Minsan naisip ko na itigil na lang ‘to.

Tutal wala namang ikinabubuti sa akin. Minsan lang. Minsan pag okay kami. At minsan pag magkasama. Okay na okay ako. Naiinspire akong gumawa ng mabuti. Pero minsan talaga ang OA ko lang siguro. Paranoid. Kaya siguro feel kong itapon na lang ang lahat at mag-move on. Teka.. paano nga ba?

 

Minsan talaga naiisip ko na hindi kami dapat para sa isa’t-isa. Pero hindi..

Ano ako, bobo? Tanga? Siraulo?! Na pakawalan na lang ung taong pinahahalagahan ko? E kung alam ko naman na the feeling is mutual?! LOL

Pero minsan talaga naiisip ko sya.. madami akong naiisip. Namimiss ko tuloy sya dahil dun. Tengene. Ang hirap lang. Lalo na pag walang pag-uusap. As in ZERO COMMUNICATION. Feeling ko nalalayo ung loob ko sa kanya. :| Feeling ko lang ha! At isabay mo pa ung stress. At sakit. Literal na sakit ah! (lagnat, sakit ng tsan, sakit ng kasukasuan)

Minsan kaya, naisip nya na hindi ko sya mahal? Na niloloko ko lang sya? Na ayaw na nya? Na ayaw na nya sa akin? Na makulit ako masyado? Na malaki ang agwat namin? Shit. Wag sana…

Minsan kasi, alam ko na baliw lang talaga ako. Pero mahal na mahal na mahal (to the highest level) ko sya.. PROMISE! :( Nakakalungkot kung naiisip nya ung mga nakasaad sa itaas.

Hindi ko alam kung unfair ako or what. Hindi naman sya nagcocomment sa mga posts ko. Nababasa nya naman. Ewan ko ba.. Siguro huli na ‘to. Hindi na ulit ako magkkwento ng mga ganito sa blog ko. :| Baka gusto nya ng PRIVACY. LOL. Ewan. Basta…. last na ‘to.

 

 

 

Pero kung trip nya pa ri akon na magkwento ng tungkol sa amin.. EDI GO! :) Haha!

Advertisements