Hindi ko na alam.

Hindi ko na alam.

HINDI KO NA ALAM!

September – October – November

DALAWANG BUWAN KO NA S’YANG GUSTO.

CRUSH.

Diba, sabi nila, pag lumagpas sa APAT na BUWAN, hindi na CRUSH ‘yun, LOVE na daw. DAW? Hindi ko sure. Hindi ko naman kasi binibilang ung buwan pag nagkaka-gusto ako sa isang tao. Ngayon lang. NGAYON LANG! Iba ang hagod n’ya sa isip ko. Pag naririnig ko s’ya, halos mamatay ako sa kilig dahil hindi ko alam kung hahampasin ko ung unan ko sa sobrang saya dahil nga kinikilig ako at isa ito sa pinaka masayang pakiramdam sa buong mundo. THE BEST FEELING IN THE WORLD!

Okay lang kung hindi n’ya ako gusto. At mas okay para sa kanya kung gusto s’ya ng gusto n’ya ngayon.. Pero isa lang naman ang hiling ko. Ang makalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya bago mag-FEBRUARY. Bakit? Kasi official na. Official ng LOVE ko s’ya. Naks! Apat na buwan na e.

Isa pa sa mga hinihiling ko ngayon ay kung tuluyan ko na s’yang mahalin at mapalapit sa kanya.. sana mahalin n’ya din ako. Pero imposible. HINDI N’YA AKO MAMAHALIN </3 Siguro talaga kailangan ko pang mag-aral. Music o Film. Kabog ‘yun! Pero baka sa sobrang dami ng gwapo sa UP, madami din magiging crush ko.. at mahahati na naman ang puso ko sa bilang ng mga lalaking magugustuhan ko. Pero sa ngayon, iisa lang naman ang mamahalin ko. Kahit anong mangyari, kahit pumangit pa s’ya, kahit hindi na s’ya tumangkad pa (TANGINA HAHA ANO BA ‘TO!), kahit na magbago man s’ya, hinding hindi ako magbabago (Hangga’t CRUSH ko s’ya), mamahalin ko pa din ng buong-buo ang kanyang pagka-tao.

LOL

LUL

Ang galing nga e. Bakit hindi n’ya pa rin alam? Bakit gghan na naman ang nangyayari? E halos kalahati ng tropa n’ya, alam na gusto ko s’ya. O baka panig lang silang lahat sa akin kaya ‘yung pinangako nilang hindi nila sasabihin e pinaninindigan nila. O baka mabait lang ako? O baka ayaw nila akong masaktan at sumulat pa ng malulungkot, nakakaiyak, at nakakasakit na mga kanta. </3 Kaya pala.. kaya siguro hindi pa n’ya alam..

O baka naman alam na n’ya at ako naman ung nagmumukhang tangang POTASSIUM (POTA na, ASSUMING pa). Ang sakit naman nun! Siguro pagkatapos nun pipilitin kong maka-move on agad. At agad-agad hahanap ng mapagbabalingan, kahit sino, kahit si Enchong Dee na lang maging crush ko, kahit CLOSET ang peg n’ya. HAHA! Basta, hirap kasi mag-move on pag alam mong mahal/crush mo pa rin ang isang tao. Kasi umaasa tayo. UMAASA AKO! Kaya kailangan ng ibang tao para matulungan kang maka-move on. At mamahalin mo din ‘yung taong ‘yun. Kaya crush, kung sawi ka man ngayon at ayaw sa’yo ng babaeng gusto mo, ako na lang.. AKO NA LANG SANA.. KUNG AKO NA LANG SANA ANG ‘YONG MINAHAL, DI KA NA MULING LULUHA PAAAAAAAAA! (Salamat sa napaka-gandang awitin, Ms. Bituin Escalante)

Psst.

CRUSH.

Ikaw na lang ang kulang, ang hanap-hanap, ikaw na sana.. At ngayo’y di na makaya, hanggang pagtulog ay hanap ka. At sana’y masabi ko. Ikaw ang kulang sa buhay kooooooo! :)

 

ANG KANTANG PARA SA CRUSH KO.  BAKIT ‘YAN ANG TITULO? IPAPALIWANAG SA MGA SUSUNOD NA BLOG ENTRY.

PINDUTIN LAMANG ITO.

Advertisements