Mga kataga

Ang pag-ibig ay parang paghahanap ng sapatos.. minsan gusto natin ‘yung maganda, matibay, at gusto din ng karamihan.. pero sa huli, bibilin din natin kung ano ang sakto at ang tamang sukat para sa mga paa natin.

 

 

 

09-10

Nag-exam ako sa isang company bago ‘yun. Di na dapat tuloy kasi nga medyo kulang sa tulog at nainis ako sa kanya kagabi. Dapat uuwi muna ako dahil maaga pa at para sa bahay na magpalit ng damit.. pero naisip ko na baka tamarin na ako kaya hindi na lang.

Mga 11am nasa mall na ako. Nagpalit ng damit at nakipagkita kay J dahil nasa mall din s’ya. Tawid sa kabilang mall tapos lipat sa pinakabagong building. Lakad lakad. Tambay sa Subway habang hinihintay si A. Ang dami naming napagkwentuhan ni J. Tungkol kay Girlie at dun sa isang tao. Tawa lang kami ng tawa tapos biglang magiging seryoso ‘yung usapan. Tipikal na pag-uusap ng magkaibigang hindi masyadong nagkikita. Haha!

Maya-maya dumating na s’ya. Naka-polo, pink and white stripes, naka-satchel. Naalala ko agad ‘yung Hangover I. Medyo pinipigilan ko ‘yung ngiti ko para naman medyo hindi mukhang excited. HAHAHA! Pinakilala ko sila sa isa’t-isa tapos iniwan na kami ni J.

Kru-kru moment.

Pumasok na kami sa Subway. Usap-usap. Sabi n’ya hindi daw muna s’ya lumapit kasi busy daw sa usapan tapos parang hindi approachable ‘yung body language namin ni J. Natawa ako. Tapos nakilala n’ya daw ako dahil sa buhok ko.. Ang daming ngitian moments..

Veggie Delight sa akin tapos Ham sa kanya. Pa-chicks ako e. Tuesday kasi kaya gulay lang. Iwas din sa rice kaya Subway talaga kini-crave ko. Buti na lang hindi s’ya mapili sa pagkain. (+1)

Tumawid na ulit kami sa main building para bumili ng tickets. Dapat talaga OTJ ‘yung papanuorin namin e, kaso nga lang puno na. Daming senior citizens saka estudyante. Ang aga-aga puno agad mga sinehan, kaya Elysium na lang. In-usi pa kami ng isang senior na mali daw ‘yung pinilahan namin, na pang-senior citizen nga daw ‘yung pila na ‘yun. Dedma lang kami. Ang tagal-tagal ko ng nanunuod doon kaya sigurado akong pangkalahatan ‘yung lane na ‘yun. Hahaha! Sayang hindi ko ata natago ‘yung tickets. Or baka naitago n’ya?

Bumili pala muna kami ng tubig sa kabilang dulo ng mall. Nakalimutan ko kung ‘yun ang nauna or ‘yung pagbili namin ng tickets? Anyhoo.. Pumasok na kami sa sinehan. Sakto ‘yung outfit ko. Ang lamig-lamig sa loob. Hindi ‘yung normal na lamig e. Parang and daming multo sa loob.. or baka dahil maraming senior citizen? Hahahaha! Umupo kami sa orchestra, sa gitna. Kasi pag sa balcony medyo malayo sa screen. Mga kalagitnaan ng film na kami kumain. Ramdam na ramdam ko ‘yung ginaw n’ya kasi nag-chi-chill s’ya nun e. Pigil ‘yung tawa ko sa utak. Lakas maka-the moves e. Kung di lang s’ya nilalamig, di ko hahawakan kamay n’ya e. HAHA! Nagkapalit pa kami ng sandwich. Hahaha! Ang cute lang kasi pumayag s’yang makipagpalit kasi ayoko talaga kumain ng ham. Mehehe keri lang kahit nabawasan na n’ya ‘yung sandwich ko.

After ng film, pumunta na naman kami ng kabilang building. Tumingin-tingin kami ng mga gadgets, tapos lakad-lakad. Kumain ulit kami. Ang dami ko ng kain..

Kumain kami sa Jollibee. Sabi ko spaghetti lang pero binilan pa ko ng fries. Hindi ako sanay ng ganun kaya dedma na lang. First time akong maaya sa date na sagot lahat ng lalaki ‘yung gastos. Tumbling e. Hahaha! Ang sarap n’yang kumain. Iniinggit n’ya ko sa champ pero dedma kasi nahihilo ako pagkumakain ng ganun karaming karne.. After naming kumain lipat ulit ng main building. Haha! Ang daming lakad pero okay lang kasi ang dami naming napagke-kwentuhan. Walang dull moment. Lahat okay sa kanya.

Pumunta naman kami ng J.CO. Feeling ko bloated na ko. Hahahahaha! Bumili kami tapos umuwi na kami. Grabe lang ‘yung ulan kaya bumaha. Hindi din kami makatawid ng maayos kasi hindi na makita ‘yung tutungtungan para makatawid sa sakayan. Buti na lang magkatabi ‘yung sakayan namin.

 

 

 

 

Ang saya ko lang nung araw na ‘yun. Maraming tagong kilig. Hahaha! Swabe ‘yung first date na ‘yun. Swabeng swabe. <3 Sorry kung hindi ganun ka-detalyado, pero okay na ‘yan! Hahahahahaha!

Advertisements