Minsan, sa buhay natin, may dalawang taong magmamahal sayo. Kung lalake ka, dalawang babae un. Kung babae ka, dalawang lalake un. Pero kung nasa gitna ka, ewan ko. It’s your choice. So choose wisely.

Usong uso ‘tong kasabihan na ‘to e..

“Kung may dalawa kang minamahal, piliin mo ung pangalawa.. kasi hindi mo naman mamahalin ung pangalawa kung mahal mo talaga ung una..”

Bullshit. This is plain bullshit.

Base sa aking karanasan.. yan ay hindi makatotohanan.

E paano pala kung tukso lang talaga ung dumating at tinetesting lang ung katatagan ng relasyon nyo? Punyeta. Hindi yan totoo. Hindi!

 

Meron at meron kasing dadating sa buhay mo na dalawang taong magsasabay sa pagpapatibok ng puso mo. Pareho mong mamahalin, at madudurog ang puso (pati ang utak) mo dahil hirap na hirap ka sa pamimili. At hindi mo kayang iwan ang isa. Dahil pareho mo nga silang mahal e. Ibig sabihin nun e maharot ka. CHOS! Basta.. hindi mo lang talaga maiwasan kasi nga napaka ganda/gwapo mo. Ikaw na!

Eto kasi sila e.. PARA SA AKIN HA! Babae ako kaya lalake ung si Napadaan lang at si Hindi ka iiwan..

Si Napadaan lang..

  • Eto ung lalakeng ngiti pa lang, pamatay na e.
  • Malupit bumanat!
  • Text. Tawag. Date. Lahat lahat! Sya na may oras para sayo!
  • Favorite line: I love you, I miss you, Gusto na kitang makita ulit, Asan na ung kiss ko? Payag ka bang makipag….
  • Masaya kasama, okay na okay.
  • Pakilig FOREVER!
  • Mr. Almost Perfect!
  • .
  • .
  • .
  • Pero pagkatapos ng lahat.. iiwan ka at uulitin ang panloloko sa ibang tao. Napagpractisan ka lang kumbaga. Waley. Hindi sya para sayo. COMMERCIAL LANG SYA SA BUHAY MO.
Si Hindi ka iiwan
  • Present na yan bago pa dumating si Napadaan lang.
  • Inis na inis ka dyan kasi nga ang damot sa oras. Kung hindi dun, sa ka-sweetan.
  • Sweet paminsan minsan, pero kabog na kabog ni Napadaan lang.
  • Aayain ka magdate pag alam nyang sagana ka sa pera. Kung mayaman sya, aayain ka nya magdate pag alam nyang hindi ka pwede.. (ano daw? LOL ang negative ko)
  • Respeto. Napaka-taas ng respeto nya sayo.
  • Naghihintay ng tamang oras para maging stable kayo.. basta ganun na un.
  • Magiging maayos para sayo.
  • Magbabago para sayo..
  • Pipiliting makasama ka, wag mo lang maisip na hindi ka nya mahal..
  • Shit.
  • .
  • .
  • .
  • .
  • at kahit na inentertain mo si Napadaan lang.. deep deep deep down inside.. mahal na mahal ka pa rin nya. Kahit na si Napadaan lang ung topic nyo.. willing syang makinig, makausap ka lang.. at kahit na ilang beses mo syang iwan.. andyan lang sya, naghihintay sayo.. at kahit hindi nya sabihin, mararamdaman mo na kahit anong mangyari.. ikaw lang ang pinaka importanteng tao sa kanyang mundo..
At sa buhay ko ngayon.. kilala ko na kung sino si Napadaan lang at kung sino si Hindi ka iiwan.
Sinusulit ko lang naman. Haha! Malay mo lumisan na si Napadaan lang bukas. Haha! Chos!
.
.
.
.
.
.
WAKAS
Advertisements