Moira.. pwede ba kitang ligawan?

 

Tangina. Kahit yan lang. Kailan kaya, Anthony?

Kailan?!

Kung pwede ko lang palitan yan pangalan na bukambibig mo sa tuwing magkasama tayo.. kung pwede lang..

Hindi naman sa minamadali kita.. o sa kung ano pa mang dahilan..

Nasasaktan lang kasi ako sa tuwing nakikita ko na nasasaktan ka na. Sa tuwing kinikwento mo sa akin kung paano mo pinagisipan ang lahat. Kung paano ka nya lokohin. Kung paano ka nya kabilis palitan. Kung paano ka nya saktan.

Hindi mo ba napapansin? Hindi mo ba ramdam? Nasasaktan ako. Sa sobrang sakit nga e napapangiti na lang ako. Wala naman akong magagawa kundi pakinggan ang mga hinaing mo sa buhay. Na kahit ginagago ka na e.. mahal mo pa rin sya..

Hindi mo ba talaga ako napapansin? O kahit maramdaman man lang na minamahal kita? Na kaya kong masuklian ang pagmamahal mong inilalaan sa babaeng yun?

Bakit?

Dahil ba kaibigan lang ang tingin mo sa akin? Na hindi mo ako kayang mahalin ng higit pa sa kung anong meron tayo ngayon? Dahil ba feeling mo, kahit na ginagago ka nya, sayo pa rin sya babagsak? Tangina. Kung ganun pala e tanga ka.

Hindi mo ba napapansin?

Bulag na bulag ka na. Tama na. Hindi na bagay sayong magpakatanga..

.

.

.

.

Mahal na mahal kita, Anthony.. mahal na mahal..

Yan sana ang sasabihin ko kanina nung kausap kita..

Kaso wala e..

Naunahan nya ako..

At hindi ka nagdalawang-isip na balikan sya..

 

Advertisements