Oo! Tama! Naalala ko na! Una ko s’yang nakita nung malakas ‘yung ulan. Nasa fx ako nun, pauwi, pabagsak ang ulan, at makikita ang mga mumunting patak sa bintana ng sasakyan. Alam kong wala naman akong tinitignan nung mga panahon na ‘yun. Wala lang, ‘yung bigla ka na lang matutulala at mapapatitig sa isang bagay o tao. Tama. S’ya nga ‘yun.. Hindi ako nagkakamali.

Sobrang na-bore ako sa nangyari kanina. Date na naman kasama ang isang lalakeng walang alam ikwento kundi ‘yung nanay n’yang wala daw pakialam kung saan s’ya pumupunta, kung sino mga kasama n’ya, o kung naninigarilyo s’ya..

Totoy *not his real name: Alam mo ba, kagabi, umalis ako ng bahay. Hindi man lang ako pinigilan ni Mom. Akalain mo ‘yun? Amoy alak pa nga ako pagkauwi, wala pa ring pakialam….

Ako: …… (Walang naintindihan sa mga kwento n’ya) Haha! Okay lang ‘yan.

Totoy: Ba’t ka natawa? Ang sabi ko, kakamatay lang ng lolo ko.

Ako: Ahhhhh hihi *patay malisya* Sorry but I have to go na. Nagtext na si ina e. Samahan ko daw s’ya mag-grocery. Thank you ha, I had fun. *beso

Napaka-awkward ng nangyari! Just imagine how he looked at me! Well, hindi ko naman s’ya type at hindi naman ako umaasa na magustuhan n’ya ako dahil hindi ko naman mairi-reciprocate ‘yung love… so I guess pwede na. Okay na sigurong ayaw na n’ya sa akin? Hmmmm.. Pero nagustuhan n’ya kaya ako kahit papaano?

Walang magawa sa buhay. Napabili tuloy ako ng Buy and Sell sa bookstore at nagsimulang magbuklat. Simulan ko sa Pet section. Ang mura ng mga aso! Kaso ang mahal naman ng gusto ko. Ayoko naman mag-aksaya ng pera dahil may aso naman dito sa bahay at kailangan ng maintenance. Baka mas maging magastos ‘yung aso kaysa sa akin at maghirap ako.. Sunod naman ‘yung sa Swapping Corner. Hindi ko alam kung ba’t gustong-gusto ko tumingin sa page na ‘yun. Siguro dahil naaaliw ako sa mga gusto nilang i-swap sa mga bagay na meron sila. Nakakatawa kasi may nakita akong ad na gusto n’yang iswap ‘yung iPhone 4s n’ya para sa isang Chihuahua. Ang cute lang. Siguro wala na s’yang pera at kailangan n’ya ng aso kaya isa-swap n’ya ‘yun. Nakakaaliw lang.. Tapos nilipat ko na sa mga naghahanap ng textmate, mail chums, dating blahblah. Naaaliw lang ako sa mga nagpapalagay ng ad para lang makahanap ng companion or “kalandian”. Hindi naman talaga ako pumapatol sa mga ad na kagaya nu’n pero may umagaw ng atensyon ko..

*Leon, 21, looking for female friends

Ang weird ‘no? Hindi ko alam pero…. pero parang kailangan ko s’yang…hmmm… itext?

 

 

 

Leon Chronicles. Nice title, huh?

Ang hirap lang magsulat ng mga bagay na wala namang kwenta at hindi nakakasigurong may makaka-relate dito. Pero risk taker ako. Wala akong pakialam sa nararamdaman n’yo.

Tinext ko s’ya. Agad agad. Nagreply naman. Agad agad. Hindi ko alam kung paano pero biglaan na lang. Kung hindi ko s’ya tinext, hindi s’ya magrereply. Kung hindi s’ya nagreply, walang mangyayari. Hindi naman sa susulat ako ng libro tungkol sa kanya. Ito lang. Wala akong choice dahil dito ko lang naman nailalabas ng buo at walang halong biro ang saloobin ko sa isang tao, sa isang pangyayari, at sa mga mumunting bagay na nakakaabala at nabibighani ang isang tulad kong dalaga..

 

 

Edi nagreply na nga s’ya. GTKEO (Getting To Know Each Other). Blahblah. Added him on Facebook dahil naka-private ‘yung acct. ko. TADAH! Kamukha ni Tutti Caringal. Mehehe. Apir tayo dyan, dude! Okay, so maybe he’s my 2013 potential awra. So what? Not even sure if we’ll reach that stage. We’re friends. LOL isang gabi pa lang e. HAHAHAHAHAHA! Okay I’ll post another pa-mystery kuno post next week if anything comes up. THIS IS REALLY WEIRD FOR ME TO ASSUME SOMETHING’S GONNA HAPPEN AGAD. So conyo. Hope this won’t creep you out. FWAHAHAHAHAHAHA

Advertisements