SEPTEMBER 14, 2011

Ang aga ko lang gumising ngayon. Kahit mga 3am na ako natulog, naachieve ko pa rin ang paggising sa tamang oras.

5:11am –

Kumain muna ako. Shit lang. Favorite ko kasi ung ulam e. FRIED CHICKEN. Nomnom! Hahaha! Pagkatapos, syempre, naligo na agad ako. Wala ng segue segue. Tapos nagtoothbrush. Tapos nagbihis, at nagsuklay. Inaayos ang sarili. Nagmadali ng onte kasi feel ko na baka hindi ko maabutan si CRUSH (Si kapitbahay na taga UE HAHAHAHA!)

So tama nga ang hinala ko. Hindi ko nakasabay si Crush. Hmp. Okay lang. Madali ever ako kasi nga exam sa Cinema class ko. Mahirap ng maabsenan. LOL!

SAKTO! May bus agad sa hi-way pagbaba ko sa trike. Shit lang. Sakay ako agad. Takbo.

Ang ganda lang ng pwesto ko sa bus. Tapos nilabas ko na ung reviewer ko. Nilabas ang highlighter at gumuhit ng mga linya sa mga importanteng salita sa hand-outs ko. Keri. Hindi naman nayayanig ung kamay ko kasi hindi naman baliw ung driver ng bus.

Aba. Si Miss Shamcey Supsup pa rin ang nasa balita. Elibs talaga. Galing galing lang nya! Hahaha!

Nagbayad na agad ako sa conductor. 100php binayad ko. Binigyan ako ng ticket pero wala pang sukli kasi nga puro 100php ung pera. Sooooo mahaba haba ang byahe.

Habang nasa byahe, nakapasak ung headset ko sa aking mga tenga. naka-shuffle ung ipod ko para kunwari hindi ko alam ung susunod na kanta. Haha! Tapos ayun, ang dami kong naisip.. nung mga nangyari kagabi.. basta. Ewan ko! Nagtext pa kasi si Gab. Bwakananginang yaaaan!

“Kmusta?” – 1:03am ang text na yan.

Hindi ko alam ung number. Hindi kasi naka-save e. Soooo ayun. Sinakyan ko na lang.

“Okay lang naman ako.”

“Mbuti naman. Ingat lge.”

Ikaw, kamusta ka?”

“Gnun p dn. Hbng 2mtagal pala2 ng pala2. Hnggang naun wla p dn. Tpuz dmi p dmdtng n prob. Ngsa2wa n dn aq 2mambay. Wla aq mgwa n mgnda.”

“Chill. Hindi lang naman ikaw ‘yung ganyan. Panapanahon din. Magsasawa din ang tadhana. :)” – So, anong sabi ng reply ko? Haha matured!

“Ndi aman tadhana an ngsa2wa skn. Aq n ngsa2wa s ngya2ri. As in sawang sawa.”

“Ano ka ba, pati nga ako naiinis na sa buhay ko ngayon. Haha! Wag mo kasi isipin masyado.”

“Kaw p nainis s buhay mu eh an auz auz nang buhay mu. Huh. Kaw ang chil lng.”

“Di kaya! Un ung akala mo. Di mo pa kasi ako kilala. Di mo kasi ako kinikilala. Wag ka kasi magassume na okay na buhay ko. Kasi hindi talaga.”

-END OF CONVO-

Ayan. Naiisip ko ‘yan. Ang gago lang talaga. Ayoko sa lahat ung lalakeng dinodown un sarili nya. Badtrip. Kaya mas napagtuunan ko tuloy ung pagiisip sa usapin namin na ‘yun kaysa sa exam sa Cinema.

7:04am –

HELLO CLASSROOM! Napaka saya lang e. Naalala ko ung mga araw na magkatext kami ni Frank tuwing Wednesday. Mga ganitong oras, kahit may class na e keri lang. Haha!

Exam. Tangina. Ang tagal magcheck ng attendance. 2mins.

Parang 20mins ‘yung hinintay namin! Astig lang talaga!

Nagulat ako sa exam. Putek, ESSAY TYPE! Ayan tayo sa essay e. Kung wala kang alam, punyeta, BOKYA! Buti na lang at report namin ung ieexplain. Shit laaaaang! Tapos pipili ka ng type mong iexplain na report. Sooo, okay na siguro ung mga sagot ko. Dapat daw minimum ng 65 words. O dibaaaa! Mga 80 words naman ung sa akin. Wahahahaha JOKE!

Tapos after nun naggroupings na. Ewan ko ba. Tengene ang gulo lang talaga kanina. Ang ingay pa. Hahahahaha!

BREAAAAAK — TAKE NOTE! Bale 7:30am-10:30am ung Cinema class, Wala pang 10am e dinismiss na kami. Soooo mga 9:45am siguro ‘yun. 9:45am-1:30pm ang break. BONGGA DIBA?! HAHAHAHA!

SAAN TAYO KAKAIN?

Ang pinaka mahirap na tanong. SOBRANG HIRAP. Pero buti naman at mabilis nasagot kanina. Sa CHICBOY namin naisipang kumain.

Sooooo, lakad lakad.. tapos nung andun na kami sa Mcdo malapit sa UE… SHIT LAAAAANG! SARADO UNG CHICBOY! Tengene.

MCDO, MANG INASAL, O KFC?!

Okay, KFC ang trip. Kahit malayo okay lang. Lakad lakad. Tawid tawid.

SHIT LANG. Nung andun na kami sa tapat ng CHICBOY… Merong guard. So tinanong namin kung bakit sarado.

“Kuya, bakit sarado?”

“Hindi. Hindi pa kasi binubuksan e.”

“Anong oras po magbubukas?”

(nagcheck kung okay na, nagtanong sa loob…)

“Okay na pala mam, bukas na..”

SHIT! AS IN SHIIIIITTTT!

ANG SAYA LANG NAMIN DAHIL KAMI ANG PINAKA UNANG CUSTOMERS NUNG ARAW NA ‘YUN!

Ako, Grace, Marie, Nadelle, Shikara, Arian, Dylan, Nina, & Aubrey!!!!

OMGGGGG! ANG SAYA LANG NAMIN! (Hindi ba obvious?!)

ORDER ORDER DIN!

Madaming tawa habang kumakain. Basta, masaya :) MASAYANG MASAYAAAA!

—–

1:30pm –

RTV CLASS!

Ayun, binigay na ung grades. 1.25 ako. SHIT LANG! Nung prelims 1.50, tapos ngayong midterms e 1.25. IBIG SABIHIN E TUMAAS AKO, Nyahahahaha! So halos lahat kami 1.25! Ang saya lang! Ang galing nga ni Shikara e! From 3.00 to 1.25! Grabe ha! Kinakir ‘te?! HAHA!

3:00pm –

BREAK ULIT!

So naisipan naming magpunta sa HEPA LANE (kung saan lahat ng pagkain ay mura at masarap at alam mo na….)

Hindi ko alam pero bawat hakbang namin e nababawasan kami. Hanggang sa apat na lang kami. Ung iba kasi may practice sa reports at meetings. So ayun, kaming mga petiks e kumain ulit. Hahahahaha!

Tengene. First stop, ISAW. FRIED ISAW! Swak tangina! Mga naka tatlo lang ako. Hahaha! Tapos na ZAGU kami. Cookies ‘n Cream forever ung sa akin. extra sago, extra crystals (nata). Solb kingina!

E humirit pa si Nadelle. Magbuburger daw sya. E busog na kami. Kaya naman nagsiomai na lang kami. 3pcs. for 10php. OH DIBA! ONLY IN THE PHILIPPINES YAAAAN! =)) Tapos inenjoy nya ung burger.

Maya maya pa e dumating na ung mga nagsiwalaan habang naglalakad kami..

Si Nina, Aubrey at Dylan. Soooo, pito na kami!

At sa hindi inaasahang pagkakataon…..

3:23pm –

 

Naalala ko, break din ngayon ni Frank. Kaya nakita ko si Frank. Sa Hepa Lane.. Nakita ko sya.. NAKITA KO SI FRANK. KAHIT MALAYO PA LANG E NAKILALA KO NA. NAPATINGIN AKO SA KABILANG GILID KO. SHIT LANG. PALAKAD NA AKO. PALAYO. PAIWAS. HINDI KO ALAM KUNG NAKIT NYA AKO O ANO. BASTA, HINDI KO ALAAAM! TAPOS PAGKALINGON KO ULIT KUNG SAAN KO SYA NAKITA, SHIT LAAAAANG, KATABI KO NA, AS IN ONE SEAT APART NA LANG UNG AGWAT… TAPOS WALA. WALANG NANGYARI. PARANG HINDI KO SYA NAKITA.

Hindi ko alam kung nag kunwari din sya na nakita nya ako. Tapos dahil siguro na nafeel nya na kunwari hindi ko sya nakita, kunwari hindi na lang din nya ako nakita.. kaya ayun, likod na lang nya ung nakita ko.. kung saan nakadisplay ung bag nyang kulay asul. Ang saklap. Ang saklap.. Bakit ba? Alam ko kung saan sila pupunta ng mga kasama nya. Sa PAREDES. Sa dorm ng kaklase nya. Sabi nila baka may ginagawa silang ano.. na baka beki ung isa sa kanila. LOLJK. Basta putangina. Hindi nya ata ako nakita or ano. Kasi iba ung bag ko. Nakabackpack na kasi ako. Hindi na shoulder bag. Tapos ayun.. Hindi ko alam. Hindi ko alam tangina ang sakit lang. Parang wala lang. Parang hangin na lang sya. :( HINDI KO LANG TALAGA ALAM! HINDI KO ALAM KUNG BAKIT GANUN UNG INASTA KO AT KUNG BAKIT HINDI KO SYA TINAWAG. PUNYETAAAAA. :((

“Baka pumayat ka na nga kasi hindi ka nya nakita.. Ayyyyiiiiieeeee :D”

Ayan ang sabi ni Aubrey. NO COMMENT.

So habang pabalik sa school para magreview dahil may quiz sa COMM, paemote emote. Ang dami kong sinasabi. Kingina. Ewan ko. Ang wasak lang. Ang gago lang ng dating. Hindi ko alam… PUNYETA AYOKO NA MAGISIP OKAY?

4:01pm –

NAGTOTOOTHBRUSH KAMI SA RESTROOM! Masaya na ako. Okay na ako. Hindi na nageemote. Kalmado na. Dedma na. Hindi ko na gusto ang mga nangyayari kaya wapakels na. Let it be. Fuccckk.

So nag-ayos kami. Sobrang ayoooos.

Tengene, nung nasa dulo pa lang kami ng hallway, nakita ko naman ung crush ko. As in Since-First-Year-Second-Semester-Super-Duper CRUSH! Shit lang. E hindi pa ata tuyo ung liquid liner na inapply ko, kaya kunwari magkinukuha ako sa bag at nakayuko habang dumaan sa harap nila. Tangina. Alam ko nakatingin sya. Alam ko ‘yun. Sayang kami.. kung nalaman nya lang dati. CHOS! ECHOSERA! HAHAHAHA! Pero totoo.. sayang kami…

Sa room.

Habang nagrereview, biglang may nagtext na naman..

Si Gab.

“Nba2got kb? Gs2 mu mkpgtxt2 s iba? Bi2gay q numbr mu.”

PUTANGINA. ANO TO?

“Ikaw bahala..”

Tapos napaisip ako… kaya may nireply ako, pahabol na reply..

“Ganun pa ako kadaling ipamigay sa iba?”

Durog! Tangina lang hahahahahaha! Hindi ko alam kung anong naramdam nya.

“Nu cnsv mu? Cntax lng un d aman kta bnbenta. Wag mu txt kng ayaw mu. Xnxa na.”

TANGINA LANG! ANO ‘TO?! HINDI KO TALAGA MAGETS SHIT LANG. ANO BA KAYONG MGA LALAKE KAYOOOOO!

Please lang. Ayoko ng masaktan. Sobra na…

End of story….

Advertisements