Huling araw ng Hulyo.. tuluyan ko ng iniwasan at iniwan si Gab. Oo, ayokong masaktan at manakit ng ibang tao. Iba na e. Ibang iba.

Sakto naman, sa pagtext ko kay Frank e nagreply naman agad sya. Ung nga lang, eto ung nireply..

“Hus dis?”

Ayun, binura pala ung number ko. Ah, okay. Ganunan pala. Hindi ko alam kung bitter ba sya o ano. O nagpalit ng fone o kaya nasira o nabura ung mga contacts nya. Edi nireplyan ko din. Umiral ang Sarcasm.

Tapos pinahula ko sya ng pinahula kung sino ako. Tapos nahulaan naman. Ang tanga nga e. Feeling ko kabisado naman nya ung number ko e. O kaya narecognize nya kahit papano. Pero mungago lang talaga e. Ang bitter nya. HIndi ko alam kung bakit. Shit lang talaga.

Tapos nun, nagusap na kami ng matino. Nagsumbong ako tungkol dun sa nangyari sa amin ni Gab. Badtrip. Alam kong gusto ko si Gab, pero hindi tulad ng pagkagusto ko kay Frank. Leshii. :|

Okay naman, parang wala lang ung usapan namin, Parang hindi ko sya mahal. Parang tropa lang. Ewan ko… Basta wala ako sa mood noon na makipaglandi or whatsoever. Kailangan ko lang ng matinong kausap. At nahanap ko naman un.. si Frank nga lang. Hindi ko na-feel na awkward pala ung ganoon. Saka ko lang naisip nung patulog na ako. Hindi ko alam. Basta ganun lang un. Nagusap kami tapos tapos na.. Un lang.. Kinabukasan, parang wala lang talagang nangyari.

Tinanong nya kung bakit ako nagtext. Kung bakit tinext ko sya ulit.. Kaya daw hindi na sya nagpaparamdam dahil nga sa ang alam nya e okay na okay kami ni Gab, na isang malaking kalokohan. Hindi naman talaga ako masaya, nailove lang ako sa idea na ganoon nga, na masaya pag kami ni Gab, kung maging kami man, masayang masaya. Pero wala e, baliw sya.

So ayun, maayos na ulit kami ni Frank. Walang hassle. Swabe. Pabor sa akin, pati sa kanya. HAHA!

Sige, nakwento ko lang. :”>

Pero sige na nga! Dito ko na lang din ulit ikkwento ung 1st ever date namin. Kung ano ung mga nangyari. HAHAHAHA!

August 10, 2011

Bale Wednesday ‘yun. Parehong 6pm ung uwian namin. Pero dahil nga sa nafe-feel ko na bitin ung oras at rush hour un, pinag-cut ko na sya ng class. Pati ako syempre. Hindi na ako pumasok ng COMM102 :) HAHA! Wag maingay! Edi gora na ako ng 4:30pm.

Aba, sya na swerte! Dinismiss na pala ung klase nya nung 12nn. May meeting ata ung prof nila? Ung mga profs? Ewan. Basta ganun ung nangyari. Dapat nga daw uuwi na sya ng maaga, aba, try nya lang. Baka hindi lang kutos magawa ko sa kanya. Hahaha!

So ayun, nagkita kami malapit sa Gate 4. Lakad lakad. Abang-abang din ng masasakyan.

“Ano bang sasakyan natin? Jeep o FX?”

Yan ung tanong ko. Tapos hindi ko narinig ung sagot nya.

“Jeep?”

Hindi ko pa rin narinig ung sagot nya. Haha! Kaya feel ko na jeep. Aba, nung sasakay na kami, FX pala. :) Ang hirap din palang maging bingi.

So ayun, sakay kami ng FX. Sa likod. Kung saan may kaharap kaming dalawa pang sakay ng FX. Isang taga UE, isang taga FEU. LOLWUT. Pati un napansin e nu :) Tapos ayun. Kwentuhan syempre kasi mahaba-haba ung byahe. Oo nga pala, sa SM North kami patungo.

Nakwento nya na nagbasketball sila ng naka-paa. Haha! Astig! Tapos ang sakit sakit daw ng paa nya. Ang daming sinasabi e nagenjoy naman siguro sila. Tapos ang dami dami pang tanong. Sagot naman ako ng sagot. Minsan sasabay pa sa kanta na pinapatugtog sa FX. Wala lang, sarap lang ishare sa inyo. Haha! At take note! Sa FX pa lang un. Madami pang kwentuhan. :”>

.

.

Sa wakas at nasa SM North na kami. Daan muna ng National Bookstore. Tapos may binili sya. Whiteboard marker. Tapos ako din bumili syempre.

Pamhinta X ni Louie Cano

O diba, naakit kasi ako sa titulo ng libro e. Saka ung nakasulat sa likod. Astig lang e. Tapos nung magbabayad na ako sa cashier, hassle lang. Ang tagal tagal tagal tagal. Ewan ko nga ba kung bat ang tagal. Chumikka ata ung si ate kaya humaba ung pila. Haha! Kaya nung mabayaran ko na e gora na ko kung saan nakatayo si Frank.

Bumili din pala ako ng pick sa JB Music. Ang dami kong segue. Haha!

Baba kami sa Foodcourt. Umorder sa Sizzling Plate. Walang sirloin yan. Maling order. Hahahaha di ko type kasi para ding tapa. HAHAHAHA! Pero gora lang. Usap usap habang kumakain. Tapos pinakita ko sa kanya ung ID namin sa Advertising. Haha nakalimutan ko na ung naging reaksyon ko nun e. Basta naalala ko lang sinabi nya na mukha daw akong matanda dun. Okay na siguro un kaysa naman masabihan na mataba ako dun. LOL. HAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Tapos ayun, lakad lakad ulit. Umakyat sa sinehan. Tapos ayun, nahirapan pa kaming pumili ng papanuorin. Hahahaha!

Cowboys & Aliens

HP7 Part2

Pureza

Putek, hirap na hirap pumili kaya Cowboys & Aliens na ung pinili ko. Hahaha! Puro naman kasi si kahit na ano ung kasama ko. Ewan ko ba!

Tapos ayun, nuod nuod din. At hindi ko akalaing tutulugan ako sa loob ng sinehan. Hahahaha!

[Skip] Fast forward na tayo. Hahaha!

Tapos bago kami umuwi, bumili ulit sya sa National Bookstore sa ground floor. Wala kasing 1/8 Illustration board sa taas e. Kaya ayun. Tapos pagkatapos nun, diretso na kami sa terminal ng mga FX. Sakay kami, sa likod ulit, kasi nga punuan. Mahirap ng maging choosy kasi mga alas nwebe na un. Tapos soundtrip ng onte hanggang sa makababa na ako sa bababaan ko. Tapos tapos na!

Ang saya saya saya saya saya saya saya.. as in SUPER SAYA ko lang nung araw na un. :”> Ewan ko ba. Kung nakamamatay ‘yung kilig e matagal na sana akong namatay. Iba talaga e. Pucha, akala ko hindi ko na ulit makakapiling ‘tong tao na ‘to e. Iba talaga ung level na kasiyahan pag magkasama kami. LOL! Imba lang talaga.

.

.

.

Ayoko ng magsawa..

Hinding hindi magsasawa sayo..

..abangan ang susunod na kwento sa sumunod na pangyayari ng sumunod na araw… HAHAHAHAHAHA!

Sige na! Ako na inlove! :)

Advertisements