Mga kataga

He’s all over me. I taste nothing but the sweetness of his lips. All I can see is darkness.. all I feel is his presence. I pulled his hair, pressing more of him into my mouth as his hands glide into the small of my back. I love him. More than everything he can do.. more than anyone I might be attracted to.. more than anything that is desired.. more than life itself for life is nothing but a routine without the sight of his smile.. without the love that we have. I love him. Everything about him..

Hindi ako mapakali. Boyfriend. MAY BOYFRIEND NA AKO!

Unofficial pa nung 17 e. October. Pero nung magkasama kami nung 19 saka naging official. Haha! Naalala ko pa ‘yung ngiti n’ya nung sinabi kong kami na talaga. KAMI NA. WE ARE, MOTHAFUCKAHSSSZZSZS!

Sorry kung hindi ako nakapag-blog ng mga isang buwan siguro. Busy kasi may work na din. Lucky charm nga si bowa e. :”D

Bago ko s’ya sagutin nagka-work na ko. Astig lang dahil lahat ay nasa tamang lugar ngayon. Haha! Mga dalawang buwan din kaming naging maarte sa mga feelings namin. Medyo pa-chicks kasi ako kaya ayun.. After ng first date namin, madami ng mga sumunod na mga dates. Madami ring kain. Ang sarap n’ya lang kasama dahil ang dami n’ya ring gutom. Nagkakasundo talaga kami lalo na sa Jollibee. Hahaha!

Malapit na monthsary namin! Excited na ko masyado dahil makakasama ko na ulit s’ya. Pero baka sa sobrang excited ko e puntahan ko s’ya sa kanila dahil madami akong free time this week. Mehehe pero eme lang dahil alam kong susungitan ako nun dahil ayaw n’ya ng sinusurprise s’ya. Legal na pala kami! Hahahahaha! Mga 1 week nung sagutin ko s’ya ng ihatid n’ya ko dito sa bahay. Laughtrip lang kami nila ina at kapatid dahil nga first time kong magpakilala ng boyfriend. Kinikilig sila e. Hahaha! Pinagluto ko din pala sila ng family n’ya nung pumunta ako dun sa kanila. Hihihi buti na lang nagustuhan ‘yung luto ko. Medyo na-pressure lang ako sa mga tanong ng tatay n’ya dahil tinatanong kung ano ng plano namin. Haha! Ang saya lang dahil tanggap na kami sa mga pami-pamilya namin. Bet na bet din s’ya ni lola. Feeling ko nga aagawin s’ya sa akin e. EME!

Wala na akong ma-share! Happy Anniversary na lang dito sa blog ko! 3 years na pala akong blogger. Nakakakilig! Hahahahaha! Sorry kung medyo malayo sa anniversary special ang naikwento ko. Haha! Natapat lang na sinipag ako magkwento tungkol sa status ng lovelife ko ngayon. Cheers! :D

Advertisements