Mga kataga

Bakit kaya ang hirap hirap?
Kahit na alam kong gusto ko na, hindi ko makayang limutin ka. Hindi ko maiwasang isipin ka sa mga oras na hindi naman dapat at sa tuwing kailangan ko ng pahinga sa buong araw na trabaho.. Oo, hindi na nga tayo naguusap.. ni pag-poke nga sa Facebook ay hindi na natin ginagawa.. at alam kong dapat ay makayanan ko ng lumimot dahil wala na tayong komunikasyon, na noong nangyari naman dati ay na isang tabi ko ang lahat ng pagmamahal sa’yo at hindi ka na hinanap-hanap.. pero iba na ngayon. Sa lalo mong paglayo, mas lalo kitang minamahal. Mas lalo kitang iniisip.. mas lalo kitang hinahanap. Nasanay ng kahit anong gawin kong pilit na mahulog sa iba, inaagaw mo agad ako bago pa man nila ako masalo.. Ngunit sa ngayong walang hanggang paghulog ko sa’yo, hindi mo man lang ako masalo.. akala ko mahal mo ako.

Sa isang iglap, hindi na ulit kita kilala.. Kaya nga hirap ako dati nung bumalik ka.. Ilang beses ka na bang umalis? Ilang beses na ba kita tinanggap? Ilang beses na ba akong umiyak? Ilang beses ko na bang sinasabi ‘to? Buong buhay ba tayong ganito? Eto ba ang gusto mo… akala ko ba, hindi na mauulit ‘to?

Sinabi ko sa’yong sa habang buhay ay ikaw. Sinabi ko sa’yong hinding hindi ako bibitaw.. naniwala ka kaya noon? Hindi mo ba ako naiisip ngayon? Bakit mo ko pinigilang mahalin ang iba? Dahil ba mahal mo kong talaga? O natakot kang maagawan ng iba? Sana pala hindi na lang ako nakinig.. hindi na sana naniwalang maghintay lang at magtiis.. isa lang naman ang hiling ko.. na sana ay hindi ka nagbago.. pero ano pa ba ang magagawa ko? Hindi ko na kaya ‘to..

Sa halos lahat ng pangarap ko, kasama ka.. Kahit nga sa pag-iwan sa bansang ‘to, hindi kita kinalimutan.. alam ko kasing hindi ko kaya pag hindi kita makakasama.. at kahit na gusto ko sa probinsya, doon na lang sa lugar kung saan ka sasaya.. Sa mga importanteng araw sa buhay ko, isinasama kita.. pero ni minsan hindi ka nakapunta. Pero di naman kita inaaway, diba? Sa pagpapatayo ko ng bahay sa hinaharap, kasama kita.. pati na sa pagbuo ng pamilya. Pati sa pagpili ko ng magiging trabaho.. dapat tahimik at pribado, para sa’yo.. Sabi ko sa’yo gusto kong ikasal.. kahit hindi magarbo, kahit hindi sa simbahan.. kahit saan at kahit sa anong paraan…. Pero malabo na sa ngayon, ikaw kasi ang gusto kong pakasalan.

Oo nga’t matatapos din ‘to, at malilimutan din kita.. pero ngayon ay di ko pa kaya. Alam kong nakaya ko noon at nasabi na sa iba.. nasabi kong di ko kaya, pero ang puso’y mapapamahal ulit at magmamahal ng iba. Siguro nga’y isa ka lang sa mga taong dumaan lang at tumambay ng matagal.. napagkamalang ikaw na ang matagal na hinihintay. Kung babalik ka man ulit, at huli na ang lahat.. patawarin mo sana ako. Sa mga oras na ‘yon, hindi na sa’yo umiikot ang mundo ko..

Alam kong hindi ako, hinding hindi, kailanman. Kung magbabago man ito, hindi ka na minamahal..

Advertisements