Ikaw ang text na hindi dumating

Ikaw ang selpon na nasira ni miming

Ikaw ang tawag na hindi ko nasagot

Ikaw ang araw na di maiwasang lumubog

 

Ikaw ang damit na ilang beses nahubad

Ikaw ang kausap pag balak tumelebabad

Ikaw ang init na sa ulan ay balak kong patayin

Ikaw ang milo na di ko maiwasang papakin

 

Ikaw ang banat na kanina ko pa iniisip

Ikaw ang sa kabilang butas na nais kong masilip

Ikaw ang hinahanap ko sa tuwina

Ikaw lang ang taong hindi ko kayang mawala pa

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ikaw nga, Taba.

Advertisements