sa pagtawa ng tadhana..

Advertisements