Ang saya ko lang dahil naka-move on din ako sa Frank na yan. Ayoko ng balikan ung kung anong meron kami. He’s not worth the wait. Ganun na lang palagi, nangiiwan ng walang dahilan.

*Poof. Goodbye, Angelica.

Wala man lang pasabi. Kaya wala na din. Wala na din akong masabi.

Hindi ko alam pero pagkatapos nun, wala na akong interes sa pag-ibig na yan.

TOTOO. HINDI AKO NAGBIBIRO.

Wala ng spark.

Totoo pala ‘yun.. pag alam na ng sistema mo na sobra na.. na tama na.. magmamanhid na lang bigla. Wala ka na lang mararamdaman pagkatapos. Parang chill na lang. Wala e. Wala na.

Nakikita ko ngayon ang sarili ko na hindi iniisip ung taong alam kong minahal/mahal? ko. Oo, madalas ko syang makita. Sa sakayan (sa terminal ng fx), sa hepa lane.. pero likod lang nya nakikita ko kasi kadalasan namang nakalampas na sya.

Naalala ko nung kami nila Grace at Manel ung magkasabay umuwi, tapos dun kami kay Kuya Turo..

Nagbibilang kasi kami ng pera, ng pamasahe namin. Tapos biglang..

Grace: Si Frank oh!

Tapos ako naman…

Loading.. loading…

Shit. Sino daw?

O edi lingon naman ako. Tapos ung bag na lang nanaman ung nakita ko. Ung likod nya lang. Haha! Ang cute lang. Putangina. Ung taong akala mong mamahalin mo habang buhay at ung akala mong mamahalin ka din habang buhay e dinadaan daanan ka na lang. At hindi na nagpaparamdam sayo. Kaya hindi mo na lang din sya iniisip. At hindi ka na lang din nagpaparamdam. Kaya nakakamove on kayo sa kahibangan na meron kayo. Haha!

Akalain mo ‘yun.. parang magic lang e.

Oo, merong lalakeng nagpaparamdan sa akin ngayon. Ewan ko lang ha.. pero halata e. Haha! Pero hindi ko gusto. Parang wala talaga e. Walang kung ano. Wala akong balak magisip at pangunahan ang mga mangyayari pa lang. Basta, chill lang. Bahala sya kung manligaw man sya. Basta ako, masaya ngayon. Neutral. Steady lang.

Hindi ko talaga ma-feel. O baka eto na ung stage sa buhay ko na hindi ako inlove. Ang saya pala ng ganito. Sana palagi na lang ganito. Kasi pag palaging ganito.. madami akong natitira para sa sarili ko.

Hindi na ako umaasang babalik pa yang Frank na yan. Saka, kung bumalik man sya, may babalikan pa kaya sya? Siguro naman e may stable na karelasyon na ako. Tsk.

Pero feeling ko umaasa pa rin ako. Tangina kasi..

Sabi ni Manel..

“baka hindi pa talaga kayo ngayon kasi nga college pa.. baka pagkagraduate nyo pareho saka magiging kayo..”

Ayun oh. Pero ewan. Ayoko na lang din siguro. Kung mahal nya ako.. hindi mangyayari sa amin ang ganito. Hindi sya lalayo. At hinding hindi nya ako iiwan sa ere..

 

Soooo… ano namang konek ng title sa nilalaman nito?

HER:

OUT OF SIGHT…

OUT OF MIND..

Why did you leave me behind?

HIM:

OUT OF SIGHT..

OUT OF MIND..

I guess you’re really not my type..

Advertisements