Kahit anong pigil ko, ang sarap sarap mo lang isipin ng paulit-ulit. Di ko talaga mapigil ang mahawa sa mga ngiti mo at mawala sa sarili sa tuwing kinikilig ako pag naaalala kita. Ang sarap lang sa pakiramdam, na para bang lumulutang, at handang mahulog kahit anong oras, masalo man o hindi. Grabe ka! Ibang pagka-high ang naipaparamdam mo sa akin. Hindi man tayo ganoon ka-dikit o madalas mag-usap sa ano mang paraan, makita lang kita, mamamatay na ko sa kaligayahan. Totoo!! Hindi ka mawala sa isipan ko.. :”>

GUSTO KONG ISIGAW ANG PANGALAN MO KASO AYOKO PA KASI MASYADONG CONTROVERSIAL!!!! </3
Sana pagkagraduate natin (sabay man o hindi) hindi mo ko makakalimutan. Hinding hindi kita makakalimutan. Pangako! Ang lakas lang ng dating mo sa akin kahit hindi halata kasi nga di mo naman alam na gusto (rin) kita. Shizz, ang feelingera ko! Pero okay lang talaga kung tropa lang. Dun naman nagsisimula ang lahat. HAHAHA!
Sana maraming bagay ang gusto nating pareho, para naman hindi masyadong mahirap pag lalabas tayo (ANG FEELINGERA KO SHIT HAHAHAHA) at para sulit sa bonding ang paglabas (date) at hindi puro tanungan kung saan o ano ang gagawin, kasi minsan nakakabobo din 'yun kahit gaano man katalino ang isang tao. Itanong mo lang nga kung saan tayo kakain, baka sagutin kita ng "Kahit saan, ikaw bahala. San ba?" HAHAHA Edi wasak agad! Basta! Makasama lang kita masayang masaya na ko. Alam ko namang hindi mo sasayangin ang pagkakataon na 'yun at ang oras natin. Time is gold, sabi nila. Basta, masaya talaga ako!!

Masaya ako pag nakikita kita. Masaya din pag bigla kitang maiisip. Naiisip kita kasi wala akong ibang dapat gawin kundi ang isipin ka. Hahahaha! Susulitin ko na 'to.. Baka kasi maliit ang posibilidad na magkita tayo sa susunod na taon. Layo kasi ng bahay mo sa bahay ko.. pero kung gusto naman, may paraan. Tandaan mo 'yan. :) HAHA! Ang saya ko talaga at nagustuhan kita. Iba ka e! Wala akong pakialam kahit anong sabihin nila. Wala akong pakialam kung pintasan ka nila ng paulit-ulit. Mga P@*#!$?#! sila! :) Basta, wala akong tamang explanation, pero sigurado ako sa nararadaman kong kaligayahan sa tuwing matatanaw kita.. :D
Peksman!

Inaantok na ko. Sabi ko matutulog na ko ng maaga kaso di ka pa rin napapagod kakatakbo sa isipan ko! Che! HAHAHA!
:)

Advertisements