Ilang beses na s’yang papalit-palit.. sumasabay sa trabaho.. pati ba naman ang pagpalit at paglimot sa nararamdaman ng puso..

Gulong-gulo na. Kung madali lang daw sana ang pagkitil sa sariling buhay, matagal na sanang tapos ang problema. Anong gagawin n’ya kung ang maiiwan ay mahihirapan din sa pagkawala? Mabuti ng pasananin ang bigat ng ngayon kaysa ipasa ang hirap sa iba.

Hindi pa rin s’ya sigurado. Nagtatapang-tapangan pero hindi pa handa. Sinusubukang tanggapin at matutunan ang kung anong meron.. hindi pa sana.. ayaw n’ya pa sana.. pero ang tingin ng ibang tao ay mahalaga. Hindi naman sana aalis sa nauna.. pag-ibig naman talaga, lumisan tuloy pati sa opisina. Akalain ba natin na madadamay ang ibang aspeto sa buhay.. pati mga kaibigan at pakikitungo sa kanila? Sabi pa nga n’ya na kayang-kaya. Matapos nga ang ilang linggo ay patuloy pa ring iniisip na sana, sana lang, hindi lumisan ang inibig. Hanggang ngayon sana’y kumikita ng malaki-laki at kalusugan lamang ang problema. Hindi kayang magamot ng kahit anong ireseta ang sakit na dulot ng mga salitang paulit-ulit na maririnig kahit pa nakapikit. Ang mga salitang habang buhay na tatatak sa isip.. sana hindi na lang daw s’ya lumisan sa unang trabaho.. sana raw ay hindi na lang muna umibig.

Hanggang ngayon, ang mga kwento n’ya ay laman ng pagsisisi. Sa bawat awiting marinig ay napagsasang-ayunan. Hindi lang sa pag-ibig.. pati na rin sa mga taong nakapaligid. Sabi nga n’ya e may nakasabay daw s’yang kamukha ng dating iniirog. Gusto n’yang sampalin.. umiyak sa harap nito at magmakaawa na sana ay bawiin lahat ng masasakit na salita at bumalik.. balikan ang mga pangakong hindi natupad.. na hindi na tutuparin. Nasasaktan madalas, hindi nga lang halata. Nasasaktan sa mga opinyon na pilit nilulunok, makangiti lang sa paglubog ng araw. Bakit daw ba kasi ang hirap maging tao? Araw-araw tinatanong ang Panginoon kung bakit nga ba kailangan pagdaanan ang mga problema. Bakit kailangang iba-iba ang ugali ng tao? Kung bakit minsan, kahit na gaano kalapit ang isa’t-isa, hindi pa rin magkakasundo pag nagkataon? Bakit daw kailangan magtrabaho para magkapera? Bakit maraming gahaman? Bakit kailangan pang masaktan ng matauhan? Bakit kahit nais paiksihin ang buhay ay kay hirap magawa? Bakit? Ang dami n’yang katanungan sa isip. Kapag tahimik.. pag walang kausap.. gusto na lang n’yang mahimlay. Magpalutang-lutang sa kawalan.. makalimot ng tuluyan.

Sabi n’ya sa akin na hindi na n’ya kaya.. kung wala lang s’yang pamilya.. kayang-kaya ang pagtalon mula sa pinakamataas na palapag hanggang sa paghalik sa lupa. Kung wala lang sanang mga nakilalang tao na iintindihin.. wala ng kaba sa puso.. hindi na maghahangad ng mas magarbong buhay sa kabilang buhay. Wala ng sakit na mararamdaman at pati kalungkutan ay makakalimutan. Isang matinding paglimot lang ang kanyang hinihiling.. mabura lang lahat ng sakit na kahit sino ay hindi mapapagaling.. mabura lang lahat ng alaalang pumipigil sa paghilom ng mga sugat..

 

Pilit ko pa rin s’yang pinipigilan.. Inuuto-uto paminsan-minsan na kaya n’ya pang tiyagain ang paulit-ulit na nangyayari.. Minsan hindi ko na din kaya.. baka isang araw makalimot ako.. malimutan kong ipaalala na masaya din namang mabuhay kahit papaano..

Advertisements