November 15, 2011

4:30pm

Patakbong nagtungo sa Gate 4. Hindi pinansin ang hagupit ng hangin at ang mga butil ng ulan na dumidilig sa lupang kanina pa nauuhaw. Nakapayong nga ngunit nababasa pa din. Hawak ang teleponong maghahatid ng mensahe sa taong iniibig.

“Papunta na ako.. Asan ka na?”

Nagtanong man ngunit di na nagatubiling maghintay ng
kasagutan.

Tumigil saglit ng makitang papatawid ang iniirog mula sa kabilang kalsada. Marahan ang lakad nito. Walang ni anumang bagay ang sumasalag sa mga iyak ng ulap.

“Bakit walang kang payong?”

At sa sobrang ganda ng musikang kanina pa bumabalot sa buong paligid simula ng magkita sila ay hindi na nya narinig ang tugon nito.

Matapos ang matagal na paghihintay ay nakasakay na din sila. Matagal nga lang ang biyahe dahil sa mga kotseng naguumpukan na tila uhaw na uhaw sa kalsadang hiram at kailan ma’y di napasakanila.

Ngiti lang din ang naisukli ko sa kanyang mga tingin natila nagsasabing ako ay sa kanya lamang, at sya ay sa akin..

Patuloy ng nagdilim ang langit. Kasabay pa din ang tubig na nagpapasilong sa mga motorista sa mga tulay na ipinagawa para sa bentahan ng kung anu-ano.

6:00pm

Nakarating din ng matiwasay sa lugar na tambayan ng mga tulad ko. Kung saan punong puno ng mga palamuti at mga bagay na hindi libre maliban sa lamig na pampatuyo ng kili-kili.

Naghanap kami ng makakainan. At sa paghahanap namin nun, isa lang ang tumatakbo sa isip ko..

“Hanggang ngayon ba’y mahal nya pa rin ako?”

Nagmistulang isang musmos na nanlilimos ng pag-ibig ang kinalalabasan ko. Nakakaawa.

Lumipas ang isang oras at binusog kami ng pagkaing inihain sa amin. Salamat sa Diyos at winakasan na ang kalam ng sikmura.
Puso na lamang ang matagal ng naghahanap ng kasiyahan.

Oo nga’t kasama ang pinaka iirog.. Ngunit walang kasiguraduhan ang pag-ibig na ito.. Lalo na’t sya ung tipong torpe, manhid, at pakipot.

7:00pm

Magkahawak kamay kaming sumubaybay sa pelikulang kaharap. Matagal tagal na rin bago naulit ang lahat. Di ko nga maintindihan kung bakit kailanma’y hindi naging tama. Pag-ibig ko ba’y sobra sobra o di sapat?

Pinagmasdan ko ang mga labi nya. Naghahamon na gantihan ko din sya. Gusto ko man ngunit di ko magawa ng tama..

9:00pm

Sa wakas ay tapos na ang palabas.
Anong oras na?
Madali kaming nagtungo sa sakayan. Mahaba ang pila.
Nagkahiwalay pa kami ng pwesto dahil sa una akong bababa. Plano ko pa naman sana syang yakapin bago bumaba. Sa susunod na lang siguro, babawi na lang ako..

WAKAS

*Hahahahahahaha natatawa ako sa kwento ko. Parang may sapi. :)))))))

Advertisements