August 17, 2011

Hindi ko alam kung anong trip ko nung araw na ‘yun. Nakalimutan ko na din. Kasi nga diba busi-busihan sa school. Pwedeng magsorry kung isang pangyayari lang ang naalala ko? Sorry, pwede? Ano, pwede ba? Ha?

SORRY!

 

Ang naalala ko lang e late ako nung araw na un. Ulit. Tapos uwian na agad ikkwento ko okay?!

 

UWIAN!

DOTA ulit kami ni Frank! At naalala ko na pinangako ko sa sarili ko na mananalo ako sa pagkakataon na ito.

PC 2. PC 1. Sa dating computeran. Keri. Kita ko agad kasi pag-akyat mo ng hagdan, ‘yun na e. Nyahaha!

So ayun.. umupo agad ako. Hassle nga lang ung pag-upo kasi may electric fan sa likod ko. Haha! Edi dedma lang sa nakabalantrang electric fan. Aba, nung pagkaupo ko, epal lang talaga, sira pa ung upuan. Unstable. Haha! Edi dedma ulit. Hangga’t hindi ako nahuhulog, okay lang.

WordPress, FB, Tumblr.

Ineedit ko ung post ko. Ung LOVE IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND. Nakakailang lang kasi tinitignan ni Frank kung anong tinatype ko. Hahaha! Para-paraan! Niliitan ko ung font. Oh diba, para ako lang makabasa ng matino. HAHAHAHA!

So ayun, okay na. Tapos na sya maglaro ng NBA 2k11, tapos tinamad na din ako magtype. Tapos na pansin nya ung upuan ko.

“Ayusin mo kasi.. ganito..”

Tapos inayos nya ung upuan ko. Nakaupo na ako ng maayos :”>

 

GAME ON!

Gamit ko si DK. Dragon Knight. Tapos gamit nya si ano.. sino ba ‘yun?! Shit :| Basta.. si ano.. OMGGGGG. Hindi ko maalala :(

*tawag ngayon kay Frank…*

Shit. Hindi nya din maalala. :| Sino ba ‘yun………

AH OO! Si BM! Tangama. Broodmother! Hahahaha! Okay okay!

O tapos si BM nga ‘yung sa kanya.

Ganda ng build ko. Tapos hindi ko alam kung maganda ba ung build nya kasi hindi ko naman ginagamit si BM. Basta, tago ng tago sa sapot kaya hirap patayin. Ang kunat lang talaga ng DK ko nun. Shit lang! Ang lakaaaaas ko!!!! HAHAHAHAHAHA!

First Blood! Tapos ilang beses ko pa syang pinatay. As in patay talaga! Haha! Grabe! Grabehan ung yabang ko nun! Tapos nung mababasag ko na, ung sa World Tree na talaga, pucha, umalis ba naman sa laro! Ayaw nya makitang nananalo ako. Hmp! Pambihira! Pero syempre, 1-0 na! Hahaha ako na panalo!!!!

Round 2!

Gamit ko si Enchantress, gamit nya si Alleria (Wind Runner).

Feeling ko talaga magaling ako e. Kasi First Blood ulit! Hahahaha! Edi confident ako masyado!

“Ano, seryosohan na ba?”

“O sige! Mukhang natatalo ka na e! Sige!”

“Sige, sabi mo yan ha..”

O edi seryoso na nga. Tangama. Lakas na ng Alleria nya pagsampa ng LVL16. Shit lang. Ako na lampa. Hahahaha hindi na ako nakaipon ng pera. Tsk! Patay kung patay. Nakakainis. Hahahaha! Edi sige lang. Talo na kung talo. Okay lang! Atleast nanalo ako for the first time!!! :>

<WAKAS>

Pagkatapos ng laban, ang saya ko lang. Haha! Nanalo din sa wakas :’)

 

 

Umuwi kami agad. Dun ulit sumakay sa terminal kung san si Kuya Turo. Sa gitna nanaman. Hahaha! Pamibihira. At take note! Ang ingay ng mga pasahero sa nasakyan naming FX. Shit lang. Kami ung pinaka tahimik — as in walang imik! Tinginan. Kalabitan. Pitikan. Ganun lang. Non-verbal lahat. Hahahaha! Well, actions speak louder than words. Hahaha!

 

“Andito na ako sa bahay! Ingat taba! Ang bilis ng byahe nu? Haha!”

“O sige, SM pa lang ako. Text kita pag nasa bahay na ko.”

 

 

Advertisements