*2012

Ang boring ng sembreak. Oo, pumunta kami ng Mauban, pero ang haba pa ng sembreak. ISANG BUONG BUWAN. :|

Nagsimula ‘yun noong patapos na ‘yung Oktubre. Ayos. Friend ko na sa Facebook. PM (private message) ng alas-tres ng umaga. Tumbling. Gising ko mga ala-una ng hapon. Panalo ang installment na usapan. Isang buong linggo na nagtuloy-tuloy.. Ang alam ko medyo pag-awra (beki for pag-porma, crush, fling, atbp.) ‘yun e. Pero hindi ko lang sure ha..

Medyo awkward at slightly overrated and dating pag nakikita ko s’ya sa hallway. Parang sa pelikula na pag malapit na ung alpha male (WTF) s’ya e parang gusto mo ng ipasok ang ulo mo sa loob ng ‘yong locker. Astig di’ba? Ganoon ang feeling. One time, ‘yung itinaas n’ya ‘yung kamay n’ya para mag-apir (appear) kami sa tapat ng DepComm (Department of Communication), napilitan na lang akong makipag-apir kasi nga ang pangit naman kung hindi ko s’ya papansinin e nagkasama naman na kami sa Tagaytay kasama ang TF (Tagaytay Friends). Gustong-gusto ko s’ya noong sembreak at noong semester bago mag-sembreak. Pero pagkatapos ng Tagaytay namin, paalam mga paru-paro at mga pusong nagliliparan sa tuwing nakikita ko s’ya. Ewan ko, siguro na-turn off? Pero hindi ko alam kung ano ang magandang idahilan kung bakit ako na-turn off. Bakit nga ba?

 

Mga rason:

– Di ko kayang sabayan

– Dami n’yang gustong babae na mga kaibigan ko pa

– Masyadong friendly na hindi mo na alam kung sweet ba s’ya dahil close kayo or sweet s’ya dahil gusto ka n’ya. Misconception.

– May nangyari sa Tagaytay na hindi ko masikmura pero wala akong magagawa dahil ang drama ko lang noong gabi na ‘yun, kaya siguro ako din ang may kasalanan? At dahil sa nangyari na ‘yun. parang ang tanga ko lang at talagang ayaw ko na sa kanya.

– Meron s’yang isang habit/ugali na ayoko sa isang lalaki. TURN OFF MODE: EXTREME

 

 

Sige, ayoko na lang ipagpatuloy dahil baka bigla kong mabanggit ‘yung pangalan n’ya. HAHAHAHAHAHA

 

 

 

*2013

 

Umaga, isang araw pagkatapos ng isang matinding gabi kasama ang mga kaibigan, nilagnat ako. Hindi nakaalis para sa isang job interview kasama ang isang kaibigan at nakatanggap pa ng isang matinding sermon galing kay ina. Magaling. Inabot ko ang telepon ko at nakitang may nag-text. Hindi naka-register ‘yung number sa telepono ko. Ni-reply-an ko. Reply din s’ya. Ah.. Si *ano pala. Si Sembreak Fling. 3:45:45am ‘yung una n’yang text. Naku po. Mukhang babalik pa sa dati. Pero wala, hindi naman ako kinilig o ano.. Matagal kong inisip kung re-replay-an ko pa, pero ni-reply-an ko pa din. Nangamusta, nag-usap tungkol sa trabaho.. ‘Yun lang. Okay sana e, kaso wala na ‘yung kilig. Friends na nga lang. Astig. Buti na lang. Hahaha! Hindi na ko umaasang magugustuhan ko ulit s’ya kasi nga ang daming rason, at ayoko munang ibahagi ‘yun sa iba.

 

 

 

 

 

 

 

 

Bibitinin ko muna kayo. Nag-practice lang para sa magiging trabaho ko kung matanggap man ako bilang isang copy editor. Kailangang ayusin ang bawat ipinapaskil sa blog na ‘to. Paalam! Hahahaha!

 

Advertisements