Mga kataga

Dahan-dahan ang pagyapak sa bawat hakbang. Napalakas pa ang halakhak ng muntikang madapa.. Hindi pa nga nakakalabas, tingin mo’y agad naka-abang. Mga limang segundo lang naman, ngunit bakit ang tagal? Ang mundo’y nagpaikot-ikot, bumaliktad sa ere. Kusang gumalaw ang mga pisngi, abot langit na ang ngiti. Ako ba’y inaasahang darating kaya’t nandyan ka, tanaw, isang metro ang layo? O ang isipa’y gumagawa ng ikagagalak ng puso? Nananaginip lang ba ako at patuloy na umaasa? O iisa lang ang mithiin, pareho ba tayo ng akala?

Tigilan mo na sana ang paggamit ng iyong mga mata para bumigay ang damdamin kong ito. Ibig mo bang mahulog sa’yo ng tuloy-tuloy na parang bagyo na maya-maya ang pagbugso? O nais mo lang magpahaging at di mo talaga gusto? Parang awa mo na, ikaw lang ang nais ko. Bakit di mo mapigilan ang pagsigaw ng pangalang kinamumunghian ko? Bakit di na lang ako ang itulak palapit sa’yo? Hindi mo ba alam na ikaw lang ang hanap ko? Bakit ba kasi ang manhid mo? Sasampalin ka ng tadhana balang araw, makikita mo.

Friendzoned?
Patola?
Hopia?
Wag naman sana..

Advertisements