Pag tinanong kita ng “Okay ba tayo?”

Ganito ibig sabihin nun..

“Mahal mo pa rin ba ako? Masaya ka pa ba sa akin? Hindi pa rin ba nagbabago yang nararamdaman mo? O stressed ka lang? Hindi ka na kasi malambing.. hindi mo na ako kinukulit.. hindi na tayo tulad ng dati. Okay pa rin ba tayo? O ako lang at ako at hahabol? Habulin mo naman ako babe.. nagpapasuyo nga ako e. Namimiss na kita..”

What’s with the cold treatment, babe?

Are we still adjusting?

Tapos syempre dahil wala kang ideya.. eto isasagot mo.

“Okay naman tayo ah. Ano bang tanong yan? Okay naman, wala naman problema diba?”

Tapos eto isasagot ko..

“Totoo ba?”

Ganito ibig sabihin nyan..

“Totoo ba na wala tayong problema? Kasi naman hindi ka na nga tulad ng dati. Dati araw-araw kang nagsasabi ng Good Morning at Good Night. Tapos palagi mo pa akong sinasabihan ng I LOVE YOU. Tangina naman. Lambingin mo naman ako oh. Kahit ngayon lang. Ngayon mo na lang kasi ako tinext.. Masyado ka ng busy sa paghahanap ng trabaho. Paano naman ako? Sige ka, pag ako sumuko.. iiyak ka..”

Grabe. Sana naman lambingin mo na ulit ako. Pucha, hindi pa nga tayo stable ganito agad. Ano ba. :(

Tapos eto naman sasabihin mo..

“Oo naman. Ano bang problema?”

Tapos ang masasagot ko lang ay..

“Namimiss na kasi kita..”

O tapos wala pa din. Hindi mo pa rin na-gets.

Ang hirap talaga.

Sana kaya kong sabihin.. kaso masakit din naman sa daliri magreply ng ganyang kahaba. Tapos maiksi lang din ung reply mo.

Kung mabasa mo man ‘to.. alam na.

 

PAHABOL!

 

“Gusto ko ung dating ikaw..”

“May mali kasi. Hayaan na muna nating maging okay ang lahat.. Sige, goodnight. Matulog ka na din mamaya..”

.

.

.

 

 

Ganun lang. Ang simple. Pero ang sakit, dre. Ang sakit…


Advertisements