Ang sakit. Sobrang sakit..

Akala ko wala na e. Akala ko okay lang ako. Ako ko kaya ko.. Pero hindi pala. Kakakilala ko lang kay *N. Perfect. Pero mas mahirap magtiwala ulit pag nagpatuloy ang hulog ko. Grabe.. Akala ko pa naman okay na ako kay *F. Akala ko kaya ko na na wala na s’ya.

“So what? Hindi ko na s’ya mahal.. Ni hindi nga n’ya ako matext e. Edi ibig sabihin hindi n’ya ako naiisip.. Imposible namang wala s’yang load palagi. Hindi n’ya naman ako minahal kahit minsan.. Hindi ko naman naramdaman.. Kung mahal n’ya naman ako hindi n’ya kailangan lumayo.. At kung lalayo man s’ya, sasabihin n’ya.. E ginagago n’ya naman ako e. Ilang beses na ba n’ya ako iniwan? Tapos bigla bigla na lang s’yang susulpot pag gusto n’ya ulit ng kalandian.. Ganyan naman s’ya. Kaya hindi ko na lang din pinapansin. Hinahayaan ko na lang na mahulog ulit sa ibig. Ano ba nga bang magagawa ko? E mukha namang nag-eenjoy s’ya sa iba. Sa ibang babae.. Siguro hindi naman talaga ako. Napilitan lang. Pampalipas oras kumbaga..”

 

Hindi ko alam sa dinami-daming tao na madadalaw ko ang profile page sa Facebook, ‘yung sa kanya pa ung nabisita ko. Pambihira. Hindi ko naman ginusto pero kusang gumalaw ang kamay ko. At nagtype ng pangalan n’ya.

Bingo! Pagod na nga talaga s’ya na paulit-ulit na bumalik sa akin. Pero kung babalik s’ya.. May babalikan pa nga ba?

Basta, ayoko na. Kahit anong miss ko sa kanya ngayon. Kahit na sobrang sakit na makita s’ya. At malaman na kalbo na pala s’ya. At nag-eenjoy s’ya sa buhay n’ya ngayon na wala ako. Na walang AKO… hahayaan ko na lang s’ya na kalimutan ang lahat at baguhin ang ikot ng mundo ko.

 

 

Sabi nga nila, hindi naman s’ya kawalan. Oo, alam ko. Malapit na ako dun. Malapit na. Sana hindi na mabago bago pa man mangyari ‘yun. :) Isa lang naman kasi ung hinihiling ko, at sa sobrang tagal matupad ay hindi na nabago. Na maging sigurado sana ako sa mga desisyon at gusto ko sa buhay.. At sana maging matalino pa pagdating sa pag-ibig.. Sana.

 

 

 

 

Sa ibang tao naman ako magpapaloko, hindi ko na kaya na mahulog ulit sa patibong mo..

Advertisements