Sorry kung mas nauna ‘to sa part three. Kaso hindi ko lang talaga mapigilan e.

Ang dami lang nangyari ngayong araw na ‘to. 15 hours akong natulog kasi mga 7:30pm ako natulog kahapon. Tapos ayun, nagising ako ng 6am para batiin ung kapatid ko kasi birthday n’ya. Mga 12nn ako gumising, tas natulog ulit after ng lunch. Mga 3 na ko gumising ulit. Naligo kasi pinagbabantay na ko ni ina sa tindahan kasi nga mamimili sya ng ipanghahanda.

So nagbabantay na ko. Nakakairita lahat ng bumibili. As in super nakakairita kasi kung hindi tanga, ang bobobo. No offense kung bumibili ka samin, pero nakakainis talaga e. Lalo na sa pagsulat ng number sa notebook ng load. PUTANGINA! Ano ba, susundan na lang kung san isusulat ung number mo at ung amount, tapos kung saan-saan pa sumusulat. Minsan sobrang liit hanggang sa hindi ko na mabasa, tapos minsan sa sobrang laki lumalampas na. ANO BA?!

Tapos ayun, dinner, ang daming satsat ng nanay ko. Nakakainis talaga! Edi natadtad din sya ng mga sagot ko. Nakakairita talaga. Tapos medyo awkward lang yung dating sa akin ng mga nangyayari sa friends ko. Kahit na masaya ako para sa kanila.. ang awkward lang talaga. Ewan ko ba, putangina lang.

Tapos ung bago kong download na game na Flying Penguin Race, NAKAKAIRITA LANG. Pero kahit na ganun nilaro pa rin pero hindi pa rin ako manalonalo. Kinakain pa rin ako ng putanginang polar bear na yan.

 

TAPOS ETO ANG BEST PART.

Edi nakaonline ako ngayon sa facebook, kinausap ako ni ***** sa chat. Tapos tetris daw. Tapos di ako pumayag tapos may sad face. Edi pumayag na ko kahit na sobrang bagal ng net ko at sobra galing na nya na 100% matatalo ako at mauubusan ng stars. Tapos ayun.. ewan ko, finorfeit. Edi wala, hindi ko nalang kinausap. Kaya ang dami daming pumapasok sa isip ko. Ayaw ko na lang patulan mga iniisip ko. Basta sobrang inis ako ngayon. At hindi nya yun alam. At hindi nyo yun alam!!!!!! Gusto ko lang ibato lahat ng makita ko at suntuin tong monitor sa harap ko at baliin tong keyboard.. AAAAAARRRGHHHHH! Napakawalang kwenta! Wala man lang magpawala ng putangina pagkainis at stress at galit na to! GRABE LANG!!! ANG INIT PA!!!!

 

 

 

 

K.

Advertisements