Ikaw.
Ikaw na may matang kasing nipis ng papel de hapon.
Ikaw na nagnakaw ng sampung tibok ng pusong ‘to.
Ikaw na sumulyap ng palihim, ngunit nahagip ko.

Ikaw.
Ikaw na nakuha pang magsungit sa pagkasabik.
Ikaw na sa ihip ng hangin ay tuluyang ririkit.
Ikaw na bahagi ng nakaraang pagkatao, nandilim ng saglit sa ikot ng ipo-ipo.

Ikaw.
Ikaw nga na tinawag ‘kong Chinito.
Ikaw nga ang hanap, mas matamis pa sa Caimito.
Ikaw nga ang kislap ng tala sa gabi.
Ikaw nga, ikaw lang, ang pinangarap na lalake.

Advertisements