August 6 (10:30am? Basta mga ganyang oras)

Monday! Ha! Nakalimutan ko na kung maaraw man o maulan. Basta, ang alam ko, nung August 5 (Sunday) ng gabi, maulan na. Kaya sabi ko sa FB

BUO NA ANG DESISYON KO! HINDI NA KO PAPASOK!

Something like that. Kaya tinupad ko ang pangako sa aking sarili. HINDI–AKO—PAPASOK! Buti talaga hindi ako pumasok. Kasi kung pumasok ako, isa din ako sa mga estudyanteng na-stranded sa aming paaralan. At take note! 6pm ung uwian namin nun, at 6pm din nagsuspend (ata?). Hindi ko na inalam *Salamat Nikko Sia sa pagpansin sa typo lololol* kung ano talaga ung totoong oras. Basta binase ko na lang sa sinabi ng kapatid ko na 2am na nakauwi. Hinintay ko s’ya kahit na medyo nilalagnat pa ko sa mga panahon na ‘yun. Wala e, mahal ko. Kahit madalas kaming nag-aaway nung bitchesa na ‘yun. EME!

So nalaman ko na nga na wala ng pasok for August 7 (Tuesday) dahil sa habagat na ‘yan (na akala ko nung una e si BAGYONG HELEN). Edi masaya ako! Kasi isa ako sa mga humiling nun. Buong gabi ata akong nakinig sa balita at sa updates lalong lalo na sa class suspension. Aba, himala ng mga himala! Ang aga nagsuspend na school ko!

August 7 (6am)

Tangama. Ang late ko na natulog, ang aga ko pang nagising. Alam n’yo kung bakit?! ANG LAKAS NG KULOG AT KIDLAT! Jusko, sakto pa naman sa panaginip ko na hinahabol ako at may bumabaril sa akin. Eme lang! Haha! Basta nagising ako at sobrang dami kong kaba nun. Mga 80712.

Edi hindi na lang ako natulog, kaya nagalmusal na lang ako ng champorado at tuyo (na da best, ika nga, sa ganitong panahon) at nag-FB at Twitter na lang. Kakaloka! Pagka-tweet ko, nagmention ung tropa ko na wala pa daw s’yang tulog at ung mga kadorm n’ya. At wala na daw silang makain! Anak ng! Sa P.Noval sila at ang taas na daw ng baha. Edi alala na naman ako. Tapos nagtext ung kaklase ko ngayong sem na lumikas na daw sila dahil tumataas na ung baha. Edi super alala na ko! Di ko kinakaya kaya itinulog ko. At humiling na sana paggising ko wala na ung ulan.

(10am)

Ginising nila ako. Tanghalian na daw. Edi gumising ako. Ewan ko ba. Sarap matulog at kumain. Edi gora na ko, maya maya nagpapalakpakan na ung mga bintana ko sa kwarto. Takbo ako sa kwarto! Tapos may nakita akong anino sa may binta pagkasarang pagkasara ko.

PUTANGINA

Akala ko multo na. Feeling ko lang pala ‘yun. May nakatambay lang pala sa may apartment na nag-cast ng shadow sa walanghiyang bintana ko sa kwarto. Eme lang ulit syempre! Naisip ko lang para hindi naman puro ka-ulanan ang pinaguusapan.

Edi gora na sa pagkain. Tapos nanunuod din kami ng balita. Nakikita ko ung mga tubig na nagkalat sa mga kalsada. BAHA for short. Tapos ang daming humihingi ng tulong. Relief goods. Bangka. Mga secretary ng bawat organisasyon na nagsasabing walang pasok. Mga ganun. Tapos may nakita akong lalaki na nakita ng lente. Tangina. Hindi ko naiwasang matawa. Ang lupit kasi ng baha, may alon, tapos tinatangay ung lalaki. Oo na, masama na ko. Pero nakakatawa talaga. Atleast buhay s’ya. Napaglaruan nga lang ng baha.

Napag-isip isip ko.. tao din naman ang may kasalanan kaya may baha. Lalo na ang gobyerno (peace be with you all mga ser) kasi dapat nakigaya na tayo sa mga pipes sa states! Ung kasing laki ng tao! I mean, ung nalalakaran ng tao!!! Para naman hindi magbaha ng ganito. Ung hindi tag-tipid. Kakaloka naman kasi, maliit na nga ung mga kanal, tinatambakan pa ng mga basura. Anak ng pucha! Nakakaloka talaga!

Moving on…

Sinamahan ko na lang maglaro si Miggy ng Fatal Frame III, edi naloka din ako sa takot at kaba. Mas dumami ung kaba ko sa ang lakas ng hangin, patay ung ilaw, ang ingay ng ulan, habang pumapatay si Miggy ng mga multo sa tv gamit ang camera. Nakakaloka talaga. Nagmumurahan pa kami kasi ang tanga n’ya. Di n’ya mapatay ung mga multo. Hahahaha!

Ayun, may katext ako nung mga after lunch. Ang tataas ng daw ng tubig baha sa kanila. Wala ng mabilan ng pagkain. Madaming na-stranded. Sabi ko..

Jusko, end of the world na ba? ‘Wag muna sana. Di ko pa naaamin na crush ko s’ya.

Humahabagat na nga, umaaura pa din e ‘no?! HAHA EME LANG DIN ‘YUN SYEMPRE!

Edi di ko na kinakaya ung mga pinagtetext sa akin kaya tulog ulit ako.

(4pm)

Naloka ako dahil uber na ung tubig sa terrace namin. Naloka ako dahil ung nilaban kong maong noong Lunes e basa pa din hanggang ngayon. Kakaloka! Edi naligo ako. Napasigaw ako sa sobrang lamig ng tubig. Edi gora ako sa labas para magpainit ng tubig. Hintay hintay habang nanunuod ng balita. Tapos naligo ako agad pagkasigaw ng takore. Nagbantay ako ng tindahan namin dahil sinabi ni mudrakels na madaming bumibili kasi nga kami lang ung bukas na tindahan.

Eto na ung tulong natin sa mga tao. Pagnagsara tayo ngayon, saan sila bibili ng kailangan nila?

Wow ha. Naloka ako sa speech ni mudra. Edi nagmove on na lang ako at nagbantay. Dami ngang bumibili. At halos lahat ng perang ipinangbabayad e basa. Okay na ung basa sa ulan kaysa naman basa ung pera dahil inipit sa shorts na pambasketball at nabasa ng pawis na may kasamang lupa.

Nagsara ako ng mga 11pm dahil nga wala na ding bumibili at gusto ko ng matulog dahil masakit na din ung mga binti ko dahil nga ang daming bumili at hindi ako masyadong nakakaupo. Ung maaga aga pala ang daming updates sa Twitter. Nakakaloka.

Ung generator sa UST Hospital malapit na madeds. At nadeds nga pero narevive naman agad. Madaming hindi makakain dahil hindi makasugod sa baha. Madaming stranded. At take note, madaming buntis na nastuck sa kani-kanilang mga tahanan. Nakakaloka naman talaga oo! Tapos ung mga nasa bus pa ng 4am na hindi pa din nakakaalis doon. Ung taas ng baha sa Q.Ave, ung mga lumalangoy na tao na nagti-tweet. Kakaloka! Tapos brown out na daw sa ibang lugar. Hindi ko kinakaya.

ETO ANG THE BEST NA NABASA KO SA FACEBOOK!!!!

Genesis 8:7-12 —– NOAH’S ARK!

AT KAYA DAW MAY GANITONG PANGYAYARI DAHIL GALIT DAW SI GOD SA RH BILL! NAKAKALOKA TALAGA ANG MGA TAO NGAYON! PATI BA NAMAN SI GOD DAMAY! E DIBA GOD IS GOOD ALL THE TIME?! HINDI KO TALAGA KINAKAYA! AT KUNG MAUULIT MAN ANG BAHA, 40 DAYS UN MGA TE! DI TAYO AABOT DUN! ILANG ARAW PA LANG NGA NG PAG-ULAN E BAHA NA. PAANO PA PAGLAMPAS NG ISANG BUWAN!??! KAKALOKA KAYO MGA TE!

At natulog na ako…

August 8 (10am)

YEHEY WALA NG ULAN!

Salamat sa Panginoon at ligtas ang lahat ng aking nakilala sa buong buhay ko. Friends, relatives, ka-barangay, ka-kosa, ah basta, lahat ng kakilala ko at malapit sa puso ko. At sana makauwi na ung mga na-stranded na estudyante sa kani-kanilang mga paaralan. Remember, God loves you!

At habang tina-type ko ito. Ayan, bumuhos na naman ang ulan. Sana sa susunod, handa na ang gobyerno sa ganitong pangyayari. Sana magbigay aral ang nangyari sa nakararami. Mag-stock na sana sila ng mga pagkain upang walang magugutom sa pagbuhos ng ulan at pagtaas ng tubig baha. Sana ay nakahanda na ang mga kakailanganin sa pagkawala ng kuryente at sa paglikas sa kani-kanilang mga tahanan. Huwag sanang magdalawang isip sa pagtulong sa mga naapektuhan.

Kaya siguro nangyari ito ay gustong iparating ng Panginoon na sa ganitong pagkakataon, lahat ng tao ay pantay-pantay. Na walang pinipili ang tubig baha kung sino ang sasalantahin nito.

OMG. Pwede bang magvolunteer tayo? O kahit magdonate kahit rebisco?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Hala. Ang feelingera much ko. Lakas ko makasermon. Haha! Ingat tayong lahat mga kaibigan! Wag n’yo akong isipin! Hindi kami inabot ng baha. Salamat sa Diyos. Ligtas kami ng pamilya ko. Sana kayo din :) Miss ko na kayo!! IS-TOR-YA! IS-TOR-YA!!!!

 

 

 

*EME – Joke/Biro

*Kakaloka – Nakakabaliw (Sikat na expression ‘yan ngayon. Niche for short. Hahahaha!

Advertisements