Ang dami dami daming araw na ang nakalipas. Isang tao pa rin iniisip ko. Hindi ko maibaling sa ibang tao dahil wala naman si Ibang Tao.

Ilang araw na akong nalulungkot. Sobrang lungkot. Balisa. Stressed. Lahat lahat. Sa school lang naman ako masaya. Pero pagdating sa bahay.. ewan ko ba. Malungkot lang talaga. Sa school lang naman ako may kaibigan e. Hindi naman kasi ako palalabas dito sa amin. Bahay-Tindahan lang ako.

Oo, may tindahan kami. Sari-sari Store. Astig nga e. Minsan bili kayo sa akin. Tapos ipaprint nyo tong post ko para may libre kayong isang 8oz na softdrink tapos kahit anong tinapay na meron kami, Nyahahaha!

So ayun nga, may tindahan kami. Pero walang kinalaman un sa nararamdaman ko ngayon..

Nalulungkot ako. Kung sinu-sino na lang kinakausap ko sa Tumblr ko, at sa Y!M, at sa Facebook. Wala na akong matinong kausap. As in! Kailangan ko ng kausap. Naka-superunli nga ako ng 7days, di ko naman nagagamit. Wala kasi akong matawagan at matext ng matagalan. Gets?

Si Ano kasi.. sya lang naman kausap ko tuwing gabi, tuwing pag gising, bago matulog.. sya lang tinatawagan ko para makausap.. para maka-catch up. Kasi ayoko namang maramdaman nya na nawawala ako.. na wala na ako. Kasi hindi naman talaga ako nawawala, or nawala. Hindi. Hinding hindi nu. Sya lang naman kasi ung taong hindi ako magsasawa, or kahit ano. Ewan ko. Pero syempre kinaiinisan ko din sya. Haha! Hindi ko alam.. malungkot lang pag wala sya. Sobra. Grabe. Over. Grover :|

Malungkot lang kasi hindi na kami ganun. Onteng usap na lang ang nangyayari sa amin. Namimiss ko sya. Sa sobrang pagkamiss ko sa kanya e nakakaiyak na. Nakakaiyak :(

Nung Thursday, 12am, tumawag sya e.. pero saglit lang kami nagusap. Mga 15mins. Bitin :( Bitiiiiiin. Shit lang. Hindi ko alam, pero nalungkot pa rin ako. Kahit na pigil na pigil ung kilig at ngiti nung magkausap kami, pagkatapos talaga nun nalungkot lang talaga ako e… pakiramdam ko, simula nung pusta na yan, ung sched kung kelan lang kami pwedeng magusap, feeling ko nalayo na sya sa akin.. na sa sobrang layo e naligaw na.. at hindi na makakabalik..

Yun ung ikinalulungkot ko. Lumabas din. Nalaman din. Namimiss ko na sya.. At kailangan ko na ulit syang makasama…. at makausap.. at makita… at mayakap (sana mayakap ko na sya. LOL)

Hay.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Bitin. Wala na akong maisip. Sorry. Haha!

Advertisements