Tengene, after 3 years nagkita ulit kami ni Aostin (highschool friend/classmate) kasama si Keeh (another HS mate). Nagbakasyon dito, galing Cebu, dun na sya nag-aaral e.

Sobrang saya lang as in!

Nagkita kami ni Keeh ng mga 1:30pm. Ang usapan 1pm pero mga 2pm na umalis ng bahay si Aostin. Haha! So kain muna kami ni Keeh sa Peri-Peri sa may Annex.

Classic D ata pinili namin? Putangina. Malapit na namin ikinamatay yung order na yun. Ang bigat lang e. Hahaha! Para kaming bibitayin sa dami ng naorder namin. :)) At take note, wala pa kong bfast at lunch nun. Pero lunod talaga ako sa chibog. Unli soup & beverage pa. Lintik na yan. Haha!

So dumating na si Aostin at hindi pa rin ubos ung kinakain namin. Pero pinilit talaga naming ubusin. Hahaha!

Padi’s Point.

Wala, di kami dumiretso kasi tirik pa ung araw at mainit talaga.

Kaya go kami sa Churrasco. *tama ba spelling? :)) Ung sa gilid ng La Mesa Grille.

Isang bucket ng TI

Isang bucket ng SML

Inom inom din.

After 3 hours umiinom pa din.

Tamang kwentuhan lang talaga.

Kung sino na nabuntis, ung may anak na, ung di na nag-aaral, mga crush, mga nakaaway. Haha! HS memories at mga updates sa isa’t isa.

Chill lang. Hindi ung iinom para gumulong sa kalsada. Ung pampahagod lang sa lalamunan sa isang masarap na kwentuhan.

Tapos maya-maya dumating ung kababata ni Aostin. Nakalimutan ko na ung pangalan.. O baka siguro hindi ko lang talaga narinig? :))

Ang pagkakaintindi ko Jay ung pangalan? O Jade? Ah basta, lalake sya. Hahaha!

That awkward moment when you are left with the person whom you barely know.

Things to do:

– Get your bag

– Get your fone

– Act as if someone just texted you and you have to reply and wait til the person speaks to you.

– If you didn’t bring your bag or fone with you, JUST FUCKING STARE AT THE SPACE INFRONT OF YOUUUU.

HAHAHAHA!

Kinausap naman nya ko.

J: Sa Lanting ka din ba nag-aaral?

A: Ah, hindi. Sa FEU.

J: Akala ko dun ka din e.

A: Hindi, naghiwalay na kaming magkakaklase after graduation. :)

*tapos biglang dumating na ulit si Aostin kasi nag-CR e.

FTW! Saved! Tapos ang awkward moment. Hahahahahaha!

Soooo, umorder pa kami ng iaang bucket ng SML. Tapos isang Farmhouse Sisig.

*Ang Farmhouse Sisig ay merong pork, beef, horse, grasshopper legs, wool, sheep, grass, hay, duck, goose at brazillian spices. Lahat galing Farmhouse. Hahahaha! Jk

Pagdating ng order namin, walangya, puro bellpepper, chili, at sibuyas. Halos ganun ung natikman ko. Hahaha!

Nagkaayaan ng umuwi ng 8pm at saka pinapauwi na din ako ni Mudrabels. Haha!

May natira pang 2 bottles. Tapos may isang baso pa si Aostin saka di ko pa ubos yung sa akin.. E ayaw ko na talaga. Pero may dare. Hahaha di naman sa dare, parang nagkasubukan lang. Bottoms up daw e. Hahahaha so pumayag naman ako. Para lang di masayang.

Edi ayun, hahahaha muntik na kong masuka. Walangya yan, humarang kasi ung yelo hahahaha!

Too much for that.

So umuwi na kami ni Aostin at Jay/Jade/Whateverhisnameis pero si Keeh, pumunta pa ng MOA para sa Rakrakan Series. :))

Sana may kababata din ako katulad ni Aostin. Para naman may kasabay akong umuwi. O kaya kahit boyfriend man lang. Lol.

The End.

*Sorry pala kay Nads at Aubs dahil di ako nakasunod sa Timog kasi hilo na ko nung mga oras na yun. Hahaha! Sorrry!! Next time pag nagkita ulit kayo ni Regine beybeh.

Advertisements