Hindi ko alam kung paano sisimulan ‘to.. pero eto na.

 

Hindi ko pansin na mag-iisang buwan na pala tayong walang pag-uusap noong hindi kita naiisip.. Noong mga panahon na akala ko ay limot na kita. Hindi ko alam pero bigla bigla na lang na hindi na kita mahal. ‘Yun kasi ung naramdaman ko noong mga panahon na iyon.. na wala naman na e. Wala ka naman na.. wala ng pag-asa. Wala na tayong pag-asa.

Sa mga oras na ‘to.. sa araw na ‘to.. saka ko lang ulit naisip na hindi pala. Na hindi pa pala tapos. Na hindi ko pala kaya.. Hindi ko pala kayang wala ka.

Akala ko may mas okay pa sayo.. kung meron man.. nasaan sya? Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sya nakikilala..

Sana sa araw na ito, hindi ka na ulit mawawala.. sana hindi ka na tamarin sa akin.. :(

Mahal na mahal kita. Hindi ko alam kung hindi mo pa alam.. Alam kong hindi ako showy.. na hindi din ako maboka sa nararamdaman ko para sayo.. pero pinaparamdam ko naman. Hindi mo ba ramdam?

Ikaw lang naman.. sayo lang naman talaga ‘tong pag-ibig ko. Nangako ako diba? Narinig mo naman siguro ‘yun… Ikaw pa nga nagsabi na sayo lang ako.. na akin ka lang.. :( Nangako ka diba? Diba? Hindi ba?..

Sa bawat magkasintahan na nakikita ko.. naaalala kita. Naiisip ko na sana tayo na lang sila.. na sana naging ganoon din tayo noon.. bago pa man tayo naging malabo. Bago ka pa umiwas.. bago pa lahat ng dahilan kaya ako nagkakaganito.. bago ko maisip ulit na mahal kita. Na mahal pala kita. At minamahal pa din.. Bago pa ‘to. Bago pa man ako pumayag na magpaligaw ulit sa iba..

Diba tinext kita.. sabi ko na sana ikaw na lang ung kasama ko ngayon.. diba? Alam kong unfair. Pero anong magagawa ko? Hindi ka nila katulad.. hindi. Kahit kailan hindi mangyayari ‘yun. Sana posibleng mangyari ‘yung parang sa mga palabas sa sinehan.. na bigla na lang dadating ung magliligtas sayo sa isang pangyayari/bagay/tao na hindi mo gusto.. Pero wala. Sa sobrang boring ng buhay ko, imposibleng mangyari ang ninanais ko..

Iniisip kita. Pinipilit ko na hindi ka karapat dapat sa akin.. pero sinasabi ng puso ko na hindi. Na mahal talaga kita. Na kahit anong mangyari.. ikaw lang talaga. Na hindi ko kaya.. na sa bawat pagkakataon na nakukumbinsi ako ng sarili ko.. naiiyak ako. Nalulungkot. Na baka nababaliw lang ako. Nahihibang. Wala.. hindi ko alam.

Mahal na mahal kita. Walang pumilit sa akin. Walang kumumbinsi sa akin. Walang nagsabi na bawal kang mahalin. Wala. Walang nagbrief sa akin na ganito pala ang pwedeng mangyari. Tangina kasi. Bakit ang manhid mo? Bakit hindi ka din showy? Bakit hindi na lang ako? Seryoso ako sayo.. seryosong seryoso mahal ko.. :(

 

Sinabihan mo ako dati ng I love you.

Natakot akong sumagot ng I love you, too dahil baka joke mo lang ‘yun :( Sayang.. alam kong nagpasalamat ako sayo nun.. sorry naman kung Thank you lang ang natanggap mo. Natakot lang ako..

 

Kanina pinanuod kami ng prof. namin sa Drama class ng isang film. Mona Lisa Smile. Tangina, ikaw lang ‘yung naiisip ko. Shit lang. Sana tayo na nga hanggang huli..

Naiisip ko na sana ikaw ung una kong mayayakap.. at unang yayakap sa akin na lalake.. Ang dami kong pangarap. Ang dami kong gustong gawin ng kasama ka.

Gwapo ka (kahit hindi naman talaga. LOLJK) pero hindi dahil dun kaya mahal kita. Madaming rason. Sa sobrang dami talaga hindi ko na masabi. Promise! Ikaw lang naman talaga.

Alam mo, kung hindi dahil sayo, wala namang ganito e. Wala namang mabubuong blog na ganito. Hindi ko din naman gagawin ‘to sa ibang lalake. HELL NO! Sayo lang.. ikaw lang naman talaga ung pinaka malupit kong inspirasyon e.

 

 

 

tangina frank.. hindi ko alam kung bakit kailangan maging ganito.. kung bakit ganito ka na sa akin. ano bang nagawa kong mali? ano bang mali sa akin? tanginaaaa! bakit ang galing galing mong manakit? hindi ko alam.. ang sakit sakit lang dahil kahit anong taas ng grades ko ngayong sem, parang napaka bobo ko parin dahil hindi kita maintindihan at hindi ko maisip ung dahilan kung bakit wala na.. kung bakit ayaw mo na. pwede mo namang sabihin diba? okay lang. mas matatauhan ako sa ganun.. hindi ung ibinibitin mo ako sa hangin.. wag naman ganito :( oo mahal kita.. at tatanggapin kita pag bumalik ka ulit.. at pag nagsorry ka.. pero hindi habang buhay na ganun :( mahal na mahal kita.. at sa ngayon, ipinapangako ko na hindi ako magsasawa sayo.. pero wag mo akong sisisihin pag wala na ‘tong sapi ko. mahal na mahal kita.. mahal na mahal :( sana nga matauhan na ako.. sana may sumagip na sa akin..

 

 

 

sana binabasa mo ‘to. sana nagbabasa ka pa rin ng blog ko.. sana malaman mo lahat ng sakit na nararamdaman ko.. sana maisip mo din na mahal mo pala ako.. sana pag natauhan na ako.. magsisi ka sa lahat ng nagawa mo. pero tangina this! hindi kita isusuko gago ka! :| hinding hindi!

 

 

 

 

ARGH! Gulong gulo na ako. Basta.. pag nabasa mo na ‘to, itext mo na lang ako :)

 

 

Martir na kung martir.. putangina kaysa naman makipagdate sa taong hindi naman ako sasaya o sa hindi ko mahal.

Advertisements