Sa dami-dami ng pinopost ko dito sa blog ko na tungkol sa PAG-IBIG, hindi ko pa ata nasabi kung ano ba talaga ang gusto ko sa isang lalake. As in ung wala akong iniisip na may masasaktan ba. O may mapipilitan magbago(dahil sa mga nais kong ishare). Kaya dahil dyan, isi-share ko na kung ano ba talaga ang tipo kong lalake. :) Ung mga gusto ko sa isang lalake. Ung mga kahinaan ko. UNG MGA NAKAKAAKIT! Ung hinding-hindi ko aayawan. LOL! Hayok amputa :))

Pwedeng maulit ko ang mga pwede kong masabi kaya please, pinapangunahan na kita, hindi ako tanga or bulag or ano, trip ko lang ulitin. Para maemphasize ung nais kong sabihin (SHIT LANG HINDI AKO SURE SA MGA PINAGSASABI KO. SHIT)

ANG MGA BAGAY NA HINDING HINDI KO PWEDENG HINDI MAPANSIN SA ISANG LALAKE AT HINDING HINDI KO AAYAWAN (AT SURE NA MAAAKIT AKO AT MATUTURN ON) BASTA! LAHAT LAHAT NG GUSTO KO SA ISANG LALAKE!!!:

  • GWAPONG BOSES (Tangina, aanhin ang kagwapuhan kung bopek ka naman. BOSES PEKPEK. Tanga.)
  • MAAYOS MAGTEXT (Dapat ganito. HiNdI UnG GaNiTo.,,., or ung ganitoh poh.. AYAW! Haha! Mas okay ung ganito. Tapos may smiley para hindi boring :) Haha!)
  • MATANGKAD (Aanhin ang kagwapuhan kung mas matangkad ako sayo. Hello?!)
  • MAY MALUPET NA AURA. (Aanhin ang kagwapuhan kung ang lungkot naman ng dating mo sa akin.)
  • MABAIT PERO BAD BOY ANG DATING (Shittttttttttt!!!!!!! Pwede ba?! Asan ka na? Magpakilala ka na sa akin pag ganyan ka! HAHAHAHAHAHA)
  • MARUNONG KUMANTA (Wala akong pakealam kung nasa tono man o ano. Basta marunong kumanta. Pero syempre, plus na ung nasa tono.)
  • MARUNONG MAGGITARA, MAGDRUMS, BASTA KAHIT ANONG INSTRUMENTO NA KAYA NYANG TUGTUGIN (Shit lang. Grabe. Shit lang talaga…pero syempre, ayoko naman pag FLUTE lang ung kayang tugtugin. PUTANGINA. Ano ako, gago?! Ano, lokohan?!)
  • MARUNONG MAGHINTAAAAAY (Sa totoo lang, sa tulad kong naghihintay sa pagmamahal, isang lalake lang naman talaga ung kailangan ko, ung marunong basahin ung tinype ko. Wag bobo.)
  • SAKTONG ITSURA (Hindi mukhang artista. Hindi din mukhang machura)
  • MARUNONG MAGTOOTHBRUSH (Ayokong magkaboyfriend or asawang amoy unan. Gets? Oh, isipin mabuti. Hahahahahaha)
  • MARUNONG MAG-ALALA (Ayoko kong maramdam na wala akong kwenta. Kahit “Kumain ka na ba? Kain ka na.” lang sana. Oks na! Wag ko lang talaga ma-feel na wala akong kwenta or hindi mo feel na mag-alala sa akin or alalahanin ako.)
  • MAGINOO PERO MEDYO BASTOS (Kailangan din yan sa buhay. Ang boring naman kung puro MAGINOO lang. Shit lang talaga. Pero wag din puro BASTOS. Kasi minsan nakakairita at nakakabastos. Seryoso. Nakakainis. Kaya dapat balance. K?)
  • MATAPANG (Ayoko ng torpe. Life is too short. At ayoko din ng lampa. Please lang, lampa na nga ako e. LOLJK)
  • MARUNONG MAGMAHAL (Tangina. Hindi naman ako tanga para hindi maghanggad ng pagmamahal, diba?!)
  • GENTLEMAN (Gusto ko din naman ung pinagbubuksan ako ng pinto.. ung mga ganun..)
  • ON TIME (AYOKO NG PINAGHIHINTAY AKO. I DON’T WANNA WAIT IN VAIN)
  • SWEET (Shit lang. Papakasalan agad kita. LOL)
  • MADISKARTE (Please, wag bobo. Ayoko ng bobo. Utak naman. Hindi ung sa akin pa iaasa.)
  • MARUNONG BUMASA NG KINIKILOS KO (Ayun oh)
  • MASARAP KASAMA (Ung hindi boring. Ung hindi ako ung unang makikipagusap. Ung parang hindi awkward. Ung malupet kasama. Basta. Ganun!)
  • MAYAMAN (O ano? Palag? HAHAHAHAHAHA)
  • MARUNONG MAGSELOS (Kasi mahilig akong maglambing eh. Hindi mo yun alam? Ay, sabi mo kasi di ka nagseselos. LOL.)
  • MAHABA UNG BUHOK (Shittttttt)
  • CLEAN CUT (SHITTTTTT)
  • MOHAWK (*dies)
  • MALAMBOT UNG KAMAY (Tangina. Ung kamay ko kasi hindi ganun kalambot e. Hahahahahaha!)
  • MABANGO (Shit lang. Lalo na kung pabango mo ay JOVAN, COOL WATER, at STYLE IN PLAY.. Sisiguraduhin ko sayo na hinding hindi kita iiwan, at hinding hindi ako papayag na iwan mo ako. Sure fire na mararape kita! Grabe. Sino ba naman ang may gusto sa lalakeng amoy anghit?! Hahahahahaha!)
  • TAMANG PANGANGATAWAN (Hindi payat. Hindi mataba. Sakto lang. Mala-DEREK RAMSEY — with or without the abs. HAHA!)
  • KISSABLE LIPS (Tinatanong pa ba yan?!)
  • MAGALING HUMALIK (Isang tao lang talaga naaalala ko sa ganitong usapan. Haha! Shit. Kakamiss lang. :( Hahahahaha EMO! Basta magaling humalik!)
  • MAGALING (Sa lahat ng aspeto ah. Maliban na lang ung magaling sa panloloko at pambobola at pananakit at sa pagpapaiyak. LOL!)
  • MORENO (SHITTT)
  • MAPUTI (HAHA MINSAN! Minsan kasi trip ko e. Minsan lang. Hahahaha)
  • NAGDODOTA (Oh, alam na? Alam na syempre.)
  • NAGBABASKETBALL (Alam na din? Sige na nga)
  • MARUNONG MANLIGAW (Anak ng teteng. Ayoko na kasi ung ako ung nanliligaw. Kasi palaging ganun ung dating e. Parang ako na ung lalake. HAHAHA)
  • MATANGOS ANG ILONG (Sarap nun kagatin. Wahahahahaha! Sa huli e foreigner pa talaga ung type ko e nu HAHAHA! Basta. Matangos ang ilong :> Nyahaha!)
  • MARUNONG PUMUNTA DITO SA BAHAY (Tanga lang kasi ung iba e. Duwag pa. Tsk. TSSSSKKKK)
  • HINDI CHOOSY (Kadalasan kasi choosy e. Badtrip! Talo pa ako)
  • LOYAL (OMG)
  • FAITHFUL (OMGGGG!)
  • MASIPAG (Aanhin ko ang taong tamad kung tamad din naman ako?)
  • MATALINO (Please lang talaga, ayoko ng bobo. Ayoko din ung nasasapawan ako kaya pwedeng pantay lang ng katalinuhan?!)
  • MAY SELF CONFIDENCE!!!!
  • MARUNONG MAG-APPRECIATE (Shit lang. Nasasaktan talaga ako pag feeling ko wapakels ung guy e.)
  • MAALAGA (MALAKING CHECK! Sakitin kasi ako.)
  • WALANG BISYO! (Gusto ko ako lang bisyo nya. Pero depende din sa bisyo. Siguro? Haha!)
  • MARUNONG MAGREPLY AGAD SA TEXT KO (ALAM NAAA….)
  • MARUNONG TUMAWAG. (Syempre.)
  • ASTIG PUMORMA (Please, wag jeje manamit. No Offense! Gusto ko ung cool lang. Ung chill. Hindi ung heavy outfit. Di ko keri!)
  • UNG HINDI AKO IPAPAHIYA
  • MARUNONG MAGPATAWA (Papakasalan kita pag na-maintain mo yan)
  • MARUNONG MAGPA-MISS (Pero hindi ung sobra)
  • ALAM UNG LIMITATIONS!
Jusko! Wala na akong maisip. At sa tingin ko naman ay walang naulit. Haha! Basta. Sana naman kahit iilan lang dyan e nasayo. Please naman, future manliligaw/boyfriend, kung mabasa mo naman ‘to, wag ka namang maging plastic. Kung hindi man nasayo ang mga katangian na gusto ko.. please, maging totoo ka naman sa sarili mo. Baka kasi mas mainlove ako pag ganun. LOL! Shit lang! Hahahahahaha!
**Feb. 19, 2017
Dahil marami pa rin ang nagbabasa sa post na ito, kailangan ko na ilagay ang link ng updated version dahil nagbago na ako. Hahaha!
Advertisements