Mga kataga

, ,

Naluluha habang pilit na nililimot ang pait ng pagkalayo sa taong hindi mo mapigilang mahalin.

Bumabalik ang nakaraan na para bang nangangakong magbibigay ng kasiguraduhang magkikita at magkakayakap muli. Hindi man ‘to bago pero pakiramdam ko na pawang una at mahirap lagpasan ang mga araw lalo na’t higit na nangungulila. Ang nginig sa kalamnan kasabay ng pag-agos ng luha.. isang araw ang makakapawi sa lahat ng pangungulila.

Inisip na hindi lamang ang sarili ang dapat sisihin sa mga pangyayaring ganito.. Binigay naman ang lahat ng makakaya, ngunit ang kaya lamang ilaan ng isa ay ang matatamis na alaala. Kay rikit ng mga eksenang paulit-ulit na nagpapakita. Nakapikit na nga, iisa pa rin ang bulong sa sistema. Iiyak pa ba kung ang Diyos na ang kaagaw sa eksena? Buong puso na lamang tatanggapin ang abot ng tadhana. Sabi nga ng pag-ibig, magiging abot langit ang ligaya.. pagkatapos ng lahat, maiiwan na di tapos ang nobela.

Ilang taon na lumimot sa masalimuot na nakaraan. Naghanap ng kakalinga, ilang taon na namang aasa. Sa araw-araw na nag-iisip ng mabababaw na problema, puso na nga lang, di pa matapos-tapos.. Nakakasawa.

Sa pagkakataon nga na magkausap muli, hindi naitaboy, hindi nagsungit. Buong pusong tinanggap ang lahat ng pagkakamali.. “Patawad, mahal..” Sana nga’y nasambit. Napuno ng kaba, madalas mabanggit.

Sa madaming pagkakataon na aking nilaan, ni isa’y di pa nagamit. Kailan kaya, mahal? Kung maulit man ng maulit ang pagkakamali ng nakaraan, ayos lang, mahal ko.. nangakong di bibitawan..

Advertisements