Nagising ako, 3am, sa di ko malaman na dahilan. Di ko mapigilang mag-isip ng mga horror na palabas at mga nakakatakot. Tangina, salamat at napigilan ko.

Naisip ko sya. Kung nasaan sya ngayon, kung gising pa ba sya, kung ayos lang ba sya, kung pareho lang kaming nagising at iniisip ang isa’t isa..
.
.
.
Nalungkot ako.
Binabasa pa kaya nya ‘tong blog na ‘to?
Hindi ko naman na kasi nauupdate ‘to masyado kasi busy nga saka hindi na kami naguusap at nagkikita. Kaya ayun, mas lalo akong nalungkot.

Nagback read ako ng mga text nya at mga tinext ko sa kanya. Tangina. Ang OA ko pala.. Sana hindi ko na lang naisip ung “paawa” strategy. Tangina talaga. Para akong hayok na hayok sa pag-ibig. Tangina talaga..

Naisip ko, paano kaya kung masungit ako at hindi nagpapaapekto sa mga ganun? Paniguradong di kami nagkaron ng “special connection” ng walangya na yun. Hindi ko sya magugustuhan at di ko sya lalaanan ng oras. Hmp, tangina lang talaga. Bakit kailangang ganito.

Kanina namimiss ko sya. Ngayon hindi na.. Putangina lang talaga. Kailangan ko ng makalimot kasi bagong taon na nga. Malay nyo ngayong taon na ko maligawan ng lalakeng para sa akin. Hahaha!

Btw, HAPPY NEW YEAR FOLKS! ;)

Advertisements