Sa kabila ng lahat ng sakit at nakaraan, sa hirap ng pinagdaanan, ng pag-ibig na pinaghirapan.. susuko ka lang din pala.

Sa mahigit isang taong pagmamahal na pinausbong sa isipan, sa sumunod na kabanata’y iba na ang bumida. Nailibing na ang dati’y hanap ng dila. Nasindihan na ang mitsa kaya’t ngayo’y abo na. Kumaway ng buong puso sa alon ng ligaya.

Ang pisnging kabisado ng palad, ng nadaluyan ng luha, isinama ang marka na palatandaan. Ikinulong ng mga daliri upang di na mahawakan ang kamay mo. Ang walang humpay na tawanan ay napatigil ng bagyo. Idinilig sa lupa ang mga alaala mo.

Sa mga araw na bigo sa pagsilay sa mukha, ang larawan ay laspag sa kakatitig ng dukha. Sa pagkain ng manok ay nagkasakit, kumain ng gulay kahit na mapait. Sabi nga ni ina ay limutin ka na. Hindi na kailangan, ako ay umay na.

Advertisements