Ikaw lang..
Ikaw lang..
Sa gabing may lumbay
Sa paglaro ng mga ulap
Sa pagbuhos ng ulan
Sa pagbyahe pauwi
Sa pagpasok sa eskwela
Sa pagsigaw ng orasan
Sa pagluha sa unan
Sa pagkain sa hapunan
Sa pagbangon sa kama
Sa paghawi ng kurtina
Sa paglakad ng paggewang
Sa pagtikim ng alak
Sa pagtitig sa kawalan
Sa pagsilip sa araw
Sa pagawit sa kalsada
Sa pagpara sa Morayta
Sa pagaaral ng siyensya
Sa pagsepilyo sa umaga
Sa pagiisip ng problema
Sa pagiipon ng pera
Sa pagpikit sa alikabok
Sa pagsipol ng tunog
Sa paglagay ng pulbo
Sa pagalala sa kahapon

Ikaw lang..
Ikaw lang..
Mapait
Masaya
Masakit
Maligaya
Masaya..
Masaya..
Sana..

Ikaw ang lunas
Ikaw ang ligaya..

Advertisements