Bakit gustong gusto mo akong saktan?

Hindi ba obvious sa dami ng missed calls ko?

Na namimiss na kita. Na ayoko na ng ganito. Na may schedule kung kailan lang pwedeng mag-usap.

Ayoko na ng ganito.

Hindi ko alam kung napapabuti ba tayo..

O kung napapabuti ba ako..

Para akong nakakulong. May oras ng pagdalaw. Ng pag-uusap.

Ayoko.. Pakiramdam ko nabibilaukan ako..

Ang sakit sa ulo. Nauumay na ako sa dami ng iniisip ko..

Pero wala e.

Gusto mo.

Sabi mo tiisin ko. Tiis tiis din.

Edi sige.. mapipilit ba kita?

Kung mapilit man kita, okay lang kaya sayo?

Sasaya ka kaya?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

LOL. Ako na madrama. Love you taba! :>

Advertisements