Ako. Si *Roy. Si *Trick.

Ano kami?

Ganito yan. Ginagago ako ni Roy, sineseryoso ako ni Trick.

Ganito ulit. Sineseryoso ko si Roy, ginagago at sineseryoso ko si Trick.. pero hindi naman. BASTA! Nalilito ako.

Tangina. Mahal ko sila pareho. Pero hindi ako gago. Hindi ko lang alam kung sino talaga. Pero alam ko ang motibo ni Roy.. at ni Trick.

Si Roy, taglibog habang buhay. Hindi ko alam kung bakit. Gusto nya sya ung makauna sa akin. Tangina lang. Ano ba?! Mukha ba akong puta?! Hindi ko talaga alam pero palagi syang nagpupumilit. Ayoko, syempre. Madami na akong alam sa mga ganung bagay, pero ayoko muna ng application. Ayoko muna ng hands-on. Bata pa ako. Putangina. Ayoko muna..

Minahal ko si Roy.. dati. Ngayon, medyo okay lang. Gusto ko lang sya, dahil siguro palagi ko syang nakakausap. Pero hindi na ko kinikilig. Hindi kaya naging kami.. at hindi na talaga ako kinikilig. Ang plastik ko naman kung kiligin pa ako kahit hindi naman na. Tangina, feeling nya mahal ko pa rin sya. Palagi ko syang sinasabihan ng i love you.. pero wala lang, trip lang un. Hindi ko naman sineseryoso un. pakilig lang sa kanya kumbaga. Pero oo.. hindi ko kayang mawala sya.. hindi dahil sa mahal ko sya.. dahil sa kailangan ko sya. Pero ganun na din un. Mahal na din un siguro.. Pero puta, iba sya e. Tangina, kakakita ko lang sa Facebook nya e. Puta. Ikaw na gwapo. Nakuha pang mambabae. Kilala ko na kung sino nu. Wag ka ng gago.

Sex lang habol nya sa akin.. putangina. Wala talaga akong kinabukasan kay Roy..

Si Trick.

Tropa sya ng pinaka-close kong kaibigan na lalake nung highschool..

Ganito kasi yan. Dahil nga sa gusto ko ng maka-move on ng mabilis kay Roy noon, naghanap ako ng makakausap. Textmate. Kahit ano. Basta..

Kaya nanghingi ako kay tropa.. tapos sya ung pangalawang binigay. Tinatarayan ko pa sya dati. Haha! Buti nga nakayanan nya e. First time ko kaya magtaray! Lels. So ayun.. masaya naman kami. Okay kamo sya kasi matured na. Buong buo na ung pangarap, sigurado na sa gusto, hindi na gago, pero mabisyo.. okay na siguro un. Kaya naman nya sigurong magbago.

Anyway, taglibog din tong lalake na ‘to e. Pero marespeto, minsan lang kasi atakihin ng libog. Wala akong magagawa, halos lahat naman siguro ng lalake e ganun. Palaging fertile.

Natutunan ko na din syang mahalin.. iba sya. Ibang spark, ibang saya, ibang feeling pag kasama sya. Wala ung ilang, wala lahat.. chill lang. kumpara kay Roy na pati lakad ko e pilit kong inaayos. Ang plastik ko sa harap ni Roy, pero ung totoong ako ung naipapakita ko sa harap ni Trick. Ibang iba si Trick.. sya ung taong gusto kong seryosohin talaga at ung gusto kong makasama habang buhay.. Oo, hindi sya gwapo, pero maprinsipyo. Saka hindi ko kailangan ng gwapo. Kasi bibihira na lang nag gwapong seryoso at siguradong lalake. HAHAHA! Saka oo nga pala, graduate na si Trick. Pero si Roy, mauunahan ko pang grumaduate. 5 years kasi sya magaaral, ako isang taon na lang e ggraduate na, pero si Roy, dalawang taon pa. Katamad maghintay ‘te!

Sa hinaba haba ng sinabi ko.. may isa lang akong tanong.

Sino ba sa dalawa ang pipiliin ko? Sino?!

Naiinis lang talaga ako, ang hirap lang.

Uunahin ko ba ang puso? O ang isipan?

WAKAS

* hindi nila tunay na pangalan. pero totoo pong tao sila. hindi ko gawa gawa lang. maniwala ka.

PS

Oo nga pala, kaakit akit ba ang titulong ginamit ko kaya binasa mo ito? HAHA!

Advertisements