Mga kataga

OMG. May PhilPop ulit ngayong 2014!

download

Una akong sumali sa PhilPop noong 2012. College pa ako nun, at ang entries ko ay “Kahapon” na isinulat ko isang araw bago ang deadline, nalapatan na ng tono at lahat lahat, at ang “I’ll Be Okay” na isinulat ko naman noong 4th year highschool ako matapos kaming maghiwalay ni former boyfriend.

(Pwede n’yo mapakinggan ang mga awitin na ‘yan. Isang click lang dahil naka-hyperlink. Hihihihihihihihi)

 

Okay, so isa pa lang ang entry ko ngayon dahil iniisip ko pa kung isasali ko ung isa kong kanta na naka-bangko lang dahil matagal ko ng naisulat. Bawal pa kasi iparinig sa inyo dahil madi-disqualify kaya after na lang makapasok (HAHAHA) or kung di makapasok iu-upload ko agad para mapakinggan n’yo. Actually bangko din ung kanta na ‘yun e. Saka dapat may ka-collab ako. Pero ayaw n’ya (nila, dahil dalawa silang tinanong ko kung gusto ba nila) kaya ako na lang tumapos at isinali ko nga ngayong taon sa PhilPop. Goodluck naman sa akin!

 

In-usi ko ‘yung site ng PhilPop at pinanuod ‘yung mga videos ng finalists last year. GRABE! Pansin kong halos lahat e nakapasok na nung 2012 or ung pro talaga, tapos iilan lang talaga ‘yung amateur. Shet na malupet diba? Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil nga may nakakapasok pa rin na amateur at feeling ko din na may laban ‘yung kanta ko kasi may hugot ‘yun sa puso e. Mehehehe.

 

 

Hanggang bukas na lang ang pasahan ng mga entries sa website nila

—> http://www.philpop.com.ph/

Kaya sa mga gustong sumali.. GO NA KAYO!!!!!

philpop

GRABE TALAGA! SANA PALARIN NGAYONG TAON!!! <3

 

 

 

Advertisements