Eto na naman ako sa stage na ito. Hindi ko alam kung anong tawag sa stage na ito. Pero sige, papangalanan ko na.

LUNGKOT-DRAMA-PUNYETA-EMO-LONGING-FOR-SOMEONE-LOOKING-FOR-SOMEONE-MISSING-SOMEONE Stage.

Meron ka ngang kaMU, pero nasaan sya?

Oo, nasa isip ko. Saan ko naman sya hahanapin? Saan ko sya makikita? Hindi ko nga alam kung saan sya nakatira. Kung saang lupalop man ‘yun, hindi ko balak hanapin, dahil hindi ko din naman sya pupuntahan. Dahil alam ko, ako pa rin ung babae. Sya pa rin ung lalake. OK? Kung gusto man nya ako makita gaya ng pagkagusto ko, e pupuntahan nya ako, o kakausapin, o pipilitin nya akong makipagkita sa kanya. Umulan man o umaraw ng napakataas, papayag ako.

Pero iba na nga. Depende na. Dumedepende na ‘yun.

Feeling ko nga hindi nya naman ako gusto. Or ano. Or mahal. Hindi nga gusto, mahal pa kaya?

Napipilitan lang naman siguro ‘yun.

Sabi nga nya..

MASYADO KA KASING DEMANDING..

Pero hindi naman talaga. Ano ba naman ung hilingin kong makita sya nung mga panahon na ‘yun diba? Hindi naman grabe ung hinihingi ko. Oras lang. Presence nya lang. Kahit once a week lang. Kahit sabay lang sa pag-uwi. Kahit ‘yun lang. Kahit ‘yun lang..

Hindi ko nga alam kung bakit kinukulong ko ung sarili ko sa ganitong pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit pwedeng pwede ko syang iwan or kalimutan anytime, pero hindi ko ginagawa. Hindi ko alam mga brad. Hindi ko alam..

Sabi nila..

Pag pinakawalan mo ang isang bagay, o isang tao.. may dadating na bago. Mas astig pa. At mas malupit. ‘Yun ang abangan mo..

E shit lang. Nahihirapan nga ako e. Putangina kung hindi ko lang talaga mahal ‘yung tao na un, at kung trip trip lang ‘to, edi sana matagal ng wala. Matagal na kong kumawala. Matagal na akong bumitaw.

May something lang talaga sa kanya e.. Meron lang talaga. Mahal ko sya. Hindi dahil kumpleto sya ng mga gusto ko sa isang lalake, or kung ano pa man.. basta. Mahal ko sya sa bilyong bilyong rason.. sa dami nun hindi ko masabi. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam. Basta, ang alam ko, mahal ko sya. Gusto, mahal, hinahanap hanap ko sya.. Kaya ang hirap lang matapos ang isang araw ng wala sya. Ng walang paguusap. ‘Yun lang talaga. Hindi ko kaya ang walang kausap.. Hindi ko kaya!

Oo, madami akong kaibigan. Tropa, meron din ako. Kaso iba lang talaga pag lalake kausap mo, lalo na kung special ung lalake na ‘yun. Kasi puro babae na kausap ko sa room, pati mga kaibigan ko halos lahat, babae. Siguro mas mainam ng magmahal na lang ng katulad kong babae din? LOL

Hindi ko alam.. nakakaloka lang talaga :( Hindi ko alam kung paano, kung saan, kung kailan ako magmomove on. Kung ‘yun nga talaga ung kinakailangan e gagawin ko talaga. Shit lang kasi. Kung ganun nga e sana naman diretsahin na lang nya ako. Mas okay na ‘yun! Tangina lang talaga. Hindi ung ganito. Naghihintay lang ako at umaasa. UMAASA. Bakit kasi may mga taong paasa? Pamiss? Patiis-tiis? Badtrip. This is not what I asked for.

 

 

 

 

 

 

 

TANGINA THIS!

 

 

Advertisements